Showbiz reporter na si Ogie Diaz happy at confident na sinabing hindi ikinahihiya ng kaniyang mga anak ang pagiging miyembro ng LGBT community ng father nila.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Ogie Diaz bilang isang father
- Ano ang ginawa ni Ogie para matanggap at hindi siya ikahiya ng mga anak niya
- Paano sinabi ni Ogie sa mga anak niya na siya ay gay
Ogie Diaz bilang isang father
Larawan mula sa Facebook account ni Ogie Diaz
Marami ang nagugulat tungkol sa pagiging isang father at pagkakaroon ng pamilya ng showbiz reporter na si Ogie Diaz. Dahil si Ogie kilala at hindi naman ikinakailang miyembro ng LGBT community. Kaya naman marami ang kumikuwestiyon at nagsasalubong ang kilay sa tuwing nalalamang siya ay may asawa at may limang anak.
Sa panayam sa kaniya ni Luis Manzano sa vlog nito ay ibinahagi ni Ogie ang kaniyang nagiging reaksyon sa tuwing nakaka-encounter ng mga taong hindi makapaniwala na siya ay may mga anak, may misis at mayroong masayang pamilya. Kuwento ni Ogie, dinadaan nalang daw niya sa biro sa tuwing kinukwestyon ng iba ang kapasidad niyang magkaanak.
“Hindi kayo makapaniwala? Gusto ninyo po gawin ko sa inyo para maniwala lang kayo. Dinadaan ko nalang sa ganun kaysa mapikon ka.”
Ito ang natatawang pagbabahagi ni Ogie.
Pagpapatuloy pa ni Ogie, sa kabila ng gender orientation niya, ni minsan ay hindi na-bully ang mga anak niya. Ang mga ito daw ay very proud pa na siya ang kanilang ama.
“Ito ang natatandaan ko sa mga anak ko, wala sa mga anak ko ang nalungkot, lumuha dahil binubully sila dahil bakla ang tatay nila. Surprisingly walang ganun. Talagang proud sila na si Ogie Diaz ang tatay nila.”
Ginamit niya ngang halimbawa, ang pag-graduate kamakailan lang ng pangalawa niyang anak na si Godhie sa high school sa UST. Kapit na kapit daw ito sa kaniya habang nagaganap ang graduation sa kanilang eskwelahan. At sa tuwing natatanong ito kung si Ogie ang daddy niya ay mabilis at magalang na “opo” ang sagot nito.
Si Ogie, thankful na ganito ang pagtingin ng anak sa sekswalidad niya at ang mga ito ay lumaki na mabubuting bata. Hindi rin kinuwestiyon ng mga ito ang pagiging bakla ng ama at masaya sa kung anong uri ng pamilya na mayroon sila.
“Ang pinagpapasalamat ko sa mga anak ko hindi sila naging suwail at hindi sila ‘yong tipo ng bata na ang big deal sa kanila kung ano yung pagkatao ng tatay nila.”
Ano ang ginawa ni Ogie para matanggap at hindi siya ikahiya ng mga anak niya
Dagdag pa ni Ogie, may isang dahilan kung bakit proud at ni minsan man ay hindi tinake as negative ng mga anak niya ang pagiging bakla niya. Ito umano ang ginagawa ni Ogie para sa kanila.
“Lagi kong paniniwala diyan, kapag physically hindi ka present sa buhay ng anak mo kapag dumating ‘yong time na binully yung anak mo tungkol sa tatay hindi nila alam kung paano ka ipagtatanggol.”
“Kasi hindi ko nga nakikita physically ‘yong tatay ko, hindi ko siya nararamdaman, paano ko siya ipapagtatanggol, Kaya anong gagawin niya, iiyak na lang siya. ‘Yong mga anak ko, hindi ganyan kasi kilala nila ang tatay nila at araw araw kaming magkasama.”
Ito ang sabi pa ni Ogie sa kung paano siya nagpapakatatay sa lima niyang anak.
Paano sinabi ni Ogie sa mga anak niya na siya ay gay
Larawan mula sa Facebook account ni Ogie Diaz
Kamakailan lang sa vlog naman ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo ay ikinuwento ng showbiz reporter kung paano niya sinabi sa mga anak na bakla siya.
Kuwento niya nagtatalo sa harap niya ang mga anak at tinanong niya ang mga ito kung anong pinagdidiskusyonan nila. Noong una ay natatakot pang magsalita ang mga ito, dahil sa takot na magalit daw si Ogie. Pero dahil sa gulong-gulo ay sinabi na lang nila sa ama ang malaking tanong noon para sa kanila. Dahil ang mga kaklase nila sa school ay sinasabing bakla daw ang daddy nila.
“Bakla naman niyang daddy mo eh.”
Ito daw ang minsang sinabi ng kaklase ng panganay niyang anak na si Erin ng ipakita niya sa mga ito ang picture ni Ogie. Si Erin sabi ni Ogie ay ipinagtanggol ang ama at hindi daw na-offend sa kaniyang kaklase. Si Ogie dinaan parin daw sa biro ang sagot niya sa mga anak. Ito ang sabi niya.
“Oh next time ha, pag nag-insist pa sila na bakla daddy niyo, huwag kayo magagalit. Saka kayo magalit kapag sinabi ang daddy niyo tomboy.”
Ito ang natatawang kuwento ni Ogie tungkol sa kung paano niya inamin sa mga anak na siya ay bakla.
Sa parehong panayam rin ibinahagi ni Ogie kung paano nagsimula ang love story nila ng misis na si Georgette. Ito daw ay nakilala niya sa isang comedy bar at aware na aware na siya ay isang bakla. Sa katunayan ito daw ang tingin niyang dahilan kung bakit siya nagustuhan nito at sila ay naging mag-asawa.
“Kung ako ay tunay na lalaki, hindi ako papatulan niyan. Gusto niya kasi yung lambutin, hindi nagbibihis babae pero bading.”
Ito ang natatawa pang kuwento ni Ogie.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!