Transman Jesi Corcuera sa kaniyang pagbubuntis: “Simple lang naman ang gusto ko, yung magkaroon ng matatawag kong sariling akin.”

Si Jesi tumatayong ama rin sa mga anak ng kaniyang kinakasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Transman Jesi Corcuera buntis sa kaniyang unang anak. Kilalang Starstruck alumnus ibinahagi ang nararamdaman sa desisyong magbuntis sa kabila ng kaniyang gender orientation.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Transman na si Jesi Corcuera buntis sa kaniyang unang anak.
  • Paliwanag ni Jesi sa kaniyang naging malaking desisyon na magbuntis.

Transman na si Jesi Corcuera buntis sa kaniyang unang anak

Larawan mula sa Instagram

Sa Instagram ay ibinahagi ng Starstruck alumnus at transman na si Jesi Corcuera na siya ay buntis sa kaniyang unang anak. Si Jesi alam na marami ang napalaki ang mata sa desisyon niyang ito. Pero ayon kay Jesi matagal niyang planong magkaroon ng sarili niyang anak. At ito ay impluwensiya rin ng kaniyang partner na may dalawang anak. Si Jesi ang tumatayong ama sa mga ito.

“Alam ko mahihirapan din kayong intindihin kung paano ito nangyari.

2018 nung simulan kong planuhing magkaroon ng anak. Pero that time, maraming struggles, lalo na financially and hindi rin naman biro ang gastos sa unang plano kong mag-IVF.

Hanggang sa bumalik sa buhay ko si Cams pati ang mga bata. Naisip kong parang sign na yata ito ni Lord sakin. Baka ito yung warm-up Niya para sakin kung paano ako magiging magulang soon. Sa pagtayo ko bilang tatay ng mga anak ni Cams, maraming naging realizations. Isa na dun yung baka may chance pa pala akong magkaroon ng sarili kong anak.”

Ito ang bahagi ng caption ni Jesi tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag ni Jesi sa kaniyang naging malaking desisyon na magbuntis

Larawan mula sa Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy pa ni Jesi nitong taon nabuo na ang desisyon ni Jesi na magbuntis. At pinili niya na siya mismo ang magdala o magbuntis nito. Hindi man madali ang proseso, si Jesi ginawa ito para sa katuparan narin ng pangarap niya.

“Hindi naging madali ang prosesong ito para sa akin kaya sana hindi niyo rin ganun kadaling husgahan kung anong nakikita niyo ngayon.

Simple lang naman ang gusto ko, yung magkaroon ng matatawag kong sariling akin. Alam kong may mga anak akong inako kay Cams at walang mababago dun sa pagdating ni “Ninja” (nickname ng baby ko Hahaha). Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, malaki ang naging parte ng mga bata at ni Cams sa kung ano ako ngayon.”

Ito ang sabi pa ni Jesi tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram