X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ogie Diaz proud sa daughter niyang high school achiever: "Kung saang kurso ka masaya, support lang kami."

5 min read

Ogie Diaz proud sa graduation ng second daughter niyang si Godhie sa high school. Kilalang showbiz reporter at content creator may payo sa mga magulang sa pagpapalaki ng teenager na anak sa panahon ngayon.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Reaksyon ni Ogie Diaz sa graduation ng 2nd daughter niyang si Godhie
  • Paano pinalalaki ni Ogie Diaz ang mga anak niya

Reaksyon ni Ogie Diaz sa graduation ng 2nd daughter niyang si Godhie

ogie diaz daughter godhie

Larawan mula sa Facebook account ni Ogie Diaz

Pinakamagandang Father’s day gift, ganito kung isalarawan ng mga netizens ang ipinost ni Ogie Diaz tungkol sa graduation ng pangalawa niyang anak na si Godhie. Si Godhie naka-graduate na ng high school sa University of Santo Tomas. Bonus pa dito ayon kay Ogie ang naka-graduate with honors ang anak na labis umano nilang ikinatuwa ng kaniyang misis.

“Umakyat pa kami ng mama niya sa stage dahil “with honors” pa siya.  Ako ang nagsabit ng medal sa kanya, naaliw ako. Hahaha!  Sobrang proud daddy and mama lang yarn.”

Ito ang sabi ni Ogie sa kaniyang Facebook post tungkol sa graduation ng anak na si Godhie.

Pagdating sa kursong kukunin sa kolehiyo ay may choice na daw ang anak ni Ogie na si Godhie. Ang gusto daw nito ay mag-doktor na suportado naman ng kilalang talent manager at kaniyang misis.

“Sabi ni Godhie, ”Gusto kong magdoktor, daddy!”

“Kahit ano, anak. Basta kung saang kurso ka masaya, support lang kami ng mama mo.”

Ito ang sabi pa ni Ogie.

Para makapagdoktor ay kursong Med Tech daw ang kukuning premed ng kaniyang anak na si Godhie. Ngayon palang ay kine-claim na ni Ogie na magkakaroon siya ng anak na doktor.

Bagamat bukas parin sila ng kaniyang misis sa posibilidad na magbago pa ang isip nito. Kung magkaganoon man ay susuportahan parin ni Ogie ang kaniyang anak. Dahil higit sa lahat mas mahalaga daw ang nararamdaman nito lalo na sa panahon ngayon.

ogie diaz daughters graduation

Larawan mula sa Facebook account ni Ogie Diaz

“Ganyan ako sa mga anak ko. Ang luma na kasi ng ‘yung magulang ang nasusunod kung ano ang kursong dapat kunin ng anak.  At pwede nilang diktahan.”

“Noon yon. Kasi di pa naman uso nung mga panahong yon ang social media at mental health issue.”

“Pero ngayon, iba na.  Dapat, nakikiramdam din ang magulang kung ano ang behaviour ng mga kabataan ngayon sa nakagisnan natin noon, nung mga bata pa tayo.”

Dahil sa ngayon, pagpupunto ni Ogie Diaz ay usong-uso na sa mga kabataang ang depression na malaking papel ang ginagampanan ng magulang upang masolusyonan. Nagbigay pa nga ng halimbawa si Ogie sa kung ano ang pagkakaiba ng pagiging magulang noon sa ngayon.

BASAHIN:

Ogie Diaz sa mga magulang: “‘Wag ipamulat sa anak na kailangan “kumita” ‘pag Pasko.”

Tom Rodriguez inaming divorced na kay Carla Abellana: “I truly wish she finds the happiness she is searching for.”

Markus Paterson sa gitna ng isyung hiwalayan kay Janella Salvador: “Ang puso ko ngayon, sobrang saya.”

Paano pinalalaki ni Ogie ang mga anak niya

ogie diaz family

Larawan mula sa Facebook account ni Ogie Diaz

“Kung noong bata ka, nagmumukmok ka sa isang sulok, sisitahin ka ng nanay mo at sasabihing, “Anong minumukmok-mukmok mo diyan? Tumayo ka diyan, ang daming hugasin! Wag mo kong aartehan ng ganyan. Lumulusot ka lang sa gawaing bahay, eh!”

“Pero ngayon, pag nakita mo ang anak mo na nagmumukmok sa isang sulok o kaya umiiyak, napapraning ka na, eh.”

“Anak, ano’ng problema? Bakit ka malungkot? Bakit ka umiiyak? Meron ka bang nakaalitan? Binully ka ba? Nade-depress ka ba? Me anxiety ka ba, anak? Halika, anak, andito ang daddy mo, ang mama mo, handang makinig sa yo.”

Ganito daw kung paano pinalalaki ni Ogie ang mga anak niya. Para sa kaniya, mahalaga ang feelings at opinyon nila. Tulad nalang ng mag-desisyon ang panganay niyang anak na si Erin na huminto sa pag-aaral noong 2018.

Imbis na pigilan ay si Ogie pa daw ang nagpunta sa eskwelahan ng anak para ipaalam ito. Saka niya hinayaan ang anak na gawin muna ang bagay ng gusto niya at sa kaniya ay makapagpapasaya.

“Importante naman sa akin ang pag-aaral, eh. Pangarap nating makapagtapos ang  mga anak natin. Kaya nga tayo kayod-marino eh.“

“Pero mas importante sa akin ang mental health ng mga anak ko.”

Ngayon ang anak niyang si Erin ay isa ng vlogger at may sarili niya ng channel. At nitong 2020 ay nag-desisyon narin itong bumalik sa pag-aaral na hindi daw ipinilit ni Ogie sa kaniyang anak.

“Natuwa ako. Kasi hindi ko siya pinilit, eh. Pero may kondisyon na yon, sabi ko.  ‘Pag huminto siya uli ng pag-aaral, lahat ng naibayad ko sa school niya, ibabalik niya sa akin. Kukunin kong lahat sa savings niya. Pero pag nagtuloy-tuloy siya, eh ‘di congratulations!”

Ito ang paraan ni Ogie sa pag-encourage sa mga anak niya. Hindi rin daw mahalaga para sa kaniya kung may palakol sa grades ang anak o kung magtapos ito ng walang honor. Dahil ito ang paniniwala niya.

“But seriously, ang mga anak ko, alam nilang high school grad lang ang daddy nila.  Pero lagi kong sinasabi sa kanila, “Ang tunay na laban ng buhay ay wala sa loob ng eskwelahan. Nasa labas”, sabi pa ni Ogie Diaz.

Facebook

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ogie Diaz proud sa daughter niyang high school achiever: "Kung saang kurso ka masaya, support lang kami."
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.