TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Carlo Aquino kumanta na sa hiwalayan kay Trina Candaza: 'Nag-separate na kami this year lang'

4 min read
Carlo Aquino kumanta na sa hiwalayan kay Trina Candaza: 'Nag-separate na kami this year lang'

Sa wakas ay inamin na ni Carlo Aquino na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Trina Candaza, matapos ang ilang buwang espekulasyon.

Sa wakas ay inamin na ni Carlo Aquino na break na sila ng kanyang girlfriend na si Trina Candaza. Ito’y matapos ang ilang buwan na espekulasyon tungkol sa relasyon ng dalawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pahayag ni Carlo sa break up kay Trina
  • Cryptic post ni Trina
  • Pagbukod nina Trina at Mithi kay Carlo
  • Love story nina Carlo at Trina

Pahayag ni Carlo sa break up kay Trina

Sa interview ng ‘TV Patrol’ kay Carlo sa press conference ng kanyang bagong Kapamilya series, inilantad ng aktor na ngayong taon tuluyang naputol ang relationship nila ni Trina.

“No na. Nag-separate na kami this year lang actually.”

Ngunit sa kabila ng kanilang paghihiwalay, maayos naman ang kanilang co-parenting setup para sa kanilang anak na si Mithi.

“Nag-uusap kami, and every once in a while, nahihiram ko si Mithi. But syempre, dahil nga pandemic pa din, ‘yong safety muna niya [iniisip ko] ‘pag ka may trabaho ako or katulad nito, lumalabas ako, maghihintay ako ng ilang days.”

Sa YouTube vlog ni Trina, nabanggit niya na minsang pumupunta si Carlo para mahiram ang kanilang baby, at tuwing magkasama ang mag-ama ay sinusulit ni Trina ang oras para matapos ang kanyang mga trabaho at gawaing bahay.

trina carlo break up

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Cryptic post ni Trina

Hindi naman dinetalye ni Carlo ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Trina, ngunit matatandaan na mayroong naging cryptic post si Trina na nagpasimula ng ilang usap-usapan sa lamat sa kanilang relasyon.

Sa Facebook post ni Trina noong January 2022, nagpatama siya tungkol sa lalaking pumupunta raw sa ibang babae. Bagamat walang pinangalanan si Trina sa naturang post, maraming netizen ang napaisip at inugnay ito kay Carlo.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.”

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…. ‘Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yong jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na ‘yan magbabago.”

Pagbukod nina Trina at Mithi kay Carlo

Matatandaan din na sa unang buwan ng 2022 ay tuluyang nang humiwalay ng tirahan si Trina kay Carlo. Kung saan sinama niya rin sa nilipatang condo ang kanilang anak na si Mithi.

Nakumpirma ito sa isang vlog ni Trina kung saan pinasilip ng modelo ang kanyang condo na titirahan kasama ang kanyang baby.

“Bago na ‘yung tinitirhan namin and dito ko pinili kasi, if ever na mag-face to face, at least, malapit na lang ako sa school at mabilis akong makauwi kay Mithi.”

Binahagi din ni Trina ang kanyang mga struggles dahil maraming nakapansin na pumapayat siya. Lahad ng ex-girlfriend ni Carlo, hindi niya intensyon na magbawas ng timbang, at dulot daw ito ng stress at kanyang pagpapa-breastfeed.

“Everything siguro naga-add up na and hindi na kinakaya nung katawan ko na mag-gain pa ng weight. Pero anyway, this 2022, ayun ‘yong goal natin. Kailangan kong magpataba ngayon.”

trina carlo break up

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

BASAHIN:

Trina Candaza on being a mom: “Sa mga life decisions ko, hindi na laging para sa akin lang, kasama na rin si Mithi”

Angeline Quinto at kaniyang boyfriend, happy expectant parents sa kanilang baby boy

Trina Candaza ibinahagi ang paghiram ni Carlo Aquino sa kanilang anak

Love story nina Carlo at Trina

Sa interview ni Erich Gonzales kay Carlo, kinuwento ng aktor kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan ni Trina matapos niya itong makita sa isang car show.

Kwento ni Carlo, nakita niya noon si Trina sa isang event sa World Trade Center sa Pasay. Sa dinami-daming nagagandahang babae sa car show, si Trina ang una niyang napansin dahil sa ganda ng mata nito.

Kaagad namang nagpa-picture si Carlo kay Trina, at dahil talagang tumibok ang puso ng ABS-CBN star ay nag-stalk siya sa Facebook account ni Trina at doon na nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan.

“Kinuha ko iyong number niya, nilabas ko siya, nag-Greenhills kami, tapos nagdire-diretso na.”

Naisapubliko ang relasyon ng dalawa noong September 2019 matapos mag-post sa Instagram story ang aktor ng larawan kasama si Trina.

Nagkaroon pa ng isyu nang madamay ang ex-girlfriend ni Carlo na si Angelica Panganiban. Kung saan inamin din naman dati ni Carlo na nagkaroon siya ng pagkakamali at posibleng napaasa niya si Angelica.

Isang taon naman ang nakalipas ay masayang binahagi ni Carlo ang pagiging tatay niya nang isilang ni Trina si Mithi taong 2022 nang ipasilip niya ang mukha ng kanilang supling.

Mensahe ni Carlo nang ipanganak si Mithi, “You can thank your stars all you want but I’ll always be the lucky one.”

trina carlo break up

Larawan mula sa Instagram account ni Carlo Aquino

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Carlo Aquino kumanta na sa hiwalayan kay Trina Candaza: 'Nag-separate na kami this year lang'
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko