X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Noche Buena na! Pasarapin pa lalo ang Bisperas ng Pasko

5 min read

Pasko na naman, at isa sa pinakahihintay ng lahat ay ang salu-salo pagdating ng bisperas.

Naging tradisyon na nating mga Pinoy ang maghanda ng ika-24 ng Disyembre, at magsama-sama sa pagkain ng pagpatak ng hatinggabi para salubungin ang Pasko.

Kasama na sa tradisyong ito ang pagluluto ng napakasasarap na putahe na alam nating paborito ng buong pamilya. Karamihan din sa atin, ay ito na ang mga nakagisnang putahe mula bata pa.

Ang iba naman, sinasamahan na ng mga bagong nadiskubre o bagong naimbentong pagkain o panghimagas na sumusunod sa makabagong panahon.

Nagtanong ako sa mga mahilig magluto at sa mga eksperto sa sining ng kulinarya, at ibinahagi nila ang mga recipe na karaniwang hinahanda sa Noche Buena, at ibang mga bagong putahe na tiyak na magugustuhan ng buong pamilya.

Paborito ng mga bagets

Chicken Cordon Bleu

Nag-iisip na nga rin si Nenette Damaso, maybahay at may 2 binatang anak, ng ihahanda para sa darating na Noche Buena.

Chicken Cordon Bleu ang pinakapaborito ng dalawang anak niya mula nang mga bata pa ito.

Bukod sa Menudo at pan de sal, Buko Pandan at Carbonara, ang luto niya ng putaheng ito ang hinahanap hanap ng kanyang pamilya.

"Kailangan malalaki ang hiwa ng chicken breast, at dinadamihan ko ang keso at ham sa loob," payo ni Nenette.

  • Inaasinan niya ang skinless at boneless na chicken breast, at saka pinapatong ang Swiss cheese (o kahit anong cheddar cheese) at ham sa ibabaw.
  • Pagkatapos ay irorolyo ito at tutusukin ng toothpick para hindi maalis.
  • Pagulungin sa bread crumbs at ilagay sa oven (preheated ng 350 degrees F o 175 degrees C) ng 30 hanggang 35 minuto o kapag ang manok ay hindi na kulay pink.
  • Alisin sa oven at maglagay ng keso sa ibabaw, saka ibalik ulit sa oven ng 3 hanggang 5 minuto.
  • Tanggalin ang toothpick bago ihanda.

Putaheng Paborito ng Pinoy

Classic Paella

Kuwento ni Dice Piedad ng Happy Caterer, Paella pa rin ang bestseller lalo kapag may malalaki at espesyal na handaan. Hindi kasi lahat ay marunong magluto nito. O kung marunong man, minsan ay wala nang oras para dito.

Kaya naman handa sila ng kaniyang asawa na magluto para sa mga pamilya para ihanda sa Noche Buena, o di kaya’y dalhin sa family reunions o party ng barkada o magkakaibigan.

Espesyal ang Paellang ito ni Chef Dice dahil puno ng toppings tulad ng iba’t ibang karne at gulay, at sinasahugan nila ng totoong saffron ang kanin. May pork belly, manok, sausage, pusit, hipon, alimasag—‘di ba’t ang sarap?

The Happy Caterer: [email protected], 09178293423, FB • thehappycatererph

Chicken Galantina

Ayon naman kay Chef Prince Galicha, Team Leader ng Manila Catering, ito ang isa sa mga paborito ng kanilang mga kliyente kapag ganitong panahon. Kilala din ito sa tawag na Rellenong Manok o stuffed chicken.

Ang tradisyonal na paggawa nito ay gumagamit ng isang buong manok na deboned, pero pwede ring gumamit ng deboned chicken breast para mas madali.

  • Isinasahog niya 1 kilong giniling na baboy, chinese sausage o chorizo, sweet pickle relish, raisins, ham Vienna sausage, sibuyas, carrots, red bell pepper, asin at paminta, pati na ang bread crumbs.
  • Ibinababad ang manok sa lemon juice at toyo, at saka ibinabalot sa loob nito ang meat stuffing, at itlog sa pinakagitna.
  • Binabalot sa katcha o cheesecloth, o tinatali ang manok para hindi matanggal ang sutffing.
  • Ito ang bine-bake sa oven ng 350 F.
  • Punasan ng butter bago ilagay sa oven ng hanggang 40 minuto. Balutan ng aluminum foil sa huling 20 minuto ng pagluluto para hindi ma-overbrown. Pwede ding iluto sa steamer ng 90 minuto. Pagkaluto ay pinalalamig sa refrigerator ng 3 hanggang 6 na oras.

Noche Buena na! Pasarapin pa lalo ang Bisperas ng Pasko

Isda naman

Baked Salmon

Para may isda naman, rekumendado ni Chef Dice ang Baked Salmon. Simple lang ang paghahanda nito, basta’t may oven.

Samahan ng mixed buttered vegetables at siguradong patok ito para sa lahat. May kamahalan ang salmon kaya’t madalas ay pang-espesyal na okasyon lang ito. Kahit wala nang kanin ay masarap ang putaheng ito.

Espesyal at Modernong Paghahanda

Bone Marrow Steak Pie ng Mudpie Heaven

Ilang dekada na sa restaurant business ang pamilya ni Chikky Cayuca. Ang pinakabagong restaurant venture nila ng kaniyang anak na si Ashley, ay ang Mudpie Heaven, kung saan nakapaghahanda sila ng mga tradisyonal na putaheng may modern twist. Reinvented, ika nga nila.

Ang specialty nilang Bone Marrow Steak Pie ay inihahanda na may kasamang mashed potatoes at salad. Ito ay gawa sa beef strips o sukiyaki-cut steak, gravy at napakasarap na keso, natatakpan ng flaky crust sa ibabaw,at baked para maging pie.

Katulad ng ginawa ng mag-inang Cayuca, maaaring mag-imbento at mag-isip ng kakaibang putahe mula sa tradsiyonal nang inihahanda, para magsimula ng bagong tradisyon ng pamilya, hindi ba?

Pamaskong Panghimagas

Mississippi Mudpie

Nanalong Inquirer’s Best Dessert 2017 ang orihinal na gawang ito ni Chikky. Una itong inihahana noon sa naunang restaurant nilang Country Spice sa Pasig. Bentang benta at paborito ng marami kaya’t nang magtayo sila ulit ng restaurant, pinilit ni Ashley na isama ito sa menu ng Mudpie Heaven—pero may panibagong presentasyon.

Gawa ito sa homemade chocolate at vanilla gelato, at ang recipe ay sikreto na rin ng pamilyang Gutierrez-Cayuca. Pwedeng i-takeout at ihanda sa Noche Buena, kung gusto ng kakaibang dessert sa espesyal na pagdiriwang.

Mudpie Heaven 2/F Circuit Lane Makati, Riverfront Drive, AP Reyes St, Carmona, Makati, +63 949 116 9855

Ano pang hinihintay? Mamili na ng pang-sahog, o umorder na para hindi mahuli sa paghahanda.

Partner Stories
Cool down this summer with this yummy chocolate drink
Cool down this summer with this yummy chocolate drink
REP CAROUSEL stars share the thrill and weight of mounting one of musical theater’s masterpieces
REP CAROUSEL stars share the thrill and weight of mounting one of musical theater’s masterpieces
YEY, balik TV simula ngayong Nobyembre sa JEEPNEY TV at KAPAMILYA Channel
YEY, balik TV simula ngayong Nobyembre sa JEEPNEY TV at KAPAMILYA Channel
Suzuki Philippines Unveils The All-New XL7 and S-Presso
Suzuki Philippines Unveils The All-New XL7 and S-Presso

Kung magluluto man o bibili ng luto nang pagkain, siguraduhing masarap at kakaiba ang ihahanda para sa pamilya, dahil isa ito sa maaalala ng lahat sa Paskong pinagdiriwang.

Tandaan, kapag busog ang lahat, masaya ang lahat.

BASAHIN: Gift Ideas ngayong Pasko: Mga regalong maaaring bilhin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Fiesta at holidays
  • /
  • Noche Buena na! Pasarapin pa lalo ang Bisperas ng Pasko
Share:
  • How to make a delicious Noche Buena feast at any budget!

    How to make a delicious Noche Buena feast at any budget!

  • Gift Ideas ngayong Pasko: Mga regalong maaaring bilhin

    Gift Ideas ngayong Pasko: Mga regalong maaaring bilhin

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • How to make a delicious Noche Buena feast at any budget!

    How to make a delicious Noche Buena feast at any budget!

  • Gift Ideas ngayong Pasko: Mga regalong maaaring bilhin

    Gift Ideas ngayong Pasko: Mga regalong maaaring bilhin

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.