Mommies, balak niyo bang magbakasyon kasama ang buong pamilya? Narito ang pinakahuling travel requirements dito sa Philippines ngayong panahon ng COVID-19.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pinakahuling IATF guidelines at travel requirements dito sa Philippines ngayong panahon ng COVID-19
- Ano ang mga kakailanganin kung balak mong magbakasyon kasama ang mga bata
- Tips para sa mga gustong magbakasyon ngayong panahon ng pandemya
Pagkatapos ng isang napaka-challenging na taon (ng pananatili sa bahay at online classes para sa mga bata), maraming pamilya na ang nasasabik na makapagbakasyon.
Bumalik na sa normal ang buhay sa ibang bansa, at nagsisimula na uling magpapasok ng mga turista. Samantala, dito sa Pilipinas, mataas pa rin ang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19. Bagama’t marami na ring magulang ang nababakunahan ng Covid-19 vaccine.
Kaya kahit mahigpit pa rin ang maraming lugar at mas mahirap na kaysa dati. Maaari pa ring magbakasyon ang pamilya, basta’t susunod lang sa safety guidelines at protocols na ipinatupad ng pamahalaan at ng mga pasyalan.
Subalit bago mo planuhin ang bakasyong inaasam-asam ng buong pamilya. Alamin muna ang pinakahuling travel requirements at restrictions na ipinatupad ng IATF.
Travel requirements sa Philippines ngayong panahon ng Covid
Ayon sa Inter-agency Task Force o IATF, narito ang ilang pinakabagong travel restrictions sa Pilipinas (as of June 2021) ngayong panahon ng pandemya:
- Para sa mga taong nakatira sa lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ. Tulad ng Metro Manila at mga malapit na bayan (NCR Plus) ay maaari nang magbiyahe sa mga lugar na may Modified General Community Quarantine o MGCQ ang mga bata at matatandang edad 65 pataas. Subalit kailangan nilang sumailalim sa RT-PCR test at mga alituntunin ng Department of Tourism (DOT) at mga local government units (LGUs).
- Ang mga restaurant sa mga lugar na nasa GCQ ay maaari nang mag-operate ng 20% capacity sa dine-in at 50% capacity kung sa labas o outdoor ito.
- Para naman sa mga outdoor tourist attractions. Pinapayagan na ring mag-operate ng 30% capacity habang ipinapatupad ang striktong minimum public health standards (pagsusuot ng face mask at social distancing)
- Ang mga indoor na tourist attractions ay hindi pa rin pinapayagang mag-operate.
- May mga specialized markets ang DOT tulad ng Staycations na walang age restrictions ang pinapayagan mag-operate basta sila ay sumunod sa protocols at restrictions na ipinapatupad ng DOT.
Tips para sa mga gustong magbiyahe ngayong panahon ng pandemya
Kung binabalak mong magtravel kasama ang iyong pamilya sa mga susunod na buwan, makakatulong ang mga tips na ito para maging handa ka sa inyong pinaplanong bakasyon.
-
Magpabakuna muna!
Kung balak mong magbiyahe sa ibang bansa. Mas makakabuti kung magpapabakuna ka muna ng COVID-19 vaccine para sa inyong kaligtasan. At dahil may mga bansa na nire-require ito para makapasok sa kanilang lugar.
Pero kung magbibiyahe lang dito sa Pilipinas, alamin muna ang protocols at requirements ng lugar na iyong pupuntahan. Lalo na kung kailangan nila ng katunayan na nakatanggap ka na ng COVID-19 vaccine.
Kung nakapagpabakuna ka na, maging handa na ipakita ang iyong vaccination card bilang katunayan na mayroon ka nang kumpletong doses ng Covid-19 vaccine.
Makakabuti kung aalamin mo muna ang travel guidelines ng inyong destinasyon. Para makumpleto ang lahat ng travel requirements bago ang inyong byahe. May mga bansa na humihingi ng negative na RT-PCR test results para makapasok sa kanilang lugar.
-
Panatilihing ligtas ang pamilya sa inyong flight
Kung kaya ng budget niyo, pwedeng i-upgrade ang inyong flight mula Economy sa business class para mabawasan ang exposure sa ibang tao. Mas malawak ang lugar, mas kaunti ang tao, at mas mabilis kayong makakababa ng eroplano kaya maiiwasan ang posibilidad na mahawa ng virus.
Pero kung hindi ito option, tandaan na lang ang mga safety guidelines na ito pagsakay ng eroplano:
-
- Magsuot ng mask sa kabuuang oras na nasa loob ng eroplano, at magpalit ng mask every 2 hours.
- Panatiliing bukas ang air vent sa iyong lugar para makatulong sa air circulation.
- Gumamit ng alcohol o hand sanitizer kapag tatanggap ng anumang bagay mula sa flight attendant. Ganoon din kapag pagkatapos gumamit ng bathroom sa eroplano.
BASAHIN:
Best car seat: Top 7 baby car seats para masiguradong safe si baby when traveling
-
Dalhin ang iyong alcohol at hand sanitizer sa lahat ng oras.
Kung sasakay ka ng eroplano, pipindot ng button sa elevator, o bababa sa isang lugar para mag stopover, siguruhing mayroon kang alcohol o hand sanitizer sa iyong bag at gamitin ito lagi. Mas mabuti nang maging maingat kapag nagbibiyahe dahil hindi mo alam kung nasaan ang virus.
-
Mas mabuti kung mayroong private accommodation.
Kung sanay kang mag-stay sa mga hotel o malalaking resort tuwing nagbabakasyon. Makakabuti kung pipiliin mo munang sumubok ng mas maliit at mas pribadong accommodation.
Magbook ng isang buong bahay o apartment para sa buong pamilya. Sa halip na mag-stay sa isang malaking hotel na maraming tao. Mas magkakaroon kayo ng privacy at maiiwasang makuha ang virus mula sa hindi niyo kakilala.
-
Piliin ang outdoor na pasyalan.
Nasubukan niyo na bang mag-camping bilang isang pamilya? Kung hindi pa, maari niyo nang subukan ito ngayon.
Mas nabubuhay kasi ang virus sa mga lugar na sarado at enclosed, at mas nahihirapang magtravel sa mga lugar na may open air.
Dahil dito, ipinagbabawal pa ng IATF ang pagpunta sa mga indoor tourist attractions habang pwede namang mag-operate ang mga outdoor na pasyalan.
-
Magrent ng pampribadong sasakyan.
Kung hindi kayo makakapagdala ng sariling sasakyan sa lugar na inyong pupuntahan, i-consider ang mag-rent ng pribadong sasakyan para sa buong pamilya. Maaring mas mahal ito kaysa gumamit ng pampublikong transportasyon, subalit mas maiiwasan naman ang exposure sa virus.
-
Umiwas sa matataong lugar.
Ang pagpapanatili ng physical distancing ay mahalaga para maprotektahan ang buong pamilya kapag nasa labas. Kung dadalhin ang iyong mga anak sa mga pampublikong lugar, alamin ang mga oras na wala masyadong tao para mabawasan ang exposure.
-
Kung mahaba ang inyong bakasyon, pag-isipang kumuha ng travel insurance.
Ang pagkakaroon ng travel insurance sa mahahabang bakasyon at malalayong lugar ay isang travel essential, pero lalong mahalaga ngayong panahon ng Covid. Makakatulong ito sa inyong gastos at seguridad kung sakaling mayroon mang aberyang mangyari sa inyong biyahe.
Tanungin ang inyong airline tungkol dito o kaya naman kumonsulta sa mga travel agency para malaman kung paano makakakuha nito.
-
Alamin kung ano talaga ang gusto niyong gawin.
Makakatulong rin ang pagpaplano nang maayos at paggawa ng itinerary ng inyong bakasyon para makaiwas sa mga biglaang pangyayari na maaring makaapekto sa inyong kaligtasan habang nagbabakasyon.
Tanungin ang bawat miyembro ng pamilya kung saan nila gustong pumunta o anong gusto nilang gawin, nang sa ganoon ay maplano niyo nang mabuti, at maging masaya, ligtas at sulit ang inyong pagbibiyahe.
-
Magbook nang maaga.
Hindi ipinapayo ang mga biglaang lakad ngayong may pandemya. Karamihan sa mga pasyalan at resorts ay may polisiya na “reservation only” sa pagtanggap ng guests. Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng bawat tao sa kanilang lugar.
Karamihan rin ng mga bayan dito sa bansa ay humihingi ng katibayan o resibo mula sa inyong pupuntahang lugar bago kayo patuluyin sa kanilang lugar.
Kaya kung gusto niyo talagang magbiyahe, mas mabuti kung magbook nang maaga sa lugar na pupuntahan niyo para malaman niyo rin kung ano ang mga travel requirements sa lugar na iyon.
-
Maging wais sa paggastos.
Bagamat matagal na panahon ang inyong hinintay para makapagbiyahe ulit, maging wais pa rin sa inyong paggastos habang nagbabakasyon. Tandaan, mahirap ang buhay ngayong panahon ng pandemya. Kaya mas makabubuti kung pag-iipunan ang inyong biyahe at magkakaroon ng limitasyon sa inyong paggastos para hindi mag-over the budget.
Isipin rin kung ano ang mga bagay na gusto mong pagkagastusan para sa kaligtasan at kalusugan ng iyong pamilya. Halimbawa, mas mahal ang pribadong accommodation, pero mas ligtas naman ito sa para sa iyong mag-anak.
Kung wala masyadong budget para sa malayong destinasyon at air fare. Pwede namang mag-road trip na lang at pumunta sa beach sa mas malapit na lugar.
-
Alamin kung paano poprotektahan ang sarili habang nasa labas.
Para masigurong ligtas ang pamilya habang nasa mga pampublikong lugar, siguruhing napoprotektahan kayo ng inyong kasuotan.
Bukod sa laging pagdadala ng alcohol at hand sanitizer, alamin rin kung anong klase ng face mask (at face shield) ang komportable kayong suotin nang matagal.
Sanayin rin ang mga bata na magsuot ng face masks at huwag itong alisin basta-basta.
Kahit may bakuna ka na, mas mabuti pa ring makasiguro sa pamamagitan ng pagsuot ng proteksyon. Ganoon din ang pagpapanatili ng social distancing sa lahat ng oras.
Tandaan: Kung magdedesisyon kayong magbiyahe ngayong panahon ng pandemya, planuhin nang maigi. Alamin ang mga kailangang travel requirements para hindi magkaroon ng anumang aberya at malagay sa alanganin ang kaligtasan ng buong pamilya.
Sources:
Healthline, Official Gazette PH, Philippine Airlines, Department of Tourism