Kasal ng aktor na si Tom Rodriguez at Carla Abellana, divorce na. Alamin dito ang pahayag ni Tom tungkol sa hiwalayan ni Carla.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Tom Rodriguez and Carla Abellana divorce
- Dahilan ng paghihiwalay ni Tom Rodriguez at Carla Abellana
Kasal ni Tom Rodriguez at Carla Abellana divorce na
Ilang buwan na ring malaking katanungan para sa mga fans at followers nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang tunay na estado ng kanilang pagsasama. Pero si Tom sa wakas ay nagsalita na, rebelasyon ng aktor, ang kasal nila ni Carla ay dibursyado na.
Sa isang statement ni Tom na ipinost ng manager niyang si Popoy Caritativo sa Instagram ay sinabi nitong umalis ang aktor pa-Amerika nitong Marso. At sa kaniyang pag-alis ay kasama niya ang realization na sumuko na si Carla sa pagsasama nila sa kabila ng mga efforts niya umanong ayusin ito.
Sabi pa ng aktor sa kabila ng mga kumakalat na balita sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila, sila lang dalawa ni Carla ang nakakaalam ng buong katotohanan.
“A lot has been said against me but in the end, Carla and I are the only two people who know the truth. It was not a perfect relationship but we both know how much we loved each other.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Tom.
View this post on Instagram
Dahilan ng paghihiwalay ni Tom Rodriguez at Carla Abellana
Pinabulaanan rin ng aktor na hindi totoo ang mga balitang kumakalat tungkol sa paghihiwalay nila ni Carla. Ito ay kasinungalingan at unfair daw para sa kaniya.
“I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly unfair.”
Pero pag-amin ng aktor, alam niyang may pagkukulang siya sa aktres. Nabanggit niya rin na naloko siya at nawalan ng malaking pera. Pero paglilinaw ng aktor ni minsan ay hindi niya napagbuhatan ng kamay ang aktres.
“I may have fallen short as a partner specially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility but it must stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla.”
Ang pahayag na ito ni Tom ay kaugnay ng naging komento ni Carla sa isa niyang YouTube video kamakailan lang kung saan ibinahagi niya ang karanasan sa naging pitong taong relasyon nila ni Tom. Ayon kay Carla, siya ay nabastos, nagamit, pinagsinungalian at pinagmukhang ‘stupid’ ng mahabang panahon. Sinabi rin ng aktres na nasasaktan siya ni Tom at bawal magalit o magtampo sa anumang ginagawa nito.
“Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.”
“Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko.”
Ito ang sabi ni Carla.
BASAHIN:
Carla Abellana sa hiwalayan kay Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed.”
Mikael Daez at Megan Young: “Dealing with stress is a partnership”
Markus Paterson sa gitna ng isyung hiwalayan kay Janella Salvador: “Ang puso ko ngayon, sobrang saya.”
Tom tanggap na ang desisyon ni Carla at ready magpatuloy sa buhay niya sa Amerika
Sa kabila ng mga kumakalat na sari-saring issue sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila, si Tom nakapag-desisyon na umanong mag-move forward sa ngayon. Mahirap man daw, kahit papaano ay malaking tulong ang support system ng pamilya niya sa US para malampasan niya ang pagsubok na ito sa kaniyang buhay.
“I have accepted her decision that it’s time to move forward, independent from each other. I have to teach myself to fall out of love from her. This will be a lonely, painful path that I shall take, but together with my family here in the US. I have the strongest support system. I am with people who will never judge and who will only love me unconditionally.”
Ayon kay Tom, hinihiling niya daw ang tunay na kasiyahan ni Carla. Kung sakali man ay ito na daw ang huling statement na ilalabas niya tungkol sa kanilang dalawa ni Carla. Dahil sa may gag order siya na kailangan niyang sundin.
”Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla’s birthday wish be granted and that she finds the happiness she is searching for.”
“This will be the last you will hear from me on the matter. I have no desire to violate the gag order issued on us and our lawyers.”
Ito ang sabi pa ng aktor.
Si Tom ay isang US citizen kaya naging posible na maipa-divorce niya ang kasal nila ni Carla sa US. Dito sa Pilipinas ay kailangan parin nilang mag-file ng dissolution ng kanilang kasal o mag-file ng recognition for foreign divorce na ginawa ni Tom sa Amerika.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!