X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mga senyales para malaman kung walang respeto ang asawa mo sa’yo

5 min read
Mga senyales para malaman kung walang respeto ang asawa mo sa’yo

Siguraduhing pangmatagalan kayong mag-asawa—basahin ang sumusunod na listahan para malaman kung walang respeto ang asawa mo sa’yo! | Photo: Shutterstock

Pangarap ng lahat na magkaroon ng masaya at pangmatagalang relasyon. Hindi milagro ang pagkakaroon nito, ngunit hindi rin maikakaila na bukod sa pagmamahalan, may iba pang paraan para maging happily married nang matagal ang mag-asawa. Kailangan ding magkaroon ng matinding respeto sa isa’t- isa. Paano nga ba malalaman kung walang respeto ang asawa mo sa ‘yo? Ano ang mga dapat mong tutukan?

Senyales na hindi kana mahal ng asawa mo

Magkakaiba ang bawat relasyon, at mayroong kaniya-kaniyang mga kahulugan ang respeto sa bawat mag-asawa. Alamin ang ilan sa mga karaniwang senyales na walang respeto ang asawa mo sa’yo.

1. Pagbibingi-bingihan

Nagpapanggap ka lang bang nakikinig sa asawa mo tuwing nagku-kuwento siya sa nangyari sa araw niya? Busy ka ba sa telepono kapag may gusto siyang pag-usapan sa hapunan? Para mo na ring sinasabing may mga mas importante kang dapat gawin kaysa pakinggan siya.

Ang pag-respeto sa isang tao ay nangangahulugang paglalaan ng atensyon at oras para maramdaman niyang espesyal siya sa’yo.

walang-respeto-ang-asawa

Senyales na hindi kana mahal ng asawa mo | Image from Unsplash

2. Pagsisinungaling

Maliit man o malaki, white lies man o hindi, walang naidudulot na mabuti ang kasinungalingan. Malinaw na senyales ito na walang respeto ang asawa sa kanyang partner. Ang dahilan? Ang marriage ay dapat ituring na pagsasamahan ng dalawang matalik na magkaibigan. Ano ba ang ginagawa ng best friends? Alam nila ang lahat tungkol sa isa’t isa!

Mas lumalakas ang respeto kung malakas din ang tiwala at katapatan ng mag-asawa. Ang iyong asawa ang pinaka-importanteng tao sa buhay mo, kaya karapat-dapat siyang irespeto.

3. Pagsasawalang-bahala

Agaran man o pangmatagalan, sinasama mo ba ang iyong asawa sa mga plano mo? Aba, siyempre. Magkatuwang kayo habang-buhay, kaya una siya dapat sa iyong mga priyoridad. Siya ang magbibigay sa’yo ng pinakamatinding suporta—mahalaga lang na isali siya sa lahat ng mga pangarap na gusto mong matupad.

Ituring siyang ka-team!

4. Panlalamig

Isa sa mga senyales na walang respeto ang asawa mo sa’yo ay kapag patuloy ang panlalamig nito sa’yo.

Walang nabibigay na solusyon ang silent treatment. Senyales na walang respeto ang asawa mo kung wala siyang pakialam sa sasabihin mo. Ang pag-uusap nang maayos ay susi sa maayos na relasyon.

5. Pang-iinsulto

Ang pagkuha ng atensyon sa negatibong paraan ay malinaw na senyales na walang respeto ang asawa mo sa’yo. Kung may respeto siya sa relasyon, pinararamdam ng isang tao sa kaniyang asawa na mahalaga siya sa kaniya.

Numero-uno dapat ang iyong partner bago ang sino man.

Kaya siguraduhing malinis ang iyong social media at hindi puno ng mga kaduda-dudang kakilala at usapan.

6. Sadyang pananakit ng damdamin

Ang iyong asawa ang best friend at partner mo habang-buhay. Kung talagang may malasakit ka sa kanya, bakit mo sasadyaing saktan siya? Kailangang lagi kayong nagsusuportahan, kaya parating alagaan ang damdamin ng taong pinakamahalaga sa buhay mo.

walang-respeto-ang-asawa

Senyales na hindi kana mahal ng asawa mo | Image from Unsplash

7. Hindi pagsama sa lakad ng pamilya

Sumasama ba siya sa’yo sa mga family gathering? Sinasamahan mo ba siya ‘pag kailangan niyang bisitahin ang nanay niya sa ospital? Ang marriage ay pagsasama ng dalawang tao—kasama na rin ang kaniya-kaniyang mga pamilya. ‘Wag hayaang maging walang respeto ang asawa mo sa’yo.

Kailangan mong pakitaan ng kabaitan at bigyan ng sapat na atensyon ang mga kapamilya at kaibigan ng iyong asawa. Respetuhin mo sila at ituring na mahalaga sila sa’yo.

8. Masakit na pananalita

Sa isang relasyon, isang malaking “no” ang mga negatibo at nakakaasar na komento sa iyong asawa. Parating pahalagahan ang kanyang mga nagawa, maliit man o malaki.

Imbes na siraan, palakasin mo ang loob niya. Magtulungan kayo—kung maganda ang tingin mo sa sarili mo, ganoon din siya sa sarili niya.

Maging numero-unong fan ng iyong asawa!

9. Pagiging makasarili

Ang marriage ay teamwork at hindi nagagawa nang solo. Walang respeto ang asawa mo kung sa tingin mo ay mas mahalaga ang mga pangangailangan mo kumpara sa kanya. Unahin sila bago ang iyong sarili.

Priyoridad niyo dapat ang isa’t isa. Ipakita mong importante siya sa buhay mo—pihadong gagawin din niya ‘yan sa’yo.

Partner Stories
Tang Coco Plus Buko Pandan Shakes Up the Beverage Mart 
Tang Coco Plus Buko Pandan Shakes Up the Beverage Mart 
The heart-warming story behind Moira’s first-ever Christmas song
The heart-warming story behind Moira’s first-ever Christmas song
Swak sa Budget, Swak for Kids! Try these affordable and nutritious recipes
Swak sa Budget, Swak for Kids! Try these affordable and nutritious recipes
Lazada's 11.11 sale 2019 shopping guide
Lazada's 11.11 sale 2019 shopping guide

Nararapat tayong lahat na magkaroon ng happily ever after kaya mabuting tandaan ang mga nasabing red flags. Kung hahayaan mong ang isang taong dapat mong maging best friend, support system, at partner habang-buhay na itrato ka nang kulang sa respetong gusto mo, darating ang panahong magigising ka at baka huli na ang lahat.

Respetuhin ang isa’t isa kahit sa maliliit na paraan para sa marriage na masaya at pangmatagalan!

walang-respeto-ang-asawa

Senyales na hindi kana mahal ng asawa mo | Image from Dreamstime

10. Pisikal na pananakit

Walang respeto ang asawa mo sa’yo kung ikaw ay nasampal, nasipa o nabugbog. Kahit na sabihin ito ay unang beses pa lamang, ito ay hindi sapat na basehan. Kung ikaw ay nasaktan sa unang pagkakataon, maaari pa itong masundan ng masundan at mas lalong lumala pa ang pananakit.

 

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

 

BASAHIN: SSS Death Benefits: Paano makukuha ito ng mga naulila?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Criselle Nunag

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Mga senyales para malaman kung walang respeto ang asawa mo sa’yo
Share:
  • 6 parenting mistakes kung bakit lumalaking walang respeto ang isang bata

    6 parenting mistakes kung bakit lumalaking walang respeto ang isang bata

  • 6 parenting mistakes kaya lumalaking walang respeto ang bata

    6 parenting mistakes kaya lumalaking walang respeto ang bata

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 6 parenting mistakes kung bakit lumalaking walang respeto ang isang bata

    6 parenting mistakes kung bakit lumalaking walang respeto ang isang bata

  • 6 parenting mistakes kaya lumalaking walang respeto ang bata

    6 parenting mistakes kaya lumalaking walang respeto ang bata

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.