May mensahe si Carla Abellana sa kaniyang vlog para sa mga netizens dahil sa mga nang-iintriga tungkol sa kaniyang love life. Humingi rin siya ng respeto sa ibang social media users at nakiusap na huwag mag-comment ng mga pangba-bash sa kaniyang YouTube channel.
Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- Carla Abellana may mensahe sa mga netizens
- Bakasyon ng pamilya ni Carla Abellana
Carla Abellana may mensahe sa mga netizens
Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana
Last week ay nag-post si Carla Abellana ng bagong vlog sa kaniyang YouTube channel. Ngunit sa naturang video, mapapansin na naka-turn off ang comment sections. Ibig sabihin ay walang puwedeng netizens na magbigay ng kanilang komento sa bagong upload ng aktres.
Sa caption ng parehong vlog ay may binigay na mensahe ang aktres para sa kaniyang mga followers at iba pang netizen na napadaan sa kaniyang YouTube channel.
Doon niya sinabi na ang naturang channel ay siya lang ang may-ari. Ayon kay Carla Abellana, hindi ito kailanman naging joint YouTube account kaya naman hindi nakapagtataka na siya ang makita sa bawat vlog nito.
“I would also like to take this opportunity to remind everyone that this is the YouTube channel of CARLA ABELLANA. That’s me and nobody else. It’s always been that way so i hope you remember that i am an individual, first and foremost.”
“It’s never been a joint YouTube account and the name of this channel is contains only my name so I believe it’s just right to expect to see my face and hear my voice in every episode, right?”
Pahayag pa ni Carla, ginawa niya ang YouTube channel para sa kaniyang mga fans at followers nang mas makilala siya ng mga ito behind the scenes. Para na rin magkaroon ng access sa ilang bahagi ng kaniyang buhay na hindi nakikita sa TV.
“I started this channel on my own because I felt it would be great for my fans and followers to get to know me behind the scenes. To basically have access to certain parts of my life that aren’t shown on TV.”
“It’s my way of giving YOU more and exclusive personal content as a way of showing my appreciation for all your support in my career.”
Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana
Naiintindihan naman ng aktres na dahil isa siyang celebrity ay mahirap na maging private ang ilang detalye tungkol sa kaniyang buhay. Kaya naman hiling ng aktres ay sana respetuhin siya ng mga netizens lalo’t ginagawa niya ang kaniyang part para mapasilip ang ilang private happenings sa kaniyang buhay.
“Sana po maisip niyo po na hindi po madali para sa amin na mas palapitin pa po kayo at mas pasilipin sa mga pribadong aspeto ng buhay at trabaho namin.”
“Kaya sana po may konting regard and respect. It may be YouTube, but nowhere is it right to just throw around harsh comments and judgment, even on the internet.”
Ika pa ni Carla, lahat tayo ay magbebenepisyo sa isang space na positive at healthy. Banggit din ng aktres na ang layunin naman ng kaniyang YouTube channel ay magbahagi ng good vibes.
“If you are looking for someone else or prefer to follow a different celebrity, many of them have YouTube channels as well. You are free to subscribe or not. It’s really up to you! But wouldn’t it be great if we could keep this space positive and healthy for everyone? I’m sure we will all benefit from that.”
Mensahe pa ng aktres, “No to anything toxic and hello to genuine happiness.”
Matatandaan na nabuhay ang rumor na nagkakaroon umano ng problema ang relasyon nina Carla at Tom Rodriguez, ilang buwan pa lang bago sila ikasal. Sa ngayon ay wala pang pahayag si Carla Abellana hinggil sa naturang usap-usapan.
BASAHIN:
Rey PJ Abellana sa paglilinaw sa comment sa issue nina Tom at Carla: “Wala pong natuloy na one night stand.”
Angelica Panganiban reveals gender of her first baby: “I have my mini me!”
Chito Miranda kung papaano napasagot si Neri Naig: “Trinato ko siya bilang prinsesa”
Bakasyon ng pamilya ni Carla Abellana
Samantala, makikita sa vlog ni Carla Abellana ang kanilang naging bakasyon sa Singapore. Ayon kay Carla, ito ang unang out of the country trip ng kanilang pamilya simula noong naganap ang pandemya. Tuwa rin ang kanilang nararamdaman dahil nakakalabas at nakakapag-enjoy na ang mga bata.
“We were definitely looking forward to this trip because we really intended to make it as memorable for them as possible or as memorable to them as possible.”
Ang kanilang itinerary ay puno, wala masyadong free time at wala masyadong shopping para sa mga adults. Saad din ni Carla Abellana, ang trip ay para sa kanilang buong pamilya at lalo na para sa mga bata. Nakaramdam din si Carla ng tuwa dahil kahit paunti-unti ay nakakapag-travel na ulit ngayon.
Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana
Paliwanag pa ni Carla, walang RT-PCR at antigen testing na nire-require pero mayroong documentation. Mayroon mang naranasan na kaunting problema, natuloy pa rin ang kanilang family trip na siya namang kaniyang ipinagpapasalamat.
“So, we had fun, we had fun in Singapore. And you know, it’s just good, it just feels so good to see the kids, especially, enjoying their time. Talagang sinulit nila, ninamnam nila. And I can say naman na na-enjoy nila ng husto yung Singapore and so did we.”
Kuwento pa ni Carla, matagal na rin mula noong makapunta siya sa Singapore. At sa mga gustong pumunta sa nasabing bansa, madali lang daw ang process. Payo ni Carla ay magtingin-tingin lamang sa mga apps na maaaring maging gabay at checklist ng mga requirements.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!