TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Rey PJ Abellana sa paglilinaw sa comment sa issue nina Tom at Carla: "Wala pong natuloy na one night stand."

5 min read
Rey PJ Abellana sa paglilinaw sa comment sa issue nina Tom at Carla: "Wala pong natuloy na one night stand."

Nagbigay ng paglilinaw si Rey Pj Abellana patungkol sa issue ng anak na si Carla and Tom Rodriquez. Alamin dito.

Ama ni Carla Abellana na si Rey PJ Abellana, klinaro ang komento patungkol sa issue ng anak na si Carla Abellana and Tom Rodriguez. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Rey PJ Abella tungkol sa issue ng anak na si Carla Abellana and tom Rodriguez
  • Paglilinaw ni Rey PJ Abellana sa “one night stand” comment
  • 3 tips para sa isang healthy relationship 

Rey PJ Abella tungkol sa issue ng anak na si Carla Abellana and tom Rodriguez

Matatandaang itong mga nakaraang araw, nagbigay ng pahayag o komento patungkol sa nangyayari sa relasyon nina Tom at Carla sa isang interview ni Cristy Fermin. 

Ayon sa kaniya, “one night stand” umano ang dahilan ng gusot ng mag-asawa. Pero nilinaw naman niya na ang one night stand na ito ay naganap bago pa ikasal ang dalawa. 

Inamin umano ng son-in-law niya na si Tom Rodriguez na may one-night stand umanong isyu. Ipinaliwanag umano ni Tom ang nangyari. Pero sabi pa niya ay wala pa siyang naririnig na kwento mula sa kaniyang anak. 

carla abellana and tom rodriguez issue

Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana

Sinabi rin ni Tom kay Rey PJ Abellana na nais niyang maging maayos ulit ang pagsasama nila ng kaniyang asawa na si Carla.

Ang pahayag nito ni Rey PJ ang umano ng maraming komento mula sa mga netizen. Marami ang nagulat sa rebelasyong ito. Matatandaang nitong mga nakaraang buwan sumiklab ang isyu patungkol sa gusot sa pagsasama nina Carla at Tom nang i-unfollow ni Carla si Tom sa Instagram. 

Paglilinaw ni Rey PJ Abellana sa “one night stand” comment 

Subalit paglilinaw ni Rey sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 oras, may pagkakamali umano ito sa nasabi sa unang interview niya, patungkol sa one night stand.

Pahayag niya, 

“At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one night stand na involved si Tom. Si Tom naman was able to explain kay Carla na wala naman din pong katotohanan po ito at naiwasan naman din niya na mangyari ’yon. So wala pong natuloy na one night stand, according to Tom’s side.”

carla abellana and tom rodriguez issue

Larawan mula sa Instagram account ni Tom Rodriguez

Iyon umano ang scenario sa issue patungkol sa one night stand na sinasabi niya. Napa-shortcut lamang umano ang nasabi niya sa unang pahayag niya noon, ito umano ay napag-isipan ng masama ng marami. Kaya ngayon ay nilinaw niya ito. 

Pagbabahagi pa ni Rey, hindi pa niya naririnig ang side ng kaniyang anak na si Carla patungkol sa problema nilang mag-asawa. Pero nag-message umano ito sa kaniya matapos lumabas ang interview niya nitong nakaraan. 

Kwento niya, 

“She was mad, she was questioning me why I came up that way? Of course I explained it to her right away and after my explanation, explaining my side, hindi na naman din siya nag-message uli.”

carla abellana and tom rodriguez issue

Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana

Sinabi pa niya na binisita siya ng kaniyang son-in-law na si Tom Rodriguez upang humingi ng payo sa kaniya. Ibinahagi rin nito ang kaniyang side habang naiyak sa kaniyang kwento. Nais din umanong maayos ni Tom ang pagsasama nila ni Carla. 

“He keeps on saying he wants his wife back, he wants Carla back, because he loves Carla very much. That’s why they settled down.” saad pa niya. 

Panghuli nagbigay si Rey ng payo sa dalawa upang maayos ang kanilang relasyon. Sabi niya mahalaga umano ang komunikasyon sa mag-asawa. Dapat umano nilang i-workout ito para maging normal na ulit ang kanilang pagsasama. 

Sa ngayon, wala pang pahayag sina Tom at Carla patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. 

BASAHIN:

8 na sikreto para isang matagal at masayang pagsasama ng mag-asawa ayon sa eksperto

10 senyales na hindi healthy ang relationship niyong mag-asawa

7 rason kung bakit dapat bawasan ang pag-post tungkol sa inyong relasyong mag-asawa

3 tips para sa isang healthy relationship

1. Irespeto ang iyong asawa.

Kahit na mag-asawa na kayo at nakatira sa iisang bubong mahalaga pa rin ang pagbibigay ng respeto sa isa’t isa. Kahit sa simpleng gesture lamang. Halimbawa, ang pagsasabi kung saan ka pupunta, o kaya naman ang pagbibigay suporta at respeto sa mga desisyon ng iyong asawa kung nais niya na magtayo ng business. 

Partner Stories
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
The Brilliant Hour: How Just One Hour a Day Can Shape a Lifetime of Learning
The Brilliant Hour: How Just One Hour a Day Can Shape a Lifetime of Learning

2. Laging magbigay ng oras sa isa’t isa. 

Mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng oras sa isa’t isa lalo na kung mayroon na kayong mga anak. Hindi ibig sabihin na magkasama kayo sa bahay ay lagi na kayong may oras para isa’t isa. Maganda na magplano pa rin ng mga date nights niyong dalawa para mapanatili ang intimacy sa inyong pagsasama. 

3. Bigyan ng halaga ang communication

 
Napakahalaga ng communication sa mga pagsasama, lalo na sa mga mag-asawa kaya naman dapat open palagi kayo sa isa’t isa. Lalo na sa mga life decisions niyo para inyong pamilya. 

Hindi maiiwasan ang pag-aaway sa mga mag-asawa pero ang mahalaga matutong mag-compromise at pag-usapan ang problema para mabigyan ito ng solusyon. 

 

GMA

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Rey PJ Abellana sa paglilinaw sa comment sa issue nina Tom at Carla: "Wala pong natuloy na one night stand."
Share:
  • VIVAIA Opens at SM Mall of Asia: Eco-Friendly Shoes Moms Will Love

    VIVAIA Opens at SM Mall of Asia: Eco-Friendly Shoes Moms Will Love

  • Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
    Partner Stories

    Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • VIVAIA Opens at SM Mall of Asia: Eco-Friendly Shoes Moms Will Love

    VIVAIA Opens at SM Mall of Asia: Eco-Friendly Shoes Moms Will Love

  • Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
    Partner Stories

    Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko