Trina Candaza, ibinahagi sa kaniyang Instagram account ang naging journey sa pagbubuntis sa baby nila ni Carlo Aquino na si Enola Mithi.
Trina Candaza and Carlo Aquino baby
Nitong nakaraang linggo ay ginulat ni Carlo Aquino ang mga netizen ng magbahagi ito ng larawan ng mukha ng isang sanggol sa kaniyang Instagram account. Sa caption ng kaniyang Instagram post ay naka-tag ang girlfriend nitong si Trina Candaza at nabanggit ang pangalang Enola Mithi Aquino.
Ito ang caption ng post ni Carlo Aquino.
“You can thank your stars all you want but I’ll always be the lucky one” Enola Mithi Aquino @trinacandaza
Hindi man deretsong nagbigay ng detalye ang aktor sa post niyang ito ay nakatanggap naman ito ng congratulations comments sa kaniyang mga kaibigan sa industriya ng showbiz. Dahil ang aktor ganap ng isang ama sa first baby nila ni Trina Candaza na kanilang ipinangalanan na Enola Mithi.
Maraming nagulat at natuwa sa bagong yugto ng buhay na ito ni Carlo Aquino. Sapagkat pinili nilang isapribado ang pagbubuntis ng kaniyang non-showbiz girlfriend na si Trina. Hanggang sa nitong Setyembre 13 nga’y hindi niya na naitago ang kaniyang saya at ibinahagi na sa publiko ang magandang balita.
Trina Candaza’s pregnancy journey
Kahapon sa pamamagitan ng isang video sa Instagram ibinahagi naman ni Trina ang kaniyang naging journey sa pagbubuntis. Ginamit niya rin itong pagkakataon para pasalamatan ang mga taong tumulong at umalalay sa kaniya noong mga panahong siya ay nagbubuntis pa lamang.
“Thank you to all the people who have been part of my pregnancy and respected our privacy. To My friends, thank you for always visiting me, even if I’m 30km away 😅. To my Family, thank you for always being there 🤗 to Pem thank you for cooking everything that I crave! 😂 and to Love, thank you for working hard 🤗”
Ito ang caption ng pagpapasalamat na mensahe sa video sa kaniyang Trina.
View this post on Instagram
Sa naturang video ay makikita si Trina habang hinihimas ang kaniyang baby bump. Ang mga intimate moment niya kasama si Carlo Aquino. Noong ni-reveal niya sa kanilang family ang gender ng kaniyang ipinagbubuntis na isang babae. Ang naging celebration ng kaniyang 24th birthday habang siya ay buntis. Mga pregnancy ultrasound at checkups niya. Pati na kung paano siya tinutulungan ni Carlo sa pagsasampay ng mga baru-baruan ng baby bilang paghahanda sa pagdating ng kanilang sanggol. Makikita rin sa video ang mga unang oras ng baby nilang si Enola Mithi sa mundo. Pati na kung paano nila ito ipinakilala sa kanilang mga alagang pusa.
Kailan nalamang siya’y buntis at anong pinaglihian niya
Samantala, sa isang Instagram account naman na nakapangalan sa kanilang anak na si Enola Mithi ay ibinahagi naman ni Trina kung kailan niya nakumpirma na siya’y buntis.
Ayon sa post ay 5 weeks ng buntis si Trina ng makumpirma niyang siya ay nagdadalang-tao. Ito’y noong January 8, 2020. Bago umano nila nakumpirma na siya’y buntis, nakaranas na ng food cravings si Trina. Ang gusto niya umano kainin noon ay strawberries na kahit hating-gabi na ay pinabibili niya pa si Carlo Aquino.
“By the time I was confirmed. I was already 5 weeks old. While on their xmas vacation in Japan though, I was bugging mom to eat more strawberries and make dad go to the local grocery in the middle of the night to get some.”
Maliban doon ay nabago umano ang sleeping pattern ni Trina na dahilan upang makatulog ito habang nagsiya-shopping sa bakasyon nila sa Japan. Uminom ng sake sa selebrasyon ng New Year’s Eve sa kanila pa ring bakasyon.
“I was also disrupting moms sleeping pattern so when they were shopping, mom was sleeping in the middle of the shop. Oh before I forget to mention my mom was also drinking sake New Year’s Eve in Japan. 😂.”
View this post on Instagram
Trina Candaza and Carlo Aquino’s relationship
Ngayon sa kanilang Instagram account ay nagbahagi na sila Trina at Carlo ng buong larawan ng kanilang sanggol na si Enola Mithi.
View this post on Instagram
A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza) on
May larawan rin sa Instagram ni Trina na makikita si Carlo na karga ang kanilang baby habang ito ay pinapaarawan.
Matatandaang naging mainit na usap-usapan noong nakaraang taon ang relasyon ni Trina Andaza at Carlo Aquino. Ito’y matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng dalawa na magkasama. Habang iniuugnay rin noon ang aktor sa dati nitong ka-loveteam na si Angelica Panganiban. Pero ang aktor hindi nagtago at inamin sa publiko ang estado ng relasyon nila Trina. Bagama’t humingi rin siya ng tawad at paumanhin sa mga tao umanong nasaktan niya.
BASAHIN:
LOOK: Lara Quigaman, nanganak na!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!