Nagbigay ng babala ang cybercrime experts sa mga inaasahang travel-related scams ngayong summer break. Narito ang listahan ng iba’t ibang travel scams na dapat iwasan.
Travel scams asahang talamak ngayong summer break
Ngayong bakasyon, inaasahan na marami sa atin ang pupunta sa mga travel desitnation sa ating bansa o kaya naman out of the country.
Dahil inaasahang marami ang magta-travel ngayong summer break, nagbigay babala sa publiko ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC). Tungkol sa mga travel-related scams na posibleng ma-encounter natin.
Naglabas ang CICC, attached agency ng Department of Information and Communications Technology, gayundin ang Department of Transportation at advocacy group na Scam Watch Pilipinas, ng listahan ng mga travel scams na dapat iwasan.
Ayon kay CICC Executive Director Usec. Alexander Ramos, maging maingat sa pagtanggap ng mga travel offer na “too good to be true” dahil dito umano nagsisimula na ma-scam ang mga tao.
Aniya, “Diyan nag-uumpisa pagiging biktima, hindi natin iniisip ang safety, basta lang maka biyahe, maka book, makahanap ng mura, akala nila yun na yun.”
Saad naman ng co-founder ng Scam Watch Pilipinas, mag-ingat din sa pag-bu-book ng hotel reservations. Naibahagi niya rin na may nangyari umano sa isang babae na nag-book ng hotel sa Boracay pero pagdating sa lugar ay wala naman daw booking.
“Pagpunta mo doon wala ka booking. Nangyari ito lately sa isang babae nagpunta Boracay. Nagbayad P105,000 para sa pamilya, pero pagdating doon walang booking,” kwento ni Samaniego.
Mag-ingat sa mga sumusunod na travel scams:
- Too-good-to-be-true deals
- Fake accommodation
- Overpriced tours
- Fake wifi or public wifi na pwedeng ma-hack
- Charity cons
- Fake taxi
- “Free” vacation trap
- Hidden CCTVs
- Fake SIMS
- Counterfeit cash
- Fake travel agents
- Fixers
- Cheap airline tickets na nabibili sa social media
- Pagbebenta ng lost luggage sa online platform
Bukod sa mga ito ay marami pa umanong travel scams na pwedeng makabiktima. Lalo na at high-tech na ang panahon ngayon at mayroon na ring mga AI na pwedeng gamitin sa pang-i-scam. Kaya naman babala ng grupo, na maging maingat at huwag basta-basta maniwala sa messages na natatanggap mula sa mga hindi kilalang tao o sa mga cheap offer na makikita sa social media.