Minsan ba pakiramdam mo ay hindi na ganoon ka-sweet si mister sa ‘yo? Baka nag-iba lang pagpapakita ng kaniyang pagmamahal. Narito ang ilang mga senyales na mahal na mahal ka pa rin ni mister.
Normal lamang sa isang pagsasama ng isang mag-asawa na mabago pagdating ng panahon. Sapagkat mas nagiging relax na ang iyong pagsasama sa pagdaan ng mga panahon. Pero marami pa ring naniniwala na ang kanilang mga mister ay wala nang pagmamahal sa kanila. Subalit ayon kay Stan Tatkin, isang psychologist at author ng Wired for love, hindi naman umano ito ang kaso.
Narito ang 9 senyales na ang inyong mister ay mahal na mahal pa rin kayo
-
Kapag sinasabi niyang “kung ano ang gusto mo” sa inyong date night
Pwede niyong sabihin na ang senyales na ito ay tila walang interes ang iyong mister. Pero sa totoo lang ayon kay Paul Coleman isang psychologist. In-love umano talaga ang mga lalaki kung hindi sila ganun ka enthusiastic katulad ng sa babae. Sa isang pag-aaral na nailathala sa Journal of Psychophysiology,
The amount of serotonin you have in your body as a woman makes you act happy and show it more,” Ayon kay Coleman.
Dagdag pa niya “But because men’s levels aren’t as high, they don’t feel the need to do that — they’re happy showing you love by agreeing to do whatever it is you want to do, even if it’s just sitting next to you and watching TV.”
Kaysa maging frustrated dahil ikaw ang nag-iisip ng mga date idea. Gawin itong opurtunidad para mag-isip ng kakaiba at bagong date experience niyong mag-asawa.
-
Kapag tinitignan ka niya sa mata
Kung kayo ay kumakain ng dinner at nakaupo siya sa tapat mo, at hindi tumitingin sa kaniyang cellphone o sa iba pa. Kapag tinitignan ka niya ng deretso sa mata’t masusing nakikinig sa iyong mga sinasabi. Siguradong mahal ka ng iyong mister.
Sabi ni Zick Rubin sa kaniyang pag-aaral, ang mga couple umano na in-love talaga sa isa’t isa ay palaging nagtitinginan 75% ng oras o pagsasama nila. Ang iba naman ay nasa 30-60% lamang. Sa madaling sabi ang eye contact ay nagpapakita na siya’y interesado sa lahat ng iyong sinasabi.
-
Minamahal ka niya ng tahimik
Siguradong noong una niyong mga taon na magkasama ay hindi niya maialis ang kaniyang kamay sa iyong kamay. Kahit ano mang oras sa isang araw. Subalit kung kayo ay kasal na ng ilang mga taon, posibleng magbago ito.
Huwag mabahala dahil ayon kay Tatkin maaari sa ibang paraan niya lamang nai-express ang kaniyang pagmamahal sa iyo.
“At the beginning of all successful relationships, the constant excitement of new love produces a lot of dopamine, which is the same neurotransmitter that’s stimulated when a drug addict takes their drug of choice,”
Dagdag pa niya “It’s exhilarating, but temporary.”
Ang quiet love umano sa kabilang banda ay nagmumula kapag unti-unti nang nawawala ang exhilaration. Paliwanag ni Tatkin, pumasok na kasi umano sa isang kalmado o relax na relasyon ang isang couple. Mahal ka pa rin ng iyong mister naipapakita niya lamang ito sa ibang paraan.
-
Sasamahan ka niya sa isang party ng walang reklamo
Halimbawang naimbitahan ka ng iyong kaibigan sa kaniyang party at hidni talaga gusto ng iyong asawa na sumama. Tignan kung paano siya mag-react kapag inaya mo siyang samahan ka. Kung hindi siya nagpakita ng pagkayamot o anuman, pinapakita niyang mahal ka niya.
“When you say that you really want him with you and then he just puts on his party clothes without grumbling, he’s putting aside his own preferences and tastes to make you happy,” ayon kay Sophia Dembling.
Hihndi ka umano sasamahan ng iyong asawa kung hindi ka niya mahal Kadalasan talaga ay actions speakes louder than words.
-
Mabilis niyang tinatapos ang inyong argumento
Isa pang senyales na mahal na mahal ka pa rin ng iyong asawa’y kung hinahayaan ka niyang manalo sa mga argumento niyong dalawa.
“He puts you ahead of having to be right because he knows that any delay in fixing misunderstandings or hurt feelings can lead to a long-lasting memory that doesn’t bode well for your future,” wika ni Tatkis.
Ayaw niyang nakikipagtalo sa iyo kaya inilalabas na niya ang kaniyang white flag, hindi niya ito ginagawa dahil tinatamad siya. Pero ayaw niya lamang na makita kang malungkot. Kaya naman sa susunod kapag dumating ulit kayo sa ganitong sitwasyon, mag step back at ikunsidera kung mas importante ba ang maging tama o maresolba ang isyu.
-
Kapag itinatabi niya ang mga gadgets o electronics
Image from Unsplash
Aminin na natin na lahat tayo ay guilty dahil tila nakadikit na sa ating mga kamay ang ating mga cellphone. Subalit kung ang iyong asawa ay awtomatikong itinatabi ito upang makapag-spend ng quality time sa iyo. Senyales ito na gusto niyang magkaroon kayo ng koneksyon.
Ayon kay Fawn Weaver, “When a man loves a woman, no matter how demanding his job, he knows how to put his phone down, close his laptop, and give his undivided attention,”
Dagdag pa niya, kung mayroon consistent na effort sa pagbibigay ng oras sa inyong quality time. At kung inuuna niya ang inyong pagmamahal kaysa sa kaniyang career at mga kaibigan. Subalit tandaan hindi ibig sabihin nito, ay bibitawan o iiwan niya ang kaniyang ginawa kapag sinabi mong iwan niya ito. Subalit kung gumagawa siya ng plano at effort para magkaroon kayo ng quality time magkasama, na walang technology siguradong mahal na mahal ka ng iyong mister.
-
Kapag siya’y naghuhugas dahil alam niyang ayaw mo itong gawin
Siguradong sa tagal ng inyong pagssasamang mag-asawa alam niyo na ang ayaw at gusto ng isa’t isa. Kaya naman malalaman mo na mahal na mahal ka pa rin ng iyong asawa kung siya’y nag-a-adjust sa iyong “irritation triggers.”
Ayon kay Tatkin, “If he knows the three or four things that will always hurt you or put you off balance, and then knows just what to do to either avoid them or get you up and running again when they do happen, then consider him your antidote,”
Kaya naman kaysa magkaroon pa ng away huhugasan mon a mga hugasin bago matulog. Tandaan lamang na i-return ang favor na ito sa kaniya. Mag-isip ng mga paraan upang makabawi sa kaniya o kaya naman maghugas ka rin ng pinggan bilang pagsasabi ng thank you sa kaniya. Dahil alam natin na siguradong ayaw niya rin ng chore na iyon.
-
Kapag gumagawa siya ng effort para ma-surprise ka
Kahit na alam niyo na ang schedule ng isa’t isa, pero gumagawa pa rin ng mga paraan ang iyong mister upang ma-surprise upang sumigla at sumaya ang araw mo. Paniguradong mahal na mahal ka niya.
Ayon kay Weaver, “This isn’t about expensive gifts. Oftentimes it’s something as simple as bringing home a favorite candy or carton of ice cream, or picking up tickets when you mentioned you wanted to see a certain movie,”
Wala naman umano ito sa mga mamahaling bagay pero kadalasan ito’y mga simpleng pag-uuwi ng pasalubong sa iyo, o pagbili ng mga paborito mong pagkain, o ‘di naman kaya’y biglaang pag-aaya niyang manuod ng sine.
Ang punto rito gumagawa palagi siya ng paraan upang palaging fresh at masaya ang inyong pagsasama. At kapag ipinapakita niya na naalala niya ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa ‘yo.
-
Kapag sinasabi niya ang una mong pangalan kapag kayo’y nagse-sex
Bahagi na ng norm ang pagkakaroon ng endearment o tawagan. Katulad ng mahal, baby, honey, sweetheart at iba pa. Pero sabi ni Tatkin kapag sinabi niya ang first name habang nasa gitna kayo nang pagtatalik, sensyales umano ito na mahal ka niya. Senyales din ito na gusto niya lamang maging intimate sa ‘yo lamang. Isa pang clue ay kung may eye contact kayo habang nagtatalik. Ayon kay Tatkin ay interesado siya sa ‘yo at ikaw lamang ang iniisip niya at senyales na mahal na mahal ka pa rin ni mister.
Image from Unsplash
Talagang maraming mga pagbabago sa isang relasyon ng mga mag-aasawa. Ang mahalaga ay hindi kayo nagkukulang na maparamdam ito sa mga maliit na bagay. Huwag din basta-basta mag-overthink na hindi ka na mahal ni mister. Baka nagbago lamang ang pamamaraan ng kaniyang pagpapakita ng pagmamahal sa ‘yo.
SOURCE:
womansday
BASAHIN:
6 na epekto ng stress na pumapatay sa relasyon ng mag-asawa
STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon
Ito ang epekto sa relasyon kapag malakas mang-asar ang asawa mo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!