X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bunny Paras nakiusap kay Mo Twister para sa kanilang anak: "Wag na 'yong pera, bigyan mo na lang ng panahon."

5 min read

Bunny Paras sinabing hindi siya pinapansin ni Mo Twister, ang ama ng kaniyang differently-abled daughter na si Moira. Pero magkaganoon man, si Bunny kasama ang kaniyang anak ay may masayang buhay na ngayon sa Amerika.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Getting to know Bunny Paras and Mo Twister daughter Moira
  • Pakiusap ni Bunny Paras kay Mo Twister
  • Buhay ni Bunny Paras at anak niyang si Moira sa Amerika sa ngayon

Getting to know Bunny Paras and Mo Twister’s daughter Moira

bunny paras and mo twister daughter moira

Larawan mula sa Facebook account ni Bunny Paras

Habang nasa Amerika ay nakapanayam ng showbiz reporter at vlogger na si Ogie Diaz ang 90’s star na si Bunny Paras. Siya ay kapatid ng aktres na si Charmaine Arnaiz at naging isa sa mga sikat na artista noong kapanahunan niya.

Pero ang career sa pag-aartista ni Bunny, natigil noong siya ay mabuntis sa anak nila ng disc jockey na si Mo Twister. Naghiwalay rin sila at kinailangang mag-migrate sa America ni Bunny kasama ang anak niyang si Moira. Ito ay para makapaghanap doon ng magandang trabaho at mabigyan ang anak ng magandang kinabukasan.

Naging mag-isa si Bunny sa pagtataguyod sa anak niyang si Moira. Pero ang hirap ng pagiging isang single mom nadagdagan pa ng malaman niyang may sakit ang anak na si Moira noong ito ay pitong taong gulang na.

“Carrier si Mo ng isang gene, ako carrier din na pag pinag-mix mo together puwedeng magkasakit ang anak ninyo. Hindi palaging nangyayari ‘yun pero puwedeng mangyari at nagkataong si Moira ‘yong nagkasakit which means kulang siya ng isang certain protein na frataxin.”

“And nalu-loose ‘yong ability niya to walk and mga nerves niya nagwi-weaken, mga muscles niya nagwi-weaken. Until she ended up in a walker, tapos parang siyang nagda-dance maglakad o parang lasing.”

Ito ang pagpapaliwanag ni Bunny sa kondisyon ng anak na tinatawag na Friedreich’s Ataxia. Ito ay isang rare inherited disease na nagdudulot ng damage sa nervous system ng isang tao. Sa pagdaan ng panahon ay lumalala ang sakit na ito at maaring magdulot ng movement problems o impaired muscle coordination sa katawan.

Sa kaso ng anak ni Bunny na si Moira, sa ngayon sa edad na 23-anyos, ay naka-wheelchair na ito. Minsan ay nahihirapan na rin itong makalunok at makaabot ng mga bagay-bagay dahil unti-unti naring humihina ang muscle niya sa lalamunan at kamay.

Pero sa kabila ng kapansanan ng anak ay nanatiling positive ito sa buhay. Isang bagay na hinahangaan ni Bunny sa anak.

“Minsan mahirap para sa magulang makita pero kung kinakaya niya, kakayanin ko din. Sabi nga niya, ‘Mom, at least I don’t have to wake up in a hospital bed and I’m alive. Kahit naka-wheelchair ako.’”

BASAHIN:

Remember Bunny Paras? Ito na ang kaniyang buhay sa Amerika

Angelica Panganiban reveals gender of her first baby: “I have my mini me!”

Carla Abellana humingi ng respeto mula sa mga netizens: “No to anything toxic.”

Pakiusap ni Bunny Paras kay Mo Twister

dj mo twister

Larawan mula sa Instagram ni Mo Twister

Nag-kuwento rin ang dating aktres sa relasyon nila ni Mo Twister na ama ni Moira. Ayon sa kaniya, maraming beses niyang kinulit ito para man lang mabigyan ng atensyon ang anak niya. Pero pangdedeadma at panggo-ghost lang daw ang natanggap niya mula sa kilalang DJ. Tanging ang mga magulang at kapatid lang daw nito ang nag-rereachout na madalang lang rin at hindi consistent.

“I did so many times. Ano ako, ghosting, dedma. Hindi ako pinansin. ‘Yong mommy niya, mag-aabot ng 100 or 200 dollars kapag may okasyon. Saka nung newborn si Moira may mga gatas, diaper.”

Pero dagdag ni Bunny, sa kondisyon ng anak, kahit hindi na lang sana pera. Umaasa sana siyang bigyan ito ng ama ng atensyon at iparamdam na siya ay parte rin ng kanilang pamilya.

“Sige wag na lang yung pera, bigyan mo nalang panahon. Ipasyal mo, make time. Iparamdam mo naman sa bata na part din siya ng immediate family mo, yun ‘yong sanang gusto kong makita.”

“Kung may galit siya sakin, wag niyang idamay si Moira. Hindi ko alam kung anong nasa utak niya e. Kasi hindi naman mahirap mahalin ang sarili mong anak, sarili mong dugo yan e.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Buhay ni Moira at Bunny Paras sa Amerika

bunny paras family in US

Larawan mula sa Facebook account ni Bunny Paras

Laking pasalamat na nga lang daw ni Bunny sa kaniyang husband na si Tom na itinuring na sarili niyang anak si Moira. Dahil sa pamamagitan nito ay hindi nakulangan si Moira ng fatherly love na kailangan niya.

“Tom and Moira are actually very close. Looking at the relationship of Tom and my daughter, how someone na hindi mo dugo can love a person na hindi mo naman talaga biological na anak na parang sayo. Ganun pala yung unconditional love.”

Ito ang sabi pa ni Bunny.

Sa ngayon, sa kabila ng hirap na pinagdaanan, pagsasalarawan ni Bunny masaya ang buhay nila ng anak niyang si Moira kasama ang kaniyang mister na si Tom at mga anak nila. Si Moira naka-graduate na ng college at ito daw ay nagpapatuloy na maging positibo sa buhay.

Ogie Diaz YouTube channel

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Bunny Paras nakiusap kay Mo Twister para sa kanilang anak: "Wag na 'yong pera, bigyan mo na lang ng panahon."
Share:
  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.