Chito Miranda ibinahagi ang sikreto kung paano niya nababalanse ang oras niya sa pagtratrabaho at sa kaniyang happy family.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Paano nababalanse ni Chito Miranda ang oras niya sa trabaho at sa kaniyang happy family?
- Chito super proud sa misis niyang si Neri Miranda
Paano nababalanse ni Chito Miranda ang oras niya sa trabaho at kaniyang family?
Image from Neri Naig’s Facebook account
Kapansin-pansin ang tagumpay na natatamasa ng mag-asawang sina Neri Naig at Chito Miranda. Dahil maliban sa maganda nilang pamilya ay successful ang mga negosyong binubuksan nila.
Nakakapagpundar din sila ng mga gamit at iba pang properties na mula sa kanilang kinikita. Higit sa lahat ay makikitang nabibigyan nila ng sapat na oras at atensyon ang mga anak nila.
Sa kaniyang pinaka-latest na Instagram post ay sinagot ni Chito ang isa sa mga tanong ng netizen tungkol sa kung paano niya nababalanse ang pagtratrabaho at pagiging pamilyado.
Si Chito na nasa Boracay ngayon kasama ang kaniyang pamilya at ito ang naging sagot.
View this post on Instagram
“May nagtanong recently sa isa sa mga posts ko kung paano ko daw naba-balance ang work at ang family time, kasi parang ang dami ko daw free time.”
“Ang sagot, namuhunan na ako ng trabaho mula nung bata ako.”
Ito ang bungad ni Chito sa kaniyang Instagram post.
Kuwento ni Chito 17-anyos palang siya ng magsimula siyang magtrabaho. Mula noon ay nag-ipon na siya at nag-invest habang isinasabay ang pag-aaral niya.
“I’ve been working hard and earning for myself since I was 17. Sinabay ko with school ang pagbabanda and sacrificed a lot of things para makapag-ipon at makapag-invest ng maayos.”
Dagdag pa ni Chito, imbes na bumili ng mga mamahaling gamit ay pinili niyang maging praktikal. Mas minabuti niya daw na maging handa at magkaroon ng iba’t ibang sources ng income para sa dagdag na pagkakakitaan.
“Instead of buying an expensive car, I got myself a cheap and reliable Jazz. Instead of buying a huge house, I got a small one. I didn’t feel the need to impress anyone, anyway.”
“Yung mindset ko kasi, hindi forever ang pagbabanda, so I constantly prepared for retirement, and focused on finding different ways to earn, and establishing different sources ng income para di ako mawalan ng pagkakakitaan once mawala ang Parokya.”
Hanggang ngayon ay nandyan parin at successful ang mga naging investments ni Chito. Ito ang proud niyang sabi. Kaya naman siya ngayon ay relax at nakakapag-spend ng quality time sa kaniyang family
“Yun yung sagot dun: magsipag, at mamuhunan ka ng todo-trabaho hangga’t bata ka, para makapag-semi retire ka ng maaga, at pa-relax relax ka nalang once magka-pamilya ka.”
Image from Neri Naig’s Facebook account
Netizens hanga sa wisdom ni Chito Miranda
Ang mga netizens sumang-ayon sa post na ito ni Chito. Lalo rin umano nila itong inidolo dahil sa wisdom nito.
“Tamang mindset ‘yan sir Chito. I always look up to you and ma’am Neri, isa kayong inspiration. Tamang Mindset + time management + tiyaga. Yan talaga natututunan ko sa inyo.”
“Thank you for the inspiration Mr. and Mrs. Miranda. Dapat talaga maraming ways to earn para maraming sources of income. Huwag mahihiya magbenta and magsipag.”
BASAHIN:
Chito Miranda sa pagiging suwerte sa misis: “Mukha akong sugar daddy… pero mas mayaman siya sa akin”
Chito Miranda: Sobrang laking bagay for me na masipag ang asawa ko
LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda
Super proud sa misis niyang si Neri Miranda
Image from Chito Miranda’s Facebook account
Tulad ni Chito ay hinahangaan rin ng marami ang tinaguriang wais na misis niyang si Neri Miranda. Dahil ito sa mga kaliwa’t-kanang negosyong itinatayo ni Neri na nagiging successful. Si Chito ay amaze na amaze na kung paano ito nagagawa ng kaniyang misis.
“Supermom. I don’t know how you do it. I mean, I could see you, first hand, doing everything that you do in front of me, but it still baffles me kung paano mo nagagawa lahat yun.”
“Kumbaga sa magic trick, kahit kasama kita, at nandun ako backstage, hindi ko pa rin alam kung paano mo ginagawa yung lahat ng ginagawa mo.”
Ito ang sabi ni Chito sa mensahe niya sa misis na si Neri nitong nagdaang Mother’s Day.
Kamakailan nga lang ay proud na ibinahagi rin ni Chito na nakagraduate na sa kolehiyo ang misis. Ito ay may Business Administration degree na mula sa University of Baguio.
“Ang galing eh: inaalagaan at inaasikaso mo kami, including me and Ninang, our house, our farm, ‘yong mga businesses natin, ‘yong mga negosyo mo, mga hosting jobs, guestings, at endorsements, tapos tumutulong ka pa sa community (kahit sa mga taong di mo kilala).”
“Tapos may time ka pa mag-aral ng languages online, manood ng series, at magbasa ng mga libro.”
Ganito kung paano isinalarawan ni Chito ang misis niyang si Neri na tulad niya ay napagsasabay rin ang pagtupad sa kaniyang pangarap habang sinisiguro na naibibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!