Senyales ng magandang relasyon ng mag-asawa? Ito ang mga hindi ninyo dapat ginagawa sa inyong pagsasama.
Senyales ng magandang relasyon ng mag-asawa? Ito ang mga hindi ninyo dapat ginagawa!
Sino ba ang ayaw na magkaroon ng tahimik at masayang pagsasama? Lahat siguro tayo ay ito ang hinihiniling para sa ating pamilya. Pero paano ba ito makakamit, ayon sa mga marriage at relationship experts, ito ang mga hindi at dapat ninyong ginagawa.
1. Hindi kayo nag-uusap na mag-asawa ng face-to-face kahit at least 4 minutes a day.
Ayon sa isang survey, ang mga average couple ay nag-uusap ng 28 minutes a week na walang istorbo o dere-deretso. Ito ay katumbas ng 4 minutes a day na kung saan personal na nag-uusap ang mag-asawa.
At hindi sa pamamagitan lang ng text o phone call sa isa’t isa. Nagagawa ninyo ba itong mag-asawa? Kung hindi mabuting maglaan na ng oras mo at mag-spend ng quality time sa isa’t isa.
Food photo created by lookstudio – www.freepik.com
2. Nagtatanim ka ng sama ng loob o galit sa iyong asawa.
Normal sa buhay may asawa, ang hindi pagkakaintindihan. Pero ito ay dapat agad na napag-uusapan para anumang problema ay nasosolusyonan.
Sa oras na matapos ang problema ay dapat siguraduhing pareho na kayong nakapagpatawad o naka-moveon na sa inyong pagtatalo. Hindi dapat magtanim ng sama ng loob o galit sa isa’t isa na mas lalalim kung mapapabayaan at patatagalin pa.
3. Marami kang what if’s at mga wish na sana ay mayroon o tinataglay ng iyong asawa.
Malamang hindi lahat ng hinahanap mo sa isang ideal na asawa ay taglay ng iyong mister. Tulad mo ay hindi siya perpekto. May mga pagkakataon na makakagawa siya ng pagkakamali o mga bagay na hindi mo gusto.
Pero magkaganoon man hindi mo dapat hanapin sa iba ang mga katangiang wala sa kaniya. Dahil ito ay maaaring pagsimulan ng problema at isang palatandaan na hindi ka satisfied sa inyong pagsasama.
4. Pakiramdam mo ay walang nagagawang mabuti ang asawa mo sa iyo.
Napakahalaga ng appreciation sa isang pagsasama. Dahil ito ang simula ng satisfaction o contentment ninyo sa piling ng isa’t isa. Huwag bantayan ang mga mali sa ginagawa ng iyong asawa. Sa halip, matutong i-appreciate ang mga efforts niya na ginagawa para sayo at sa inyong pamilya.
5. Hindi ninyo sinusuportahan ang isa’t isa.
Ayon sa relationship therapist na si Jor-El Caraballo, ang isang malusog na relasyon ay binubuo ng dalawang taong sinusuportahan ang isa’t isa.
Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng mutual respect at desire ang magkapareho na maging successful at ma-achieve ang mga goals nila. Isa sa mga sikreto ng masayang pagsasama.
6. Nagseselos o naiinggit ka sa achievement ng asawa mo.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Tandaan bilang mag-asawa kayo ay magka-partner sa lahat ng oras. Magkasama sa pagharap ng problema at ganoon din dapat sa pag-abot ng tagumpay.
Laging iisipin na kung ano mang naabot ng iyong asawa ay accomplishment mo na rin. Ito ay hindi niya magagawa kung wala ang iyong pagtitiwala at suporta sa kaniya.
Kaya dapat matuwa sa mga achievements niya at i-push pa siya na pagbutihin at mag-improve pa sa kaniyang mga ginagawa.
7. Kino-kontrol mo ang aksyon o buhay ng iyong asawa.
Bilang asawa ay dapat may tiwala ka sa iyong partner sa lahat ng oras. Bagama’t dapat nasasabihan ka niya sa mga bagay na kaniyang ginagawa.
Hindi dapat maging simula ng inyong pag-aaway ang mga pagkakataon na nalimutan niyang mag-report say io kung nasaan siya o sinong kasama niya.
Hindi rin healthy kung ikaw ang magdedesisyon para sa asawa mo. Bigyan siya ng kalayaan at pagkatiwalaan siya at suportahan sa mga desisyon o mga nais niya.
Ang pagiging matapat ay napakahalaga sa isang relasyon. May mga oras na maaaring makalusot ang mga maliliit na pagsisinungaling.
Pero may mga pagkakataon rin na ang mga mga maliliit na pagsisinungaling na ito ay maaring maging malaking problema kung makakasanayan mong gawin.
Kaya naman hangga’t maaari ay dapat iwasan ang pagsisinungaling. Maging honest tungkol sa iyong mga nararamdaman at naiisip sa iyong partner. Dahil maging ano pa man ang nais mong sabihin, ang isang taong mahal ka ay kaya kang suportahan at intindihin.
9. Hindi mo pinapakinggan ang mga sinasabi o nararamdaman ng iyong asawa.
Family photo created by wayhomestudio – www.freepik.com
Ang isang malusog na relasyon ay binubuo ng dalawang tao na may mutual respect sa isa’t isa. Dapat ang magkapareho ay matutong magsalita at makinig.
Sa ganitong paraan ay maiintindihan nila ang isa’t isa. Bawat problema ay malulutas at ang pagsasama ay mas magiging matibay pa.
Mas nagiging maluwag ang pagsasama kung ang magkarelasyon ay may respeto sa isa’t isa. Kung may respeto sa isang relasyon, iniiwasan ng magkapareho na masaktan ang damdamin ng asawa nila.
Umiiwas silang makagawa ng anumang bagay na makakasira ng kanilang tiwala. Ganoon din ang pagsasabi ng mga salita na alam nilang magpapabigat ng kanilang pakiramdam.
Sa ganitong paraan, mas yumayabong ang pagmamahal ng magkapareho sa isa’t-isa. Mas nagiging malusog at masaya ang kanilang pagsasama.
11. Hindi mo binibigyang halaga ang komento ng iyong asawa
Mas magiging maayos ang inyong pagsasama kung binibigyang espasyo mo ang mga opinyon ng iyong asawa. Lalo na sa usapin ng kaniyang career o mga plano sa buhay.
Sa ganitong paraan kasi naipapakita mo na may halaga ang mga sinasabi niya at mahalaga rin siya para sa ‘yo. Isa rin itong pagpapakita ng suporta mo sa iyong asawa.
12. Kapag hindi ka tumutupad sa inyong pinag-usapan
Bilang mag-asawa o mag-partner mahalaga rin na tupurin ang mga promises niyo sa isa’t isa. Halimbawa na lamang kapag sinabi mong mayroon kayong date night ay tuparin ito. Isa itong paraan nang pagpapakita na pinagsisikapan mo ang pagsasama niyong dalawa.
Masakit din kapag ilang beses ka nang nangako sa iyong asawa subalit paulit-ulit mo itong hindi tinutupad. Mahalaga na tuparin ang mga pangako sa isa’t isa, maliit man ito o malaking bagay.
13. Hindi pinapansin ang needs ng iyong asawa
Bawat tayo ay may needs, ganun din ang mga mag-asawa. Mahalaga na ma-meet ang needs ng iyong partner. Halimbawa na lang ang simpleng pagyakap o paghalik sa kaniya. Madalas kasi kapag matagal nang mag-asawa ay hindi na ito kadalasang ginagawa.
Ang mga small gestures na ito ang mahalaga para sa pagpapatibay ng isang relasyon. Huwag kalimutang ipakita ang pagmamahal sa iyong asawa kahit sa maliliit na bagay.
14. Kapag pinipigilan mo siya sa kaniyang mga gustong gawin o kaniyang mga hobby
Ang pagpigil mo sa kaniyang mga hobbies ay isang toxic trait, na maaaring makasira sa inyong mag-asawa. Tandaang kahit na mag-asawa kayo ay magkaibang tao pa rin kayo na may magkaibang hilig o hobby.
Halimbawa na lamang kapag pinipigilan mo ang iyong asawa na maglaro ng basketball o kaya naman online games. Hangga’t hindi naman ito nakakaapekto sa inyong pagsasama ay hindi naman ito masama. Hayaan ang iyong asawa na magkaroon din ng kaniyang “me time”.
15. Natatakot kang mag-open up patungkol sa mga problema
Isa sa mga senyales ng hindi magandang relasyon ng mag-asawa ay kung natatakot kang mag-open patungkol sa mga problema niyo. Dahil baka magsimula ito ng matinding away at tensyon sa inyong dalawa.
Tandaang mahalaga ang komunikasyon sa isang pagsasama, at bilang mag-asawa dapat walang tensyon kung pag-uusapan ninyo ang inyong mga problema. Mahalaga na ma-address ang mga problema para makahanap kayo ng mga solusyon.
Hindi ibig sabihin na nararansan niyo ang mga signs na ito ay wala nang pag-asa ang inyong relasyon. Tandaang walang nareresolba kung hindi kayo nag-uusap ng maayos. Kaya nman dapat maging open kayo sa isa’t isa.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!