Neri Miranda business and family life, narito kung paano umano binabalanse ng aktres. Ito ay ayon mismo sa kaniyang asawa na si Chito Miranda.
Chito Miranda wife
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng Parokya ni Edgar lead man na si Chito Miranda kung gaano siya ka-proud sa misis niyang si Neri Miranda.
Ayon kay Chito, napaka-sipag ng kaniyang misis na si Neri. Makikita nga sa kaniyang latest post na kahit gabi na ay nakaharap parin ito sa laptop niya at nagtratrabaho. Saka ulit gigising ng maaga upang mag-asikaso sa kanilang pamilya at sa mga businesses niya.
“I took this picture of Neri bago ako matulog, at gigising na sya ulit by 5 or 6am, depende on how late she sleeps.”
“Wala talaga sayang “off” button.”
“Ang pinaka-pahinga lang nya ay ang gardening, at ang pag-alaga kay Miggy…at kahit na nakakapagod din yun, dun talaga sya nakakapag-relax.”
Ito ang pahayag ni Chito tungkol sa kasipagan ng asawa.
Neri Miranda business
Sa katunayan nga daw ay may nadagdag na naman sa mga negosyong pinagkakaabalahan ng misis niyang si Neri. Ito ay ang pagbebenta at pagsusupply ng kape na nakakatulong rin na mabigyan ng income ang mga empleyado niyang natigil sa trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.
“In addition to managing several businesses, dealing with countless deadlines ng mga kelangan nyang ipost, running a household, and taking care of me and Miggy, may bago na naman sayang pinagkaka-abalahan: yung pag-benta, at pag-supply ng kape.”
“Ang galing ng ginawa nila kasi aside from earning, and creating a new source of income, nabigyan nya pa yung staff nya ng opportunity to earn for themselves as well, habang sarado pa yung Neri’s Not So Secret Garden.”
Maliban rito ay maraming pang negosyong pinatatakbo si Neri. Tulad nalang ng isang restaurant sa Tagaytay, pagtitinda ng beddings, sleep wears, wedding gowns, accessories, pastries at ang masarap niya Neri’s gourmet tuyo. Pansamantala nga lang natigil ang ilan sa mga ito dahil sa COVID-19 pandemic na ating nararanasan.
Chito Miranda and Neri Naig team as husband and wife
Kaya naman dahil dito, ayon kay Chito ay super proud at napalaking-bagay daw para sa kaniya na masipag ang kaniyang asawa. Kahit na hindi niya ito pinapayagang tumulong sa gastusin sa kanilang bahay. Dahil paniniwala niya ang responsibilidad na ito ay dapat sa kaniya lang.
“Sobrang laking bagay for me na masipag ang asawa ko…tag-team talaga kami eh.”
“Actually, nagtampo sya sa akin recently, siguro mga 2 nights ago. Kasi ayaw ko na mag-share sya sa mga gastusin dito sa bahay. Ang gusto nya kasi, habang sarado yung mga restaurants at bars that I am a part owner of, hati daw muna kasi sa mga gastusin. Sabi ko, wag sya mamroblema kasi madami akong contingency plans. Mula Plan A hanggang Plan Z, at napaghandaan ko na naman ang lahat ng ito financially. Ang sabi nya, bakit ko kelangan paabutin sa Plan B, kung kaya naman nya mag-provide for our family? Sabi ko, gusto ko, bilang provider, hayaan nya lang ako kasi prepared naman ako for everything.”
“Yun…nagalit na sya.”
Ang ideya na ito ni Chito ay hindi daw nagustuhan ni Neri. Dahil ayon kay Neri sila ay mag-asawa at kailangan nagtutulungan sila sa lahat ng bagay.
“Sabi nya kasi, mag-asawa kami, at kelangan tulungan kami sa lahat ng bagay.”
“May point naman sya…ganun naman talaga dapat.”
Chito Miranda very proud sa misis niya
Hindi lang ito ang unang pagkakataon na ibinahagi ni Chito Miranda sa social media kung gaano siya ka-proud sa misis niyang si Neri. Nitong Mayo noong mahigpit na ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon ay na-realized umano ni Chito kung gaano nakakapagod ang trabaho ng mga misis. At super proud siya kay Neri na sa kabila ng mga bagay na pinagkakaabalahan ay nababalanse niya parin ang kaniyang oras. Nasisiguro parin nito na hindi napapabayaan ang kanilang pamilya at naalagaan parin silang dalawa ng anak niya.
View this post on Instagram
“One thing na na-realize ko during this lockdown is sobrang hirap pala talaga ng ginagawa ni Neri bilang stay home mom.”
“Neri makes it look so easy. Sa lagay na yan may work pa sya (sobrang dami nyang deadlines). Tapos may time pa sya mag-luto at mag-gardening.”
“Kaya ngayon, lahat ng pwede ko ibawi, ginagawa ko. Gusto ko makapag-nap sya tuwing may chance. Gusto ko nagkakaroon sya ng “me time” whenever possible. Pinagsisilbihan ko din sya hangga’t maaari.”
“Nagkaroon talaga ako ng better understanding at deeper appreciation sa lahat ng ginagawa nya.”
“Saludo sa lahat ng mga nanay, at sa tumatayong mga nanay sa mundo.❤”
Ito ang pahayag ni Chito sa kaniyang Instagram account.
Source:
The Philippine Star
Basahin:
LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!