TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

8 na sikreto para isang matagal at masayang pagsasama ng mag-asawa ayon sa eksperto

5 min read
8 na sikreto para isang matagal at masayang pagsasama ng mag-asawa ayon sa eksperto

Tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa ayon sa isang eksperto. Alamin ang mga ito sa artikulong ito.

Ang pag- aasawa ay isa sa mga malaking hakbang sa ating buhay. Kaya naman gusto ng mga nais mag-asawa na maisip kung anu-ano dapat gawin upang maging masaya at mapapatagal ang pagsasama. 

Maituturing na “new beginning of a family” at isang “life-long commitment” ng dalawang tao na nagmamahalan ang pagsasama habambuhay. 

Katotohanan ang sabihing, ang pag-aasawa ay hindi laging masaya ang alaala, madalas ay mayroon ding hindi pagkakaintindihan ang mag-asawa na.

Normal naman ang pagtatalo sa pakikipagrelasyon. Ingat lamang dahil ang mga pagtatalong ito ay maaaring humantong sa hiwalayan. 

Mauuwi sa “maturity” ang pagsasama ng dalawang magkarelasyon. Ibig sabihin hindi na lamang pisikal na katangian ang ikokonsidera, kundi maging emosyunal at mental na mga factors.

Ika nga,

“It takes two to tango,”

tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa

8 tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa. | Larawan mula sa Pexels ni Craig Adderley

Nangangahulugan lamang ito na para maging matagumpay ang pagsasama ay kailangan ng kooperasyon ng dalawa.

Ito ang ilan sa mga tips mula kay Niro Feliciano, isang anxiety specialist at cognitive psychotherapist para sa magandang pagsasama ng mag-asawa.

Talaan ng Nilalaman

  • 5 tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa
  • 3 na dapat iwasan upang mapatagal ang pagsasama

5 tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa

1. Maglaan ng oras sa isa’t isa

Para magkaroon ng matinding relasyon kinakailangan ninyong mag-asawa. Sa ganitong paraan ay maaari kayong umunlad at magkaroon ng matibay na koneksyon.

Maaari kayong kumain sa labas, subukan ang “movie dates,” o kaya ay gumawa ng “hobbies.” Ang mga hobbies na tulad ng hiking, painting, o baking ay ilan sa maaaring pasuking libangan.

3. Mag-ingat sa pagsasalita lalo na sa inyong away

“Words are the most powerful thing in the universe.”

Makapangyarihan ang salita. Madalas mas nag-iiwan pa ito ng bakas kumpara sa pisikal na pananakit. Sa usapin ng mag-asawa kinakailangang magkaroon ng dobleng pag-iingat sa mga binibitawang salita. Mas malalim kasi ang level ng intimacy niyo sa isa’t isa.

Nagkakaroon ng mga panahon na nakapagsasabi tayo ng mga salita na hindi naman talaga natin gustong sabihin. Mainam na kung nakararamdam ng matinding emosyon o damdamin ay magpalamig muna.

3. Dapat marunong kayong mag-negotiate sa mga conflicts niyo

 Ang pag-aayos ng problema ay isa ring magandang tulong upang maging matatag ang inyong pagsasama dahil sa pag-uunawa inyo sa isa’t isa. Sa inyong pag-aaway, isipin na hindi ikaw ang laging tama. 

Hindi tayo perpekto kaya hanggat maari magpakumbaba at tanggapin ang iyong pagkakamali.

tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa

Larawan mula sa Pexels ni Jeremy Wong

BASAHIN:

Magkano ang dapat gastusin para sa regalo sa asawa? Ito ang sabi ng experts

Paano disiplanahin ang ‘pasaway’ at sensitibo na bata na ayaw talagang makinig?

Hindi naa-appreciate ng asawa? 6 senyales na hindi balanse ang effort sa relasyon

4. Respetuhin ang isa’t isa 

Kung hindi maiiwasan ang pag-aaway, dapat nating tandaan ang respeto sa isa’t isa.   

Ang kawalan ng respeto sa relasyon ay kadalasang nauuwi sa pagkasira nito. Ang pagkakaroon naman nito ay kadalasang nauuwi sa mas matibay pa ng relasyon.

5. Matutong makinig

Ito ay isa sa mga main tips para sa isang “healthy marriage.”

Ibukas sa partner kung ano ang iyong mga nararamdaman. Kung oras na niya upang magsalita ay matutong makinig. Ang hindi pakikinig sa isa’t isa ay isa sa mga bagay na dapat iwasan sa pagsasama dahil ito ay nakakasira ng relasyon, maaari kayong magkaroon ng misunderstanding dahil dito.

3 na dapat iwasan upang mapatagal ang pagsasama

tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa

Larawan mula sa Shutterstock

  • Iwasan ang pagtatago ng sikreto sa inyong asawa

Isa pa ay ang pagtatago o secrecy ng mga mahahalaga at maliliit na bagay sa iyong partner na nakakasira ng tiwala at nakakasakit ng damdamin ng inyong asawa na maaaring makapag-ugnay ng away o hinanakit.   

  • Matutong tumanggap ng pagbabago

“Change is the only constant in life.”

Hindi masama ang magbago, kailangan ‘yan upang magkaroon ng growth. Dapat mong bigyan ng chance upang mabago ang hindi magandang habit mo. Ang mga habit na tulad ng  palaging late, gross personal hygiene at iba pa ay ilan sa common na kailangang baguhin.

Mahalagang magbago para sa ikauunlad ng sarili, ng partner at maging ng relasyon. Maganda na laging kayong sabay na nag-eexplore nag iyong asawa.

  • Iwasan ang hindi pagtulog ng magkasama

Isa rin sa mga importante parte ng relasyon ay ang pagkakaroon ng oras ng pagyakap sa isa’t isa at pagtulog ng magkasama.

Ayon sa mga eksperto, ang pagtulog nang magkasama ay nakakabawas ng tiyansang magkaroon ng nightmares. Maaari itong makatulong upang magkaroon ng kalmado at payapang pagtulog. Ito rin ay nagbibigay ng “stronger bond” dahil nakapagbibigay kayo ng comfort sa isa’t isa.

Maaari ka ring kumuha ng advice sa mga libro, marital education workshops o mga articles na katulad nito.  Itong mga option na ito ay magandang tips upang ang inyong pagsasama ay maging healthy at magkaroon ng maayos na komunikasyon.

Lahat ng nakikitang mong matibay na relasyon ngayon ay dumaan din sa libong pagtatalo. Kung mga pagtatalong ito ay nakikitang mong maaari pang ayusin, magandang ayusin niyo itong dalawa.

Kung ang tansya mo naman ay hindi na maganda para sa inyong dalawa ay mahalagang pag-usapan na kung ano dapat ang patutunguhan ng inyong relasyon.

 

Psychology Today

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • General-fil
  • /
  • 8 na sikreto para isang matagal at masayang pagsasama ng mag-asawa ayon sa eksperto
Share:
  • This Pinay Pediatrician’s Baby Safety Tips are Genius—And Surprisingly Simple!

    This Pinay Pediatrician’s Baby Safety Tips are Genius—And Surprisingly Simple!

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • This Pinay Pediatrician’s Baby Safety Tips are Genius—And Surprisingly Simple!

    This Pinay Pediatrician’s Baby Safety Tips are Genius—And Surprisingly Simple!

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko