X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ogie Diaz sa mga magulang: "'Wag ipamulat sa anak na kailangan "kumita" 'pag Pasko."

5 min read
Ogie Diaz sa mga magulang: "'Wag ipamulat sa anak na kailangan "kumita" 'pag Pasko."

"Kaya sa mga nagpaplano ng binyag ng anak diyan, okay na ang konting ninong at ninang, basta maaasahan." - Ogie Diaz

Ogie Diaz nag-share ng saloobin patungkol sa pagbibigay ng aguinaldo sa mga inaanak ngayong pasko at payo na rin sa mga magulang sa pagpili ng mga ninong at ninang.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ogie Diaz sa pagkakaroon ng inaanak
  • Para sa mga bata naman talaga umano ang pasko ayon kay Ogie
  • Tips pagpili ng ninong at ninang ng iyong anak

Ogie Diaz sa karanasan sa inaanak

Sa isang Facebook post ibinahagi ng comedian/actor/host na si Ogie Diaz ang mga sintemyento niya sa pagbibigay ng aguinaldo sa mga inaanak ngayong pasko.

Sa kaniyang post nagbahagi siya ng larawan,

Ogie Diaz sa mga magulang: Wag ipamulat sa anak na kailangan kumita pag Pasko.

Kasama ng larawan na ito ang caption niya rito at pagbabahagi ng kaniyang karanasan. Pagkukuwento niya,

“Sabi ng isang kumare na di ko naman ka-close (kaya hindi ko rin inatenan ang binyag), wag daw ako aalis ng bahay sa Pasko dahil pupunta sila ng inaanak ko at mamamasko sila.

Sila rin yung isa lang ang inaanak mo, pero pati mga pinsan, kapitbahay, bitbit. Tapos, nakasimangot pa sila pag binigyan mo ng Christmas souvenir. Gusto nila, me kasamang pera.”

Dagdag pa ni Ogie, dahil umano artista siya ay malaki ang expectation kung magkano ang ibibigay mo, pero binigyan niya pa rin kahit umano ‘surprise guests ang mga ito.

Kwento pa niya,

“May maririnig ka, bubulong pa ng, “Eto lang? Sana pala, di na tayo sumama.” Ano to? Parang kasalanan ko pa na sumama sila?”

Kaya yung nanay ng di umano’y inaanak ko, sinabihan ko. “Next time, pag nagbitbit ka pa ng marami, yun mismong ibinibigay ko sa anak mo, paghahati-hatiin ko sa mga kasama mo. Okay ba sa yo?”

“Ay, hindi na po. Kami na lang po.”

Ito ang pagbabahagi ni Ogie sa kaniyang Facebook post.

Para sa mga bata naman talaga umano ang pasko ayon kay Ogie

ogie diaz inaanak

Larawan mula sa Instagram account ni Ogie Diaz

Ayon pa sa post ni Ogie, sinabi niya na ang pasko naman umano ay para sa mga bata at pagbibigayan. Lalo na umano kung nakakaluwag-luwag ka, mas maganda raw umano ‘yong pagbabahagi ng mga biyayang natanggap natin.

Pero kung ipapamulat natin umano sa ating mga anak na kailangan niyong kumita sa pasko ay para umano hindi na ito tama. Pahayag niya,

“Ang Pasko ay totoo namang araw ng mga bata ‘yan. Pagbibigayan. Lalo na kung nakakaluwag-luwag ka, share your blessings. Pero yung ipamulat mo sa mga anak mo na “kailangan kayong kumita pag Pasko,” ay hello! Wait lang, ha?”

BASAHIN:

Paano pumili ng tamang ninong at ninang sa iyong anak?

9 na traditions sa pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas

Noche Buena na! Pasarapin pa lalo ang Bisperas ng Pasko

Payo ni Ogie sa mga magulang sa pagkuha ng mga ninong at ninang

Kaya naman payo ni Ogie, dapat kapag kukuha ng ninong at ninang ay dapat ka-close talaga natin para alam natin na maaasahan natin sila. Lalo na pagdating sa pagpapalaki sa ating mga anak.

“Una sa lahat, kung kukuha kayong ninong at ninang ng anak nyo, dapat mga ka-close ninyo at alam nyong maaasahan nyo pag nawala kayo sa mundo.

Siya nga ang pangalawang magulang, di ba? Kasi kaya mong ipagkatiwala ang anak mo sa kanya or sa oras na kailangan ng payo o gabay ng bata at di na nakikinig sa magulang, andiyan si ninong o si ninang. Kasi nga, close kayo.

ogie diaz inaanak

Larawan mula sa Shutterstock

Kaya sa mga nagpaplano ng binyag ng anak diyan, okay na ang konting ninong at ninang, basta maaasahan.

Wag kayong kukuha ng ninong dahil ang gusto nyo lang eh me ninong o ninang na sikat at kilala ang anak nyo, pero di nyo naman ka-close.

Yung kinamulatan natin nung araw na ginagawang hanapbuhay ang Pasko, ipahinga na natin, dahil masa-shoutout lang kayo sa social media pag OA na ang paghingi ng aginaldo.”

Ito ang pagbabahagi ni Ogie Diaz.

Tips pagpili ng ninong at ninang ng iyong anak

Narito ang mga tips sa pagpili nang mga magiging ninong at ninang ng inyong anak.

1. Dapat kakilala mo at malapit sa iyo at alam mong maaasahan mo kapag kailangan mo ng tulong sa papalaki sa iyong anak.

2. Pumili ka ng ninong at ninang na tanggap ang kaniyang magiging role sa buhay ng anak mo.

3. Dapat ang magiging ninong at ninang ng iyong anak ay magiging mabuting ehemplo sa kaniya.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

4. Isa pa sa dapat mong ikonsidera sa pagpili ng ninong at ninang ng iyong anak ay dapat siya ang responsable.

5. Higit sa lahat kailangan na lubos na kakilala mo ang magiging ninong at ninang ng iyong anak.

ogie diaz inaanak

Larawan mula sa Shutterstock

Tandaan mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga ninong at ninang sa buhay ng ating mga anak. Hindi lamang sila taga-bigay ng regalo o aginaldo sa pasko. Kundi makakatulong din sila sa atin sa pagpapalaki sa ating mga anak. Isa rin sila sa mga magbibigay gabay sa ating mga anak.

 

Source:

Facebook

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ogie Diaz sa mga magulang: "'Wag ipamulat sa anak na kailangan "kumita" 'pag Pasko."
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.