X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Trina Candaza won't delete pictures of Carlo Aquino: "Para paglaki ni Mithi, may babalikan siyang memories."

5 min read
GIFTrina Candaza won't delete pictures of Carlo Aquino: "Para paglaki ni Mithi, may babalikan siyang memories."

Trina wala raw lovelife sa ngayon at umaasang kung sakaling may dumating ay ito na ang the one para sa kaniya.

Trina Candaza hindi parin binubura ang pictures ni Carlo Aquino sa social media accounts niya. Paliwanag ni Trina ito daw ay para sa future ng anak niyang si Mithi.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Dahilan ni Trina Candaza sa kung bakit hindi parin niya binubura ang pictures ni Carlo Aquino sa social media accounts niya
  • Trina Candaza sumagot sa humihiling na maayos ang relasyon kay Carlo Aquino
  • Relasyon nina Trina Candaza at Carlo Aquino

Dahilan ni Trina Candaza sa kung bakit hindi pa rin niya binubura ang pictures ni Carlo Aquino

trina candaza with mithi and carlo aquino

Larawan mula sa Facebook account ni Trina Candaza

Nitong nakaraang araw ay nagpaunlak si Trina Candaza na sumagot sa mga tanong ng mga netizens para sa kaniya. Isa nga sa mga naging tanong sa beautiful single mom ay kung bakit hindi niya pa binubura ang mga pictures ni Carlo Aquino sa social media accounts niya.

Advertisement

“Baket di mo tanggalin pic ni C sa Insta mo?”

Ito ang tanong ng netizen sa Q&A na pinaunlakan ni Trina sa IG stories niya. Sinagot naman ito ni Trina na nagsasabing ito ay para sa kapakanan ng anak niya.

“Para paglaki ni Mithi may babalikan siyang memories namin ng papa niya,” sagot ni Trina.

Sa IG stories pa rin, ay natanong si Trina sa kung paano niya sasabihin sa anak ang nangyari sa kanila ng ama nito. At kung bakit hindi na sila nagsasama sa ngayon bilang isang pamilya.

“How will you tell Mithi on why her mom and dad are not living together?”

Ito ang natanong sa kaniya ng isa pang netizen.

Sabi ni Trina, ang sasabihin niya sa anak ay may isa sa kanila ni Carlo ang hindi pa sigurado at naiintindihan ang commitment ng pagbuo ng pamilya.

“Because one of us wasn’t sure and didn’t understand the commitment of starting a family.”

Dagdag pa niya, mahalaga na malaman ito ng anak. Ito ay para sa oras na pumili na siya ng taong aasawahin at bumuo ng sariling pamilya ay masiguro niyang hindi na mauulit sa mga anak niya ang naranasan niya.

“So when time comes to choose the dad of her future kids, I hope she chooses someone who has good values, believes in marriage, and loves her more than she loves him. So her child will not be in the same situation that she is.”

Ito ang sabi pa ni Trina.

Ibinahagi rin ni Trina na sa ngayon ay wala siyang lovelife. Pero umaasa siya na sa oras na may dumating na lalaki sa buhay niya ay sana ito na ang the one para sa kaniya.

“No lovelife ngayon, pero sana soon ‘yong sunod na dumating yun na talaga”, sabi pani Trina.

Trina Candaza sumagot sa humihiling na maayos ang relasyon kay Carlo Aquino

trina candaza with mithi

Larawan mula sa Facebook account ni Trina Candaza

Minsan naring nasabihan si Trina na sana ay may posibilidad pang magkabalikan sila ni Carlo Aquino. At sana malagpasan nila ang pagsubok na pinagdadaanan ng kanilang relasyon.

“Sana magkaayos na kayo ni Kuya Carlo. Alam ko mahal niyo pa isat isa pag subok lang yan malalagpasan niyo rin para kay baby kalimutan ng past at magsimula uli. God bless.”

Ito ang nasabi ng netizen kay Trina.

Sinagot naman ito ni Trina Candaza at ipinaliwanag kung bakit malabo nang muli silang magkabalikan at maayos ang kanilang relasyon ni Carlo. Ayon kay Trina, may mga tao raw na suportado ang pagiging single ng isang tao. Ito’y sa kabila ng pagkakaroon nila ni Carlo ng anak na si Enola Mithi.

“Mahirap na po magkabalikan lalo na kung ‘yong mga taong nakapaligid, support sa pagiging single ng tao na para bang walang batang nawalan ng buong pamilya.”

Relasyon nina Trina Candaza at Carlo Aquino

Samantala, si Carlo Aquino naman sa kaniyang Instagram account ay nag-sheshare rin ng mga moments niya kasama ang anak nila ni Trina na si Mithi. Kamakailan nga lang ay makikitang karga niya ang anak sa isang larawan habang hinahalikan ang ulo nito. Ang post niyang ito ay may caption na, ‘Thankful that you’re mine.’

carlo aquino mithi

Larawan mula sa Facebook account ni Carlo Aquino

Sa isa pang IG post ni Carlo ay makikitang masaya silang nagtatawanan ni Mithi. Ito ang caption naman ng post niya, ‘Kayamanan sa puso ko ang iyong mga halakhak.’

Si Carlo at Trina ay nagkasundo na magkaroon ng maayos na co-parenting relationship para sa anak nilang si Mithi.

Matatandaang nitong Abril sa panayam ng ‘TV Patrol’ kay Carlo Aquino ay inamin niyang sila ay hiwalay na ni Trina Candaza makalipas ang tatlong taon na pagsasama.

“Nag-separate na kami this year lang actually.”

“Nag-uusap kami, and every once in a while, nahihiram ko si Mithi. But syempre, dahil nga pandemic pa din, ‘yong safety muna niya [iniisip ko] ‘pag ka may trabaho ako or katulad nito, lumalabas ako, maghihintay ako ng ilang days.”

Ito ang sabi ni Carlo sa naging panayam sa kaniya.

Instagram

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Trina Candaza won't delete pictures of Carlo Aquino: "Para paglaki ni Mithi, may babalikan siyang memories."
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko