TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Carla Abellana sa hiwalayan kay Tom Rodriguez: "I was disrespected. I was betrayed."

5 min read
Carla Abellana sa hiwalayan kay Tom Rodriguez: "I was disrespected. I was betrayed."

Ayon kay Carla, pitong taon naipon ang kaniyang hinanakit kay Tom Rodriguez habang sila ay nagsasama pa.

Hindi napigilang sagutin ni Carla Abellana ang paratang ng isang netizen sa kaniya matapos niyang i-like ang Instagram post ni Aiai delas Alas tungkol sa cheating. Iniugnay ng netizen ang aksyon na ito ng aktres sa issue tungkol sa asawa ni Carla na si Tom Rodriguez.

Mababasa sa article na ito:

  • Carla Abellana sa issue kay Tom Rodriguez: “Sobra na po ang pagkadurog ng puso at pagkatao ko”
  • Gantihan si Tom, hindi sumagi sa isip ni Carla

Carla Abellana sa issue kay Tom Rodriguez: “Sobra na po ang pagkadurog ng puso at pagkatao ko”

Nagsalita na si Carla Abellana matapos ang matagal na pananahimik buhat nang maging usap-usapan ang hiwalayan nila ni Tom Rodriguez.

Isang netizen na nakikisimpatya kay Tom Rodriguez ang nagkomento tungkol sa pagla-like ni Carla Abellana sa mga social media post na maiuugnay sa umano’y cheating issue ng asawa.

Sa YouTube video ni Carla Abellana, may isang netizen na nagkomento tungkol umano sa pagbura ng aktres sa kanyang komento. Saad nito, “And my comment was removed hahaha. Bakit? Takot ka mabasa na hypocrite ka? Huwag kang magbait-baitan kasi hindi ka mabait.”

Agad namang pinaliwanag ni Carla Abellana na ayaw niya lang ng negativity. Segunda ng isa pang netizen, kung ayaw umano ni Carla Abellana ng negativity ay hindi na dapat ito nagla-like ng mga negative comments tungkol kay Tom Rodriguez. Matatandaang kamakailan ay ni-like ng aktres ang Instagram post ni Aiai Delas Alas tungkol sa cheating.

“Don’t cheat. If you’re unhappy just leave.”

Iginiit pa ng netizen na sana ay mag-usap na lang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez at ayusin ang gusot ng mga ito. Dagdag pa nito, bigyan sana ni Carla ng pagkakataon na magpaliwanag si Tom Rodriguez at huwag itong deadmahin.

carla abellana tom rodriguez

Larawan mula sa Instagram ni Carla Abellana

Dito na nagbitaw ng pahayag ang aktres at ipinaliwanag sa mga ito ang sitwasyon.

“Ang taong lubos na nasaktan, hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected, I was betrayed, I was lied to, I was used, I was shamed, I was made to look so stupid.”

Dagdag pa ni Carla Abellana, kung iyon lang daw sana ang ginawa sa kanya ay maaaring makabangon pa siya kaagad mula sa sakit. Pero aniya, ginawan pa raw siya at ang kaniyang pamilya ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw.

“Sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog sa puso at pagkatao ko.” 

Ipinaliwanag din nito na maliit na bahagi lang ng totoong kwento ang mga nababasa at nakikita ng mga tao sa social media tungkol sa gusot nilang mag-asawa.

BASAHIN:

Carla Abellana humingi ng respeto mula sa mga netizens: “No to anything toxic.”

Zeinab Harake sa kaniyang pag-move-on: “Lalaban para sa anak at hinding-hindi na magiging marupok”

Bunny Paras nakiusap kay Mo Twister para sa kanilang anak: “Wag na ‘yong pera, bigyan mo na lang ng panahon.”

Gantihan si Tom, hindi sumagi sa isip ni Carla

carla abellana tom rodriguez

Larawan mula sa Instagram ni Carla Abellana

Nakasaad din sa mahabang paliwanag ni Carla Abellana sa mga netizen na nagpipilit na makipagbati siya kay Tom Rodriguez, na hinikayat niya ang asawa na magpagamot.

Saad ni Carla Abellana, wala siyang ibang binigay kay Tom Rodriguez kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis at pagpapatawad. Paliwanag pa nito, pitong taon na aniya siyang bawal magalit, magtampo o masaktan dahil ‘makakatikim’ daw siya.

Paulit-ulit din daw na nagpapasensya si Carla at ipinaliliwanag kay Tom na hindi siya kalaban at mabuti ang kalooban at intension niya. Pitong taon daw na naipon sa loob niya ang lahat ng sakit na dinadala. Dahil kahit gustuhin niyang ilabas ay lubhang nakakatakot para sa aktres.

Sinubukan din naman daw kumbinsihin ni Carla si Tom na “magpatingin, magpagamot, at magpagaling” pero wala pa rin daw nangyari.

“Tinanggap ko pa rin po siya nang walang pagdududa kahit wala pong nagbago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin.”

carla abellana tom rodriguez

Screenshot mula sa Instagram post ni Carla Abellana

Ngunit sinabi rin nito na sa dami ng ibinigay niya kay Tom Rodriguez ay wala nang natira para sa kaniya. Sa lala daw umano ng sakit, pambabastos, panloloko at iba pang negatibong ginawa ni Tom Rodriguez ay ni hindi niya naisip na gantihan ito dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Sa huli ay muling nilinaw nito na maliit na bahagi lang ng kwento ang alam ng mga netizen dahil hindi alam ng mga ito ang tunay na nararanasan ni Carla Abellana kapag walang camera. Lalo na kapag sarado na raw ang pinto ng kanilang bahay at wala nang ibang nakakakita.

Pagwawakas ng aktres, hindi siya masamang tao tulad ng sinasabi ng mga netizen. Ito ay dahil pinalaki siya ng kaniyang ina at lola na marunong rumespeto. At maging mabuting tao na may takot sa Diyos.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Samantala, wala pa naman sagot ang kampo ni Tom Rodriguez hinggil sa mga alegasyon ni Carla Abellana.

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Carla Abellana sa hiwalayan kay Tom Rodriguez: "I was disrespected. I was betrayed."
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko