X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Trina Candaza at Carlo Aquino, muling nagkasama sa birthday ni Mithi!

4 min read
LOOK: Trina Candaza at Carlo Aquino, muling nagkasama sa birthday ni Mithi!

Kahit hiwalay na ay maayos pa rin ang turingan nina Carlo at Trina para sa kanilang anak na si Mithi.

Aktor na si Carlo Aquino ay reunited muli sa dating karelasyon nitong si Trina Candaza para sa 2nd birthday ng kanilang baby girl na si Mithi.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Trina Candaza and Carlo Aquino reunited for the birthday of Mithi
  • Carlo Aquino and Trina Candaza’s break-up story
  • Trina Candaza’s advice to her daughter Mithi

Trina Candaza and Carlo Aquino reunited for the birthday of Mithi

Nakita sa mga Instagram post at stories na magkasama muli ang dating magkarelasyon na si Carlo Aquino at Trina Candaza.

Sa personal Instagram account ni Trina, ibinahagi niya ang ilan sa kaganapan sa party sa kaniyang stories nitong Huwebes lamang. Nakita dito ang family photo nila kung saan kasama si Carlo Aquino at ang nag-iisa nilang baby girl na si Enola Mithi. Makikita dito na karga-karga ni Carlo Aquino ang kanilang supling.

Natagpuan din ang kanilang mga larawan nang mag-post ang isang party’s cake provider ng set ng kanilang photoshoot. Dito naging sweet ang pamilya at makikitang pareho nilang hinahalikan ang pisngi ni Mithi.

Kasabay nito, cute na cute namang mapapanood din sa video na shinare ni Trina na nagbo-blow ng cake si Mithi habang masaya siyang kinakantahan ng birthday song. Caption ni Trina, mahal na mahal niya si Mithi higit kanino man.

“Happy birthday, my love. I love you more than anything in this world.”

carlo aquino and trina candaza reunited

Carlo Aquino on his baby girl’s 2nd birthday | Larawan mula sa Instagram account ni Carlo Aquino

Hindi rin nagpahuli sa pagbati si Carlo Aquino para sa kanyang unica hija. Pinost niya rin sa kaniyang Instagram account ang dalawang larawan nila ni Mithi kung saan sinabi niya ritong ‘wrapped in love’ siya.

“Have I told you yet today how much I love you? Wrapped in love.”

Carlo Aquino and Trina Candaza’s break-up story

carlo aquino trina candaza with mithi

Carlo Aquino and Trina Candaza’s break-up story | Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Matatandaan na binigla ang mga netizens ng aktor na si Carlo Aquino at dating karelasyon nitong si Trina Candaza sa mga ispekulasyon na hiwalay na raw sila sa bungad na kasalukuyang taon. Naging usap-usapan ito dahil sa mga post ni Trina Candaza na tila may pinatatamaang isang babae.

Sa Facebook post niya kasi ay may pinatungkulan siyang lalaki na pumupunta raw sa ibang babae. Nagbigay siya ng payo patungkol sa mga kasintahan daw na sakit sa ulo.

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…. ‘Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yong jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na ‘yan magbabago.”

Dagdag pa niya, “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya ‘pag wala ka na sa kaniya.”

Apat na buwan mula ng isyu ay inamin na ni Carlo Aquino na hiwalay na nga sila nitong Abril 2022.

Kinumpirma ng aktor ang hiwalayan sa isang interview niya sa ‘TV Patrol’.

“No na. Nag-separate na kami this year lang actually.”

carlo aquino trina candaza reunited

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Dahil sa pagputok ng isyu ng hiwalayan, hindi tuloy maiwasan ng mga netizens na magtanong kung posible pa bang magkabalikan ang dalawa. Sinagot naman ito ni Trina na mahirap na raw dahil suportado raw ng mga nakapaligid kay Carlo ang pagiging single nito,

“Mahirap na po magkabalikan lalo na kung ‘yong mga taong nakapaligid, support sa pagiging single ng tao na para bang walang batang nawalan ng buong pamilya.”

Sa kabila ng kanilang hiwalayan, hindi naman daw nila kinalimutan na maging mabuting magulang at co-parenting kay Mithi. Maayos daw sila nagkakausap upang mahiram niya ang anak sa panahon na hindi siya busy.

“Nag-uusap kami, and every once in a while, nahihiram ko si Mithi. But syempre, dahil nga pandemic pa din, ‘yong safety muna niya [ang iniisip ko] ‘pag ka may trabaho ako or katulad nito, lumalabas ako, maghihintay ako ng ilang days.”

Trina Candaza’s advice to her daughter Mithi

May payo naman si Trina sa kanyang anak na si Mithi paglaki nito. Ayon sa kanya, gusto niya raw ikuwento sa anak na hindi pa handa para sa commitment ng pagpapamilya kaya naghiwalay sila. Gusto niya rin itong paalalahanan na pumili ng mabuting partner. Ito ay upang hindi siya mauwi sa parehong kalagayan na nagkaroon ng broken family.

“So when time comes to choose the dad of her future kids, I hope she chooses someone who has good values, believes in marriage, and loves her more than she loves him. So her child will not be in the same situation that she is.”

Sa ngayon ay maayos na magkasama na si Trina at baby na si Mithi sa iisang bahay. Ito ay noong mag-umpisang humiwalay na sila kay Carlo Aquino nitong Enero ngayong taon.

Instagram

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Ange Villanueva

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Trina Candaza at Carlo Aquino, muling nagkasama sa birthday ni Mithi!
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.