X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Markus Paterson sa gitna ng isyung hiwalayan kay Janella Salvador: “Ang puso ko ngayon, sobrang saya.”

5 min read

Markus Paterson at Janella Salvador nagsalita na tungkol sa isyung hiwalayan nilang dalawa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pahayag ni Markus Paterson at Janella Salvador
  • Mensahe ni Markus para sa girlfriend na si Janella Salvador.

Pahayag nina Markus Paterson at Janella Salvador

Markus Paterson at Janella Salvador

Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador

Nitong mga nakaraang buwan ay usap-usapan na hiwalay na ang showbiz couple na sina Markus Paterson at Janella Salvador. Ito ay dahil mula noong New Year ay wala ng picture na magkasama sina Markus at Janella na ipino-post sa kanilang Instagram account. Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens na mag-speculate na may problema sa relasyon ng dalawa.

Pero nitong nakaraang Mayo noong Mother’s Day, ay marami ang natuwa ng batiin ni Markus si Janella. Ito ay sinagot naman ng aktres na “Thank you” na may kasamang white heart emoji. Bagamat ang ibang netizens, may tanong parin at napansing walang kasamang “I love you” ang pagbati ni Markus kay Janella.

Nitong nakaraang lingo, si Janella naman ang bumati kay Markus sa 24th birthday nito.

“Always rooting for your success, well-being & happiness. Happy birthday @markus!”

Ito ang post ni Janella sa kaniyang Instagram story na agad na ni-repost ni Markus sa kaniyang Instagram account.

Si Markus at Janella kapwa nagsalita na tungkol sa isyu na sila ay hiwalay na. Bagamat hindi nila deretsong sinagot ang isyu. Sa isang panayam, sabi ni Markus ay maayos ang relasyon nilang dalawa ni Janella. Bagamat, sa ngayon ay ipinapaubaya niya kay Janella ang pagsasalita at pagbibigay ng detalye tungkol sa sitwasyon nila.

“Our relationship status is definitely something people are asking about, but as of now I’m gonna let her do the talking on this time situation. But we are both very good, we have a very good relationship with each other. So let us leave it like that for now.”

Si Janella naman, sa isang hiwalay na pahayag ay sinabi ring maayos ang relasyon nila ni Markus. Bagamat hiling niya sa publiko ay respetuhin muna sa ngayon ang privacy nila.

“Markus and I are okay. And I am aware of the speculation that’s going around. Siguro I’m asking people to give us more time, i-respect kung ano man ang nangyayari. Pero ok kami, we are ok. totally ok.”

Ito ang sabi naman ni Janella.

Sa ngayon, sabi pa ng aktres ay very inspired siya at ito ay dahil sa anak niyang si Jude.

janella salvador with son jude

Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador

BASAHIN:

Janella Salvador on unexpected pregnancy: “Hindi naman ako sayang dahil nagka-anak ako”

Marian Rivera nag-iingat na sa mga sexy outfit: “Kailangan maging conscious sa ipinapakita ko sa anak ko.”

Carla Abellana sa hiwalayan kay Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed.”

Markus sinabing maraming nagbago sa buhay niya ng siya ay maging isang ama

Samantala, base pa rin sa panayam kay Markus, sa kabila ng mga kumakalat na rumor ay very happy rin siya sa ngayon.

“Ang puso ko ngayon masasabi ko masaya, sobrang saya. In a lot of ways, I come to terms with a lot this year so far. And I just can’t wait to grow more and to learn more everything in my life in my craft, in my relationships, and fatherhood. I am so young and I can’t wait to become the best version of me.”

Ito ang sabi pa ng aktor na ibinahagi ring maraming nagbago sa buhay niya ng siya ay maging isang ama na.

“Lahat talaga nagbago. As in, the way I think, the way I prioritize day to day life. I’m considering the fact that I’m in this age I am not even 25 yet and I have a kid that’s almost 2 years old so lahat ng priorities like decision making if I should go out and if I stop my vices, ang laman lang ng isip ko ngayon ay si Jude.”

markus paterson with son jude

Larawan mula sa Instagram account ni Markus Paterson

Para sa mensahe niya kay Janella ay sinabi ng aktor na super proud siya sa achievement ng aktres. Lalo na pagiging mabuting ina nito sa anak nila na si Jude. Dagdag pa ni Markus, blessed siya na maging bahagi ng buhay ni Janella.

“See you Janella.  All I can is that, I couldn’t be prouder for the woman you have become, the mother you have become and the mother you continue to be and you grow into. It’s just such a beautiful thing to watch and I am so blessed to be a part of your life.”

Ito ang sabi pa ni Markus.

Ayon sa ilang rumor, may lamat na umano ang relasyon nina Markus Paterson at Janella Salvador. Matatandaan na base sa isang panayam ng showbiz reporter na si Ogie Diaz kay Janella ay sinabi ng aktres na may trauma siya sa mga taong nakainom. At doon niya rin nabanggit na kailangang kontrolin ni Marcus ang kaniyang pag-inom ng alak.

Cinema One, Kiko Escuadro YouTube Channel

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Markus Paterson sa gitna ng isyung hiwalayan kay Janella Salvador: “Ang puso ko ngayon, sobrang saya.”
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.