TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Mikael Daez at Megan Young: “Dealing with stress is a partnership”

5 min read
Mikael Daez at Megan Young: “Dealing with stress is a partnership”

Ibinahagi ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young kung paano nila hinaharap ang stress bilang mag-asawa.

Ibinahagi ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young kung paano nila hinaharap ang stress sa kanilang buhay nang magkasama.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Megan Young at Mikael Daez nagtutulungan sa pagharap sa stress
  • Paano mapapanatili ang magandang samahan ng mag-asawa sa kabila ng stress?

Megan Young at Mikael Daez nagtutulungan sa pagharap sa stress

megan young mikael daez

Larawan mula sa Instagram account ni Megan Young

Partnership para kina Mikael Daez at Megan Young ang pagharap at pag-iisip ng solusyon sa mga problema. Sa launching ng Redoxon, natanong ang mag-asawa kung paano nila hinaharap ang stress sa kanilang buhay.

Saad ni Mikael Daez, tuwing nasa kalagitnaan siya ng stressful na sitwasyon, talagang nahihirapan siyang mag-isip. Doon aniya pumapasok si Megan Young para ipaalala sa kaniya na mag-relax para makapag-isip siya nang maayos.

“Mikael, you need to step aside, relax, give yourself a few minutes and just breathe.”

Todo suporta rin naman daw si Mikael Daez kay Megan Young kapag ito naman ang nahaharap sa stressful na sitwasyon.

“I’ll make her [a] cup of coffee, maybe I’ll make her snacks. Just give her something to help her decompress and unwind.”

megan young mikael daez

Larawan mula sa Instagram ni Megan Young

Dagdag pa ng aktor, hindi lang daw routine para sa kanila ang stress management at pagkakaroon ng healthy lifestyle, dahil tinuturing talaga nila itong partnership bilang mag-asawa.

“And inevitably you will have your rough moments, you have your good days, and your bad days. But with your partner, hopefully mas ma-lessen nang kaunti ‘yong bad days mo.”

Sang-ayon naman si Megan Young sa pahayag ng asawang si Mikael Daez. Dagdag pa nito, tuwing siya ay nai-stress, tinutulungan siya ni Mikael na i-analyze ang problema at magkasama silang mag-iisip ng solusyon para dito. Una aniya ay iisipin muna nila kung ano ang maaaring gawin sa pagkakataon na iyon tsaka sila mag-iisip ng long term solutions.

Nabanggit din ni Mikael Daez na nitong kasagsagan ng pandemya, kung kailan ay madalas na nasa Zoom meeting sila, ay mas madalas din daw ang stress na kanilang nararanasan. Pero sa kabila umano ng stress na ito, mahalaga raw talaga na mayroon kang partner na makakasama mong harapin ang mga nagdudulot ng stress sa iyo.

“I think it’s really, really important and being able to have that partner, to cry, workout, have a time for yourself to step back and meditate,” saad ni Mikael Daez.

BASAHIN:

Megan Young speaks up on why they chose not to have kids right away

Carla Abellana sa hiwalayan kay Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed.”

Matteo Guidicelli sa birthday ng kaniyang mother: “Thank you for the unconditional love and support!”

Paano mapapanatili ang magandang samahan ng mag-asawa sa kabila ng stress?

megan young mikael daez

Larawan mula sa Instagram ni Mikael Daez

Normal sa mga mag-asawa ang pagkakaroon ng problema o makaranas ng stress habang nagsasama. Iba’t iba ang maaaring panggalingan ng stress na ito, mula sa malalaking issue hanggang sa mga regular na problemang bahagi ng araw-araw na buhay.

Ayon kay Dr. Barbara Markway, isang psychologist, narito ang ilan sa mga maaaring gawin kapag dumaranas ng stress ang mag-asawa:

  • Mag-isip ng solusyon sa problema, pero tandaan din na may mga problemang hindi madaling hanapan ng solusyon. Maaaring sandaling huminto at mag-isip.
  • Tanggapin na stressful ang sitwasyon pero hindi dapat na magsisihan ang mag-asawa. Imbes na sisihin ang isa’t isa, makabubuting mag-focus sa sitwasyon at tandaan na ang sitwasyon ang problema at hindi ang asawa.
  • Pwedeng humingi ng tulong o outside support sa mga taong sa palagay niyong mag-asawa ay maaari niyong pagkatiwalaan sa inyong problema.
  • Maging komportable sa pagkakaroon ng flexible roles sa bahay. Kapag stressful ang sitwasyon, makatutulong kung magiging flexible ang bawat isa mula sa kung sino ang gagawa ng mga gawaing bahay hanggang sa kung sino ang magha-handle o magdadala ng mga emotional load.
  • Igalang ang reaksyon ng iyong partner. Hindi pare-pareho ang bawat tao sa kung paano magre-react sa isang stressful na sitwasyon. Walang sinoman ang tama o mali sa ganitong pagkakataon.
  • Tumawa kung kaya at kailangan. Makatutulong ang pag-nurture sa iyong sense of humor sa pag-cope sa mga problema ng buhay.
  • Gumawa ng survival plan. Isipin kung ano ba ang dapat gawin at unahin, at ano ang mga bagay na maaaring makapaghintay hanggang sa bumalik sa normal ang lahat.
  • Subukang bawasan ang ibang gawain sa kahit anong paraan na makakaya. Siguraduhing pareho kayo ng iyong asawa na nakakakain at nakakatulog nang maayos.
  • Gawing realistic ang inyong expectations. Minsan, maituturing na malaking achievement na para sa mag-asawa ang ma-survive ang isang buong araw tuwing nahaharap sa stressful na sitwasyon.
  • Kung pakiramdam niyo kayo ay drained at walang sapat na energy para sa inyong relasyon, subukang humanap ng paraan para manatiling connected. Ang simpleng acts of affection ay makatutulong sa inyo.
  • Panatilihin ang pagkakaroon ng compassion. Tandaan na ikaw at ang iyong partner ay ginagawa ang lahat ng makakaya sa ganitong pagkakataon.

Psychology Today

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Mikael Daez at Megan Young: “Dealing with stress is a partnership”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko