X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Chito Miranda kung papaano napasagot si Neri Naig: "Trinato ko siya bilang prinsesa"

5 min read
Chito Miranda kung papaano napasagot si Neri Naig: "Trinato ko siya bilang prinsesa"

Naikuwento rin dati ni Neri kung paanong muntik na silang hindi magkatuluyan ni Chito.

Muli na namang bumanat ng isang nakakakilig na post si Chito Miranda para sa wife niyang si Neri Naig at kung paano niya ito niligawan.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Chito kinuwento kung paano siya sinagot ni Neri
  • Neri Naig nag-share kung paano sila naghiwalay noon ni Chito

Chito kinuwento kung paano siya sinagot ni Neri

chito miranda wife

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Chito Miranda

Iba nga naman ang saya sa tuwing binabalikan ng magkakarelasyon ang mga panahon ng kanilang ligawan. Kaya nga labis ang tuwa na naman ng netizens nang mag-post ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Kilala si Chito Miranda bilang mahilig mag-post ng wholesome content tungkol sa wife niyang si Neri Naig.

Nag-post si Chito Miranda sa kaniyang Instagram account ng picture ng wife niya kasama ang story sa kung paano niya nga ba napasagot ito noong panahong nanliligaw na siya.

Sa kaniyang post ay makikita si Neri na nakasuot ng sleep wear habang nakaupo. Tandang-tanda niya raw na ang larawan ay kuha noong January 2021 kung saan saktong nabuo nila ang anak na si Cash.

Pagkukwento ni Chito sa kaniyang caption, kahit kailan daw ay hindi talaga siya ang naging type ni Neri sa lalaki. Sa katunayan pa nga raw ay marami na ang nagtangkang hingiin ang matamis na oo ni Neri na mga mas guwapo at mayaman pa sa kanya.

Ang naging technique ng singer para mapasagot si Neri? Ang kanyang humor!

“Alam niyo, ang daming mga pogi at mga macho at mga mayayaman ang naligaw kay Neri… pero ako lang ang bukod-tanging nagpatawa sa kanya ng wa-poise. Sinigurado ko na sobrang enjoy siya kapag kasama niya ko, para ma-miss niya ko kapag di na niya ako kasama”.

“Never niya ako naging crush, at hindi ako yung tipo niya… pero I made sure na hahanap-hanapin niya ako kapag wala ako.”

Dagdag pa ni Chito, sinigurado niya raw na mararamdaman ng kanyang wife na para bang prinsesa ito sa kanyang kamay. Sa kabila raw ng pagsisimula ng kanilang relasyon bilang magkaibigan, nilinaw niya raw ang mga kilos niya na hindi lang hanggang dito ang kanyang nais,

“Trinato ko siya bilang prinsesa na kabarkada pero may malisya… I made sure na spoiled siya sa akin (prinsesa), pero kaya ko siyang kutusan at patawanin (barkada), at sinigurado ko na alam niya na hindi lang “friendship” ang habol ko sa kanya.”

chito miranda wife

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Chito Miranda

Matapos lamang daw ang ilang buwan nang ganitong istilo niya sa pagliligaw kay Neri ay nagsabi na ito na mahal niya ang singer.

“Ayun…after a few months, nag-“I love you” siya bigla.”

“Ang sagot ko lang was, “I know” Oo…alam ko…mayabang ako. Pinagyayabang ko talaga na sinagot niya ako, at na asawa ko na siya ngayon.”

Dahil sa post na ito napuno na naman ang comments ng pagbabahaging kinilig daw sa ginawang ito ng singer. Marami rin ang natawa sa post ni Chito Miranda. Dahil sa caption niya tungkol sa pakikipagkaibigan niya noon sa wife na si Neri.

BASAHIN:

Chito Miranda sa pagbabalanse ng work at family time: “Magsipag para makapag-semi retire ka ng maaga.”

Neri Naig walang nakikita na mali sa pag-like ni Chito ng pix ng ibang babae: “Ang masama diyan ay yung nililihim.”

LOOK: Aubrey Miles at Troy Montero, ikinasal na makalipas ang 18-year relationship!

Chito Miranda’s wife Neri Naig nag-share kung paano sila naghiwalay noon

chito miranda wife

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Chito Miranda

Katulad ng maraming healthy relationship, dadaan at dadaan talaga sa pagsubok ang magkasintahan. Tulad na lamang ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig na sa kabila ng maraming nangangarap ng kanilang relasyon ay dumaan din sa hirap. Ibinahagi ni Neri Naig noon na nagkaroon ng pagkahina ang kanilang relasyon at nauwi sa hiwalayan.

Paglalarawan ni Neri, halos nagpakamartir daw siya noon kay Chito Miranda. Kaya nga nang ma-realize niya na hindi na nagwo-work ang relasyon nila ay nakipaghiwalay siya.

“Ilang years din akong nagpaka-martyr pero dumating din ‘yong tamang panahon na naglakas loob akong sabihin sa kanya na hindi ko na kaya. Na mukhang ‘di talaga magwo-work ‘yong relationship namin, na talagang hindi kami para sa isa’t isa.”

Matapos niya raw makipaghiwalay ay nakipagkita kaagad si Chito sa babaeng malapit lamang sa kanila para mag-inuman. Ilang oras lang daw mula nang iwan siya nito at bumalik upang humingi ng tawad. Mangiyak-ngiyak daw si Chito at nagmakaawa kay Neri na huwag siyang iwan nito.

“After an hour or less, may narinig akong kotse na huminto sa tapat ng gate. Tapos may footsteps akong narinig na mabigat at nagmamadali papunta sa kwarto. Binuksan ang pinto, si Chito bumalik! Umiiyak.”

“Yes umiiyak siya nun. Niyakap ako ng mahigpit. Humihingi ng tawad. Ang tanga tanga niya daw kung papakawalan niya ako. Nasa kanya na daw ‘yong babaeng pinapangarap niya tapos tine-take for granted niya pa.”

Instagram

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Chito Miranda kung papaano napasagot si Neri Naig: "Trinato ko siya bilang prinsesa"
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.