Malamig na ang simoy ng hangin, at lahat ng dekorasyon ay naitaas at nailagay na sa bahay, kalye, mga malls, paaralan, at sa bawat sulok ng bawat lugar na puntahan. Kung wala pa kayong naiisip na bilhin para sa mga anak at inaanak, narito ang ilang regalong siguradong magugustuhan nila.
Mga Laruang Gawang Pinoy
HOME Plush Toys
Ang HOME o Handcrafters of Mary Enterprise ay isang community enterprise initiative ng ANTHILL Fabric Gallery. Ang mga produkto nila at gawang kamay ng mga nanay mula sa Cebu, gamit ang mga retaso o napagtabasang tela.
Isang kakaibang produkto nila ang mga manyikang Lumad, na nagpapakilala sa ating mga kababayang indigenous mula sa Timog Pilipinas. Sa Cebuano, ang ibig sabihin ng salitang Lumad ay “native” o “indigenous”.
Layon ng HOME na maturuan din ang mga batang Pilipino na makilala ang indigenous people ng ating bansa at mahalin ang sariling kultura sa pamamagitan ng paglalaro. Marami na ang mga laruang Kanluranin o imported, kaya’t hindi ba’t magandang makapaglaro din ang mga bata ng laruang sariling atin?
Bukod sa Lumad dolls, mayroon ding iba pang manyika ang gawa ng HOME—nariyan ang Occupation Dolls na nagpapakilala sa iba’t ibang trabaho o propesyon tulad ng doktor, pulis o chef, Mini-Me Dolls, na may nanay at anak, Character Dolls, na may fairy at iba pang storybook characters tulad ni Peter Pan, at Dress Your Own Doll.
Ang HOME ay advocate ng “play and learning through play.”
Presyo mula Php699 hanggang Php1,300
Home Plush Toys PH
Teacher-Made Toys – T-MATO
Ang T-MATO ay gawa ng mga gurong nais ipalaganap an paglalaro gamit ang mga laruang makakatulong sa iba’t-ibang skills na kailangang matutunan ng mga bata. Nais nilang bigyan ng alternatibo ang mga bata, para hindi puro gadgets at TV lang ang pinagkakaabalahan.
Maraming pagpipiliang laruan na gawa ng T-MATO. May color-sorting, shape recognition, cursive writing. Pero ang isa sa mga paborito ng marami ay ang Fishing Game na daig ang kahit anong mechanical at hi-tech toy sa pagsasanay ng fine motor skills.
Presyo: Mula Php400 hanggang Php600 bawat set ng laruan.
Pumple pie
May Free Nationwide Shipping sila para sa minimum na Php1,000 hanggang December 20. Ilagay lang ang Promo code na HAPPY BIRTHDAY.
Mga Gamit na Personalized-Customized
The Coolist
Specialty ng The Coolist ang personalized na mga gamit para sa kusina at pagkain, tulad ng baso at cheese boards, pati na rin cellphone at gadget holders.
Mayroon silang set ng mga baso at coasters na para sa buong pamilya na maaaring lagyan ng pangalan. Ngayong Disyembre, naglabas sila ng disenyong Star Wars na naka-imprenta sa baso na maaaring lagyan ng pangalan.
Ang mga cheese boards, serving boards at chopping boards nila ay maaari ding lagyan ng pangalan at ipang-regalo para sa mga kamag-anak at kaibigan, boss o empleyado, o kasamahan sa trabaho.
Presyo: Mula Php500 hanggang Php 1,700
Heartsy2Artsy
Nagsimula si Patricia Asperin-Dumo sa paggawa ng mga coasters para lang pampatanggal ng stress. Dahil artistic at creative, at may business side din siya, naipayo ng asawa niya na ibenta ito.
Dito sila nagsimulang gumawa ng mga personalized/customized coasters na pambenta, pangregalo ng mga kliyente nila. Gawa sa cork at pinipintahang isa-isa ni Patricia, mayroon silang online shop kung saan pwedeng tumingin ng mga disenyo, o magpagawa ng sariling gustong disenyo.
Presyo: Php50/piraso; Php250/set ng 6 na piraso
Instagram at FaceBook: Heartsy2Artsy
Viber: 0915-5261167
Email: [email protected]
Apron Dresses at Costumes
Celestina & Co. Pretty Little Things for Little Girls
Kakaibang gawa ang mga damit ni Ethel Cuerpo-Bernales, ng Celestina & Co. Ito ay mga adjustable apron tutu dresses na hindi makati sa katawan dahil pwedeng ipatong lang sa mga ordinaryong damit ng bata. Maganda ang kalidad at talaga namang cute at pang-espesyal na okasyon. Mayron din silang set ng hair accessories, hat at bowtie, at matibay na sapatos para kay baby.
Presyo: Damit: mula Php1,680 hanggang Php1,980 Hat at Bow Tie: Php680
Magbigay ng 10 business days kapag umorder, bago ang petsa kung kailan gustong matanggap.
Sapatos ni baby
Lil Rocketman ng Celestina & Co.
Gawa din ng Celestina & Co. ang sapatos na pang-baby ang Lil Rocketman shoes. Para ito sa mga infant-toddler at mga batang edad 2 hanggang 4 na taong gulang. Baby-safe at lightweight, dinisenyo ito para sa tropical weather. Pinakasikat ang Pilipinas design nila. Gawa ito sa 100% soft, supple leather para sa paa ni baby.
Presyo: 1,095
Para naman sa mga may bagong panganak na sanggol, at mga may anak na toddlers, magandang i-regalo ang Tula Baby Carriers. Mayroon silang Ergonomic Baby Carriers, Free-to-Grow Carriers, Toddler Carriers, Woven Wraps, Ring Slings, Baby Blankets, Infant Inserts at Free-to-Grow Extenders.
Ang Tula ay sinimulan ng mag-asawang Mike at Ula, mula sa ideyang nakita sa mga pamilya sa Peru at South America, at kung paano dinadala ng mga nanay sa kulturang iyon ang kanilang mga anak gamit ang tela lamang, habang nagtatrabaho.
Ang mag-asawa ay gumamit ng sling, at naranasan mismo ang mga benepisyo ng babbywearing. Nagsimula sila sa paggawa ng carriers at sling para sa kanilang anak, kamag-anak, kaibigan, hanggang sa naisipang gawin itong komersiyal.
Presyo mula Php 8,500
photo: Facebook
Librong Laruan
Si Jepoy Dyip
Para sa mga batang nag-aaral na sa Grade School, ang librong Jepoy Dyip ay book series na likha ni author at illustrator Jomike Tejido. Anim na libro ang nasa series, at bawat isa ay mababasa ang kwento, makakagawa ng iba’t ibang istruktura, at makapaglalaro gamit ito. Masayang “bonding activity” din ito para sa mga magulang at anak, at buong pamilya.
Ang mga libro ay tungkol kay Jepoy, isang driver ng school service gamit ang kaniyang dyip. Kapag pinag-sama-sama, makakabuo ng isang community. Samahan lamang ng glue stick at pambatang gunting at handa na ang regalo. May mga YouTube instructional videos si Jomike Tejido para turuan ang mga magulang at bata kung paano ito buuin.
Presyo: Php150 bawat isang libro; ang ika-anim na libro ay Php250
Pastries at Cookies
The Sweet Fairy Kitchen
Nagsimula lang din na hobby ni Pam Navarro ang pagbe-bake at pagluluto. Hanggang sa nag-desisyon siyang mag-aral na at lubusang pagbutihin ang paggawa ng mga pastries at cake.
Mayroong cutomized cakes, “Fatless” Angel Food Cake, Buchi na may Ube, Soft Chewy Fudgy Crinkles, Oatmeal Cookies, Dinner Rolls, Japanese Fluffy Cheesecake, Cream Puff, Soft Fluffy Ensaymada, Lecheroons, Salted Caramel Cake, at ang personal na paborito kong Brazo de Mercedes Cupcakes.
Presyo: Maaaring tawagan o i-message ang Sweet Fairy Kitchen sa +63 917 599 3260
Happy Ribbon Cookies & Sweets
Bagong business venture ng mag-asawang Dice at Chedell Piedad ang paggawa ng baked goodies. Ang Vanilla Cookies na may Lemon Icing nila para ngayong Kapaskuhan ay talaga namang napakasarap at may Paskung-Paskong disenyo.
Maaari ding gawing personalized, lagyan ng pangalan o humiling ng gustong disenyo para sa pagbibigyan o okasyon.
Presyo: Php140/box (4 piraso /box)
Minimum order na 5 kahon
Telepono: +63 917 829 3423
BASAHIN: Bakasyon Time! Mag-impake para kay baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!