TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Semana Santa 2025: Mga activities na maaring gawin ng buong pamilya ngayong holy week

6 min read
Semana Santa 2025: Mga activities na maaring gawin ng buong pamilya ngayong holy week

Para mas maging makahulugan ang inyong semana santa, narito ang mga holy week activities na maeenjoy rin ng mga bata at ng buong pamilya.

Semana santa 2025, paano mai-enjoy ng iyong pamilya? Narito ang ilang tips na maaring gawin.

Nag-iisip ng mga holy week activities na kung saan mae-enjoy at maiintindihan ng buong pamilya ang essence ng Semana Santa? Ito ang ilang ideya na makakatulong sa iyo!

Essence ng Semana Santa

Ang Holy Week o Semana Santa ang isa sa pinakahihintay na linggo ng mga Pilipino lalo na ng mga Katoliko. Ito ay dahil ang Holy Week ang linggo na kung saan inaalala ng marami sa atin ang sakrispisyong ginawa ng Diyos para sa mga tao. Ngayong taon ang holy week ay gaganapin mula April 13, 2025 hanggang April 20, 2025.

Maliban sa spiritual accomplishment na dala ng linggong ito, ang holy week din ang madalas na nagiging magandang pagkakataon para mabuo at magsama-sama ang isang pamilya.

Para nga mas maging masaya at meaningful ang Semana Santa 2025, may mga holy week activities na maaring gawin ang buong pamilya. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Semana Santa 2025: Holy week activities para sa buong pamilya

Pagdalo sa Palm Sunday o Palaspas

Simulan ang pagninilay-nilay ng buong pamilya ngayong Holy Week sa pamamagitan ng pagdalo sa Linggo ng Palaspas o Palm Sunday. Ang araw na ito ay nagsisilbing pag-alala sa pagsalubong ng mga tao kay Hesus ng magpunta siya sa Jerusalem.

Para sa mga Pilipino, ang pagkakaroon ng palaspas na may basbas tuwing Palm Sunday ay pinaniniwalaang nagbibigay rin ng swerte at nag-aalis ng malas sa isang tahanan. Ang palaspas ay madalas na gawa sa dahon ng niyog na may iba’t-ibang disenyo.

Pero para mas maging fun at meaningful ang araw na ito sa mga bata ay maaring hayaan silang gumawa ng handmade palm leaves. Gamit ang papel, scotch tape at popsicle stick na lalagyan ng kaunting drawing at disenyo ay siguradong maeenjoy ng mga tsikiting ang araw na ito.

holy week activities

Larawan kuha ni NIC LAW mula sa Pexels

Holy Week activities: Mag-Bisita Iglesia

Isa rin sa mga holy week activities na ginagawa ng mga Pilipino tuwing semana santa ay ang pagbibisita iglesia.

Ang pagbisita iglesia sa mga Pilipino ay ginagawa para ipagtirik ng kandila at ipagpasalamat ang mga problemang kanilang nalampasan.

Ito rin ay nangangahulugan ng pagpunta o pagsisimba sa iba’t-ibang simbahan sa bansa bilang paggunita sa mga ginawa ni Hesus para sa atin.

Ang pagbibisita iglesia ay maganda ring gawin ng pamilya bilang isang pagkakataon para magkasama-sama sa bagong lugar na maaring gawan ng mga bagong alaala.

Magandang oportunidad din ito para masaksihan ang iba’t-ibang paraan ng pag-alala ng semana santa sa magkakaibang panig ng bansa. Ang pagbibisita iglesia ay madalas na ginawa tuwing Huwebes at Biyernes Santo.

Pabasa ng Act of Resurrection ni Hesus

Isa narin sa nakasanayang gawin ng mga Pilipino tuwing Semana Santa ay ang pabasa o ang pagbasa ng kwento ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

Ngunit sa ngayon, dahil sa modernong panahon ay unti-unti ng nawala ang tradisyon na ito lalo na sa mga Manileño. Habang ipinagpapatuloy naman ito sa ibang lugar sa bansa tulad nalang sa mga probinsya.

Pero ang mensaheng ipinaparating ng pabasa ay sadyang napakaimportante. Kaya naman para maipaalam ito sa pamilya sa paraang maieenjoy nila ay maaring idaan ito sa play o story-telling.

Sa ganitong paraan ay magkakaroon pa ng bonding ang buong pamilya habang inaalala ang kahalagahan ng semana santa.

Holy Week activities: Panonood ng Senakulo

Isa pang tradisyon na ginagawa ng mga Pilipino tuwing Semana Santa ay ang Senakulo. Ito ay isang dula na nagpapakita ng hirap na pinagdaan ni Hesus bago siya maipako sa krus.

holy week activities- semana santa 2025

Larawan kuha ni INOCENTE SANCHEZ GUADARRAMA mula sa Pexels

Nagiging napaka-interesting ng dulang ito dahil sa mga taong ibinibigay ang kanilang best para ma-portray ang karakter na ginagampanan.

Mayroon ngang ibang nagsasadula na totoong nagpapako sa krus na naging panata na nila taon-taon tuwing Semana Santa.

Bukod naman sa entertainment na ibinibigay ng panonood nito sa buong pamilya ay naipapaliwanag din ng dula lalo na sa mga bata ang kahalagahan ng Semana Santa.

Pagpunta sa Moriones Festival

Ang pagpunta sa Moriones Festival ay isa rin sa mga holy week activities na ginagawa ng mga Pilipino.

Ang Moriones Festival ay isinasagawa sa probinsya ng Marinduque na paboritong puntahan din ng mga turista tuwing Semana Santa.

Ito ay dahil sa makukulay at ma-ekspresyong mga maskarang nagpapaalala sa mga Morion o mga sundalo noong panahon ni Hesu Kristo.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Maliban naman sa pagpunta sa Moriones Festival ay maari ding i-enjoy ng buong pamilya ang magagandang beach sa Marinduque para magswimming at magrelax.

Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday

Ang holy week activities naman ng buong pamilya ay hindi makukumpleto kung hindi ipagdiriwang ang Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Para sa mga Katoliko, ang Easter Sunday ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng isang “Salubong”. Ito ay isinasagawa rin sa pamamagitan ng isang dula na kung saan makikitang sinasalubong ng mga anghel ang muling pagkabuhay ni Kristo. Senyales din ito ng bagong umaga at pag-asa.

Para sa mga bata, maari din itong ipagdiwang sa pamamagitan ng pagdedecorate ng mga Easter eggs.

holy week activities - semana santa 2025

Larawan kuha ng RDNE Stock project mula sa Pexels

O kaya naman ay sa pamamagitan ng isang laro na kung tawagin ay Easter Egg hunt. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghahanap sa mga itlog na makukulay at may iba’t-ibang designs.

Maari ding gumamit ng mga plastic eggs na pwedeng lagyan ng candies at chocolates sa loob. Para mas maging fun at exciting ito sa mga bata.

Magbasa ng biblia at gumawa ng family reflection time

Ngayong Semana Santa 2025 ay maglaan ng oras kasama ang pamilya upang magbasa ng mga kwento sa Biblia, lalo na ang tungkol sa Pasyon ni Hesus. Kasama ang pamilya ay pagnilayan ang mga aral ng Semana Santa at magdasal nang sama-sama.

Ilan lamang ito sa mga holy week activities na maaring gawin ng buong pamilya ngayong Semana Santa. Para gawin itong meaningful at masaya. Pero tandaan na sa kahit anong bagay, basta sama-sama ang pamilya lahat ay maaring maging masaya.

At huwag ding kalimutang magdasal at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang natanggap. Hindi lang ngayong Semana Santa kung hindi sa araw-araw na ginawa niya.

Faith Gateway, theAsianParent

Basahin: What can we teach our kids about the Holy Week?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Semana Santa 2025: Mga activities na maaring gawin ng buong pamilya ngayong holy week
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko