Pagkaadik sa cellphone, ito ang madalas na kinahuhumalingan ng maraming bata sa ngayon. Maliban sa entertainment na ibinibigay nito sa kanila, ang paggamit ng cellphone o gadgets ay nagiging daan din upang makakonekta sila sa kanilang kaibigan at madagdagan ang kanilang kaalaman. Ngunit kailan nga ba nagiging masama ang pagiging adik sa cellphones at gadgets ng iyong anak? Ano ang mga paraan na maaaring gawin upang maibsan ang pagkaadik niyang ito? Narito ang ilan sa mga hakbang na maaari mong gawin.
Background photo created by jcomp – www.freepik.com
Pagkaadik sa cellphone ng mga bata
Ayon sa psychologist na si Eileen Kennedy-Moore, hindi tulad ng alcohol at paggamit ng illegal na droga, ang adiksyon sa paggamit ng gadgets ay mahirap tukuyin sa mga bata. Bagama’t maraming magulang ang nagsasabing nagpapakita ng behavior na ito ang kanilang anak. Dahil sa una, kung minsan ay mas gusto ng mga ito na gumamit ng cellphone o gadget kaysa gawin ang iba nating pinapagawa sa kanila. O kaya naman ay naiinis o naiirita sila kapag pinapatigil sila sa kanilang ginagawa.
Pero ayon kay Moore, ang mga nabanggit ay hindi masasabing batayan para sabihing nagpapakita ng pagkaadik sa cellphone ang isang bata. Sa halip, sa tulong ng isang scale na tampok sa isang pag-aaral ay ibinahagi ni Moore ang mga palatandaan na nagpapakita nang pagkaadik sa cellphone ang iyong anak. Ang adiksyon na ito ay maaaring makasama na sa kaniya. Ang scale na ito ay tinawag na Problematic Media Use Measure na sinasabing ang mga sumusunod na palatandaan ang nagsasabing adik na sa paggamit ng cellphone o gadget ang iyong anak.
Mga palatandaan ng pagkaadik sa cellphone o gadget ng isang bata
- Mahirap patigilin ang iyong anak sa paggamit ng cellphone o gadgets.
- Ang paggamit ng gadgets, cellphone o screen time ay nakakapag-motivate sa kaniya.
- Napu-frustrate ang iyong anak kapag hindi nakakagamit ng cellphone o gadgets.
- Mas nadadagdagan sa pagdaan ng panahon ang oras na inilalaan niya sa paggamit ng cellphone o gadgets.
- Ang paggamit ng gadgets o cellphone ang nagpapaganda ng mood niya.
Ayon pa rin sa pag-aaral, masasabing masama na ang epekto nang pagkaadik sa cellphone ng iyong anak, kung siya’y nagpapakita na ng sumusunod na palatandaan:
- Ang paggamit ng gadgets o cellphone ng iyong anak ay nagiging hadlang na sa pagsasagawa ng mga aktibidad kasama kayong pamilya.
- Nagdudulot na ng problema sa inyong pamilya ang paggamit niya ng gadgets at cellphone.
- Tumatakas o gumagawa ng palihim na paraan ang iyong anak para makagamit ng gadgets o cellphone.
Para maibsan ang adiksyon na ito ang payo ni si Moore na dapat gawin ng mga magulang. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Ang maaari mong gawin upang maibsan ang pagkakadik sa cellphone ng iyong anak.
1. Subukang intindihin kung bakit nahuhumaling o naaadik sa paggamit ng cellphone ang iyong anak.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagsubok sa kaniyang ginagawa. Magpaturo sa iyong anak at samahan niya sa paggawa ng paborito niyang online activity. Upang maintindihan mo kung ano ang dahilan ng pagkahilig niya rito. Ano ang iyong maaring gawin upang unti-unting mabago ang gawi niyang ito.
Ang paraan na ito ay maaari ring makatulong upang magkaroon kayo ng quality time sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na nai-enjoy niya.
2. Sa paglalagay ng mga limitasyon sa paggamit ng gadget o cellphone ng iyong anak ay hingin ang suggestion niya.
Iparamdam sa iyong anak na siya ay may kontrol sa kaniyang behavior at ang iyong ginagawa sa kaniya ay ‘di isang pagbabawal. Sa paglalagay ng limitasyon sa paggamit niya ng gadget ay hingin ang kaniyang opinion o suggestion. Saka kayo magkasundo kung paano ito gagawin. Kung sakali naman sa tingin mo ay hindi patas o workable ang suggestion ng iyong anak ay mag-give way pa rin at hayaan ito. Sabihin sa kaniya na subukan ninyong gawin ang kaniyang suggestion sa loob ng isang linggo at tingnan ang magiging epekto nito.
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
3. I-offer sa iyong anak ang iyong guidance sa kaniyang online activity at hayaan siyang ma-realize ang epekto nito.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong anak kung ano sa tingin niya ang nagagawa ng paggamit niya ng cellphone o gadget. Mas nakikita niya bang mahalaga ito kaysa sa ibang bagay. Bigyan din siya ng mga pangyayari na maaaring maging posibleng epekto ng paggamit niya ng gadget at cellphone. Sabihin din siya kung ano gagawin niya sa oras na maranasan ang mga ito.
Ang ganitong paraan ay mas effective kaysa sa pagsesermon o pagle-lecture sa iyong anak.
4. Maghanap ng mga non-screen alternatives na maaaring mapagawa sa iyong anak.
Mag-isip ng mga family activities o hobby na alam mong magugustuhan niya. Saka ito unti-unting i-introduce sa kaniya hanggang sa malipat na rito ang kaniyang focus o attention. Ayon kasi kay Moore, mas madali sa mga bata na palitan ang isang behavior kaysa sa tigilan ito.
5. Maging good digital role model sa iyong anak.
Tayong mga magulang ang idol o hero sa paningin ng ating mga anak. Lahat ng ating ginagawa ay inaakala nilang tama at kanilang ginagaya. Kaya naman kung gusto mong mabawasan ang paggamit ng cellphone o gadgets ng iyong anak ay maging mabuting halimbawa sa kaniya. Iwasan mong guammit ng cellphone o gadget habang kumakain pati na sa tuwing bago matulog. Ipakita sa kaniya na mas maraming mahahalaga at productive na bagay na maaaring gawin kaysa magmukmok sa harap ng cellphone o gadgets niya.
Source:
Psychology Today
Photo:
People photo created by Racool_studio – www.freepik.com
BASAHIN:
EXPERT: Hindi pag-gamit ng cellphone pagkasama ka—senyales na mahal ka ng asawa mo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!