Nalalapit na naman ang panahon ng pagbibigayan ng regalo lalo na sa mga bata. Ngunit matalinong desisyon kaya ang regaluhan sila ng gadgets? Ano ba ang epekto ng gadgets sa bata? Alamin ang sinasabi ng mga eksperto tungkol dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang paggamit ng gadgets bilang new normal
- Dapat bang bigyan ng gadgets ang iyong anak?
- Screen time tips para sa mga bata
Ang paggamit ng gadgets bilang new normal
Ang teknolohiya ay totoong nakakatulong at may malaking parte para gumaan ang ating buhay. Nariyan ang mga makina, sasakyan, at mga computer na nagpabago sa paraan ng ating pamumuhay simula noon hanggang ngayon.
Hindi rin lingid sa ating kaalaman kung paano lumago ang teknolohiya partikular ang mga gadgets na ating hinahawakan sa araw-araw.
Dalawang taon simula nang magkaroon ng Covid-19 virus at nagkaroon tayo ng tinatawag na new normal. Ito ay kung saan ang manatili sa bahay dahil sa banta ng sakit. Sanhi ito nang malaking pagtaas ng bilang ng mobile users.
Sa huling tala ng International Data Corporation’s Quarterly Mobile Phone Tracker. Tumaas ng 22.6% ang gumagamit ng smartphone sa Pilipinas ngayong 2021.
Kung ikaw ay may anak na lumaki sa digital age kung saan ang smartphone ay isang pangangailangan. Maaaring maging pagsubok ang pagdidisiplina sa kanila sa paggamit nito. Lalo na maaaring magkaroon ng masamang epekto ang mga bata sa gadgets.
Ito ang kinagisnang pamamaraan ng paglilibang lalo na ngayong pandemya. Kaya’t huwag mabigla kung kahit na napakabata pa ay humingi ng gadget ang iyong anak ngayong holiday season.
Dapat bang bigyan ng gadget ang iyong anak? Ano epekto ang gadgets sa bata?
Ayon sa World Health Organization (WHO), para lumaking malusog ang isang bata, dapat ito ay naglalaan ng kaunting oras sa pag-upo at pagbababad sa cellphone. Ito ay makakatulong upang ma-boost ang kanilang immune system at mapanatili ang sleeping behavior.
Kaya inirerekomenda ng mga eksperto na limitahan ang dami ng oras na ginugugol ng mga sanggol at bata sa harap ng screen. Maaaring maging mahirap na ilayo ang mga sanggol at bata sa mga gadgets o technology katulad ng TV, tablet, computer, smartphone, at gaming system na makikita nila.
Samantala, ayon sa pananaliksik ni Pamela Rutledge, isang director sa Media Psychology Research Center, may magandang epekto ang paggamit ng gadgets sa bata. Kung ito’y gagamitin sa matalinong paraan at patnubay ng mga magulang. Maaaring ma-achieve ng bata ang digital skills at STEM skills.
BASAHIN:
STUDY: Mga batang mahilig sa gadgets, maaaring magkaroon ng eating disorder
8 signs na addicted na ang anak mo sa gadgets
How to ‘unplug’ your kids from their gadgets
Digital skills
Ayon sa pananaliksik noong 2017 na pinondohan ng Capital One, 82 porsiyento ng mga middle-level na trabaho ay nangangailangan ng mga digital na kasanayan, at ang mga trabahong nangangailangan ng mga advanced digital skills ay nagbabayad ng dalawang beses nang mas malaki.
Ibig sabihin, ang paggamit ng gadgets ay maaaring makatulong upang maturuan ang bata ng kasanayan na may kinalaman sa digital o teknolohiya. Maaari niya itong magamit sa paglaki at paghubog ng kasanayan na may kinalaman ay kaniyang pipiliing career sa buhay.
Isa na ring pamantayan ang pagkakaroon ng digital skills kung ikaw ay maga-apply para sa isang trabaho. Kaya’t samantalahin ang paggamit ng iyong anak ng gadget para maturuan sila ng mga bagay na mas makakatulong sa kanilang pag-unlad.
STEM Skills
Larawan mula sa iStock
Ipinapakita rin ng pananaliksik na kailangan ng mga mag-aaral ng pundasyon sa mga digital na kasanayan upang magtagumpay sa mga asignaturang STEM (science, technology, engineering, at math).
Nakakatulong ang kaalaman sa STEM sa lahat ng estudyante, hindi lang sa mga inhinyero sa hinaharap kundi binibigyang diin din nito na ang STEM skills ay may kinalaman sa media and digital literacy at critical thinking.
Ang critical thinking ay nagpapahusay sa paglutas ng problema, pagkamalikhain, ang kakayahang magtanong, maghanap at magsuri ng impormasyon,at pakikipagtulungan ng isang bata.
Ang paggamit ng teknolohiya para sa pagpapaunlad ng mga kasanayan ay maaaring mag-ambag sa mga tagumpay at kakayahan. Dahil rito, tumataas ang self-confidence at competency at self-evaluation.
Screen time tips para sa mga bata
Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) na ang mga sanggol na mas bata sa 18 buwan ay dapat iiwas sa screen time.
Ang mga bata namang 18 buwan hanggang 24 na buwang gulang ay maaaring magsimulang mag-enjoy ng ilang oras sa screen kasama ang isang magulang o tagapag-alaga.
Maaaring matuto ang mga batang nasa edad na ito kapag kasama ang adult. Sapagkat maaaring magdagdag ito ng kaalaman sa bata at magabayan ito.
Sa edad na 2 at 3, okay lang para sa mga bata na manood ng hanggang 1 oras sa isang araw ng programang may educational value.
Para naman sa toddler, narito ang mga dapat tandaan:
-
Samahan ang bata sa panonood.
Iyon ay maaaring mangahulugan ng paglalaro ng isang pang-edukasyon na laro o pakikipag-usap tungkol sa isang bagay na makikita sa TV o smartphone na naaangkop sa kaniyang edad.
-
Magsaliksik ng mga laro at app bago bilhin o i-download ang mga ito para sa iyong anak.
Libu-libong mga app at laro ang nagsasabing nakapagtuturo, ngunit hindi lahat ng mga ito. Maghanap online upang makita kung alin ang itinuturing ng mga tagapagturo at doktor na pinakamahusay. Kung maaari, i-preview bago ibahagi sa iyong anak.
-
Mag-iskedyul ng maraming oras na walang screen time.
Ang oras ng paglalaro ay mahalaga para sa pag-aaral at pagkamalikhain. Mag-iskedyul ng maraming oras para sa hands-on na pag-aaral at pakikipag-ugnayan sa mga tagapag-alaga at kaibigan. Gayundin, hikayatin ang iyong anak na maging pisikal na aktibo araw-araw.
Larawan mula sa iStock
-
I-off ang mga screen habang kumakain at hindi bababa sa 1 oras bago matulog.
Turuan ang anak na kapag kakain ay i-off ang screen para sa mas mapaigting ang pakikipag-komunikasyon sa kanila. Mas maigi ring patayin ang TV o anumang device isang oras bago matulog.
-
Maging mabuting halimbawa.
I-off ang mga TV at iba pang mga screen kapag hindi ginagamit. I-off ang iyong telepono kapag kasama mo ang iyong anak. Maaari itong makaabala sa pakikipag-ugnayan at paglalaro ng iyong anak.
Lahat ng sobra ay masama. Gadgets man ‘yan o kung ano man, kung ating pababayaan ang ating mga anak ay maaari itong makapinsala hindi lang sa kanilang kalusugan kundi sa kanilang pag-unlad bilang tao sa kabuuan.
Ang digital at STEM skills ay mahalaga ngunit tandaan na ang brain development ng bata ay nangyayari sa unang 2 taon ng kaniyang buhay.
Kaya naman napakahalaga para sa mga sanggol at maliliit na bata na tuklasin ang kanilang kapaligiran at maranasan ang makakita ng pisikal na tanawin, tunog, panlasa, at texture.
Ang pakikipag-ugnayan at pakikipaglaro sa iba ay nakakatulong din sa mga bata na malaman ang tungkol sa ikot ng mundo at kanilang paligid.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!