Nag-iisip ng regalo para sa asawa o kung bibigyan ba siya ng regalo o hindi na? Ito ang sagot ng mga eksperto na dapat mong i-konsidera.
Mababasa sa artikulong ito:
- Magkano ang dapat gastusin na regalo para sa asawa.
- Ang pinaka-magandang regalo para sa iyong asawa.
Magkano ang dapat gastusin na regalo para sa asawa?
Food photo created by DCStudio – www.freepik.com
Nag-iisip ka pa rin ba ng regalo para sa asawa mo ngayong Pasko? O iniisip mo bang hindi nalang siya regaluhan dahil gastos lang ito? Sabi ng mga eksperto, bagama’t madalas ay materyal na bagay ang ating nireregalo, may magandang epekto ito sa isang relasyon.
Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Asuka Komiya at iba pang mga researchers noong 2019, ang isa sa mga purpose ng gift-giving sa isang relasyon ay para ma-maintain at ma-solidify ito. Ito umano ay nagpapahiwatig o palatandaan din ng commitment ng magkarelasyon sa kanilang pagsasama.
Para naman sa relationship at sex coach na si Michele Lisenbury Christensen, minsan ay nakaka-frustrate at maaaring magdulot ng anxiety ang gift-giving sa isang tao.
Sapagkat sa pag-iisip na kung ano ba ang ireregalo mo o kung ma-appreciate ba ito ng taong pagbibigyan mo. Pero kung solid daw ang isang relasyon, ang pagbibigay ng regalo ay hindi mag-make or break ng isang pagsasama. Bagama’t ito’y nakakatulong para mas maiparamdam ng mag-asawa sa isa’t-isa ang appreciation nila.
Ang malaking tanong ano o magkano ba dapat ang gagastusin sa regalo na ibibigay sa asawa mo?
BASAHIN:
Masama bang bigyan ng gadget ang bata bilang regale? Ito ang sabi ng experts
STUDY: Mas masaya ang mga bata sa materyal na regalo kaysa karanasan
Mom confession: “Imbis na regalo, ito talaga ang gusto naming mga nanay na matanggap”
Ano ang pinakamagandang i-regalo sa iyong asawa?
Birthday photo created by yanalya – www.freepik.com
Ayon pa rin sa pag-aaral na ginawa nila Komiya at kaniyang mga kasama, pagdating sa pagreregalo ang mga lalaki ay mas naipapakita ang kanilang commitment sa pagsasama sa pamamagitan ng pagbibigay ng materyal na regalo.
Mas mahal nga umano kahit useless ay madalas na nagre-represent umano ng commitment nila sa relasyon. Pero ito naman umano ay hindi applicable sa lahat.
Lalo na sa mga babae na madalas ay nag-e-effort din sa pagbibigay ng regalo. Partikular na sa mga nagre-represent o sumisimbolo ng pagmamahal nila sa kanilang asawa.
Para naman kay Christensen, hindi mahalaga ang halaga ng regalong ibinibigay mo sa iyong asawa. Mas mahalaga ang pagplaplano o ang dedikasyong inilalaan mo para maiparamdam sa tulong ng regalong ito ang pagmamahal mo. Siyempre, para mas patibayin pa ang koneksyon ninyo sa isa’t-isa.
“Gift-giving is not super high-stakes, but it is an opportunity to show you care and deepen your connection.”
Ito ang sabi ni Christensen.
Paano mo ito gagawin? Narito ang ilang tips mula parin kay Christensen.
Tips sa pag-iisip ng regalo para sa iyong asawa
- I-consider ang mga bagay na paborito o kinahihiligan niya.
- Maaari ring i-consider ang mga paborito niyang parte ng araw o activity na ginagawa. Saka mag-isip ng isang bagay o paraan para mas ma-improve o ma-enjoy pa ang paggawa niya sa mga ito. Halimbawa, maaaring makatulong ang Bluetooth speakers kung hilig niyang makinig ng music habang nagtratrabaho. O kaya naman bike na makakatulong para maging healthy at fit siya.
Paalala pa ni Christensen, pagdating sa pagbibigay ng regalo lalo sa isang espesyal na tao tulad ng iyong asawa ay mas mahalaga ang prosesong pinagdaanan mo sa pagbibigay sa kaniya nito. At hindi ang halaga o uri ng regalo na ibibigay mo sa kaniya.
Gift of time ang the best na regalo para sa iyong asawa
Food photo created by master1305 – www.freepik.com
Para naman sa author at trial attorney na si Wendy L. Patrick, wala ng mas hihigit pa sa gift of time na maibibigay mo sa iyong asawa.
Mas ma-aappreciate pa nga raw niya ito kung bago o nagsisimula palang ang inyong relasyon. Pero sa pagbibigay ng oras sa kaniya ay dapat siguraduhin mong maipaparamdam mo sa kaniya na espesyal siya.
Maaaring sa pamamagitan ng isang intimate dinner sa paborito niyang restaurant. O kaya naman ay isang get-away o bakasyon kung saan makaka-relax siya o saglit na makakalimot sa kaniyang problema.
Puwede rin namang alayan siya ng sexy time na kung saan maipaparamdam ninyo ang init ng pagmamahal ninyo sa isa’t isa.
May naiisip ka na bang paraan kung paano masusulit at gagawing espesyal ang regalong ibibigay sa iyong asawa? Basta’t tandaan, kung ito ay mula sa iyong puso, ito ang pinaka-the best na regalong matatanggap niya.
Source:
Psychology Today, Bustle
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!