X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Tuesday Vargas successful din bilang wedding coordinator: “Lahat ng artista, dapat may fall back talaga.”

4 min read

Tuesday Vargas hindi lang basta nagpapatawa, nagpapataba rin ng mga puso ng mga ikinakasal sa mga wedding na ini-organize niya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Tuesday Vargas as a wedding coordinator.
  • Life story ni Tuesday Vargas.

Tuesday Vargas as a wedding coordinator

Kilala si Tuesday Vargas bilang isang mahusay na komedyante. Pero maliban pala dito, si Tuesday hindi lang basta nagpapatawa ng mga tao sa kaniyang mga jokes. Siya ay isa ring sought after wedding coordinator na nagbigay sa maraming mag-asawa ng katuparan ng kanilang mga dream weddings.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Tuesday nagsimulang mag-excel sa larangang ito sampung taon na ang nakararaan. Siya ay nagmamay-ari ng events planning at styling company na Weddings by TV.

Kuwento ni Tuesday sa isang panayam sa kaniya sa GMA Kapuso Insider, nagsimula ang ideya na maitayo ang negosyo niyang ito sa gitna ng kasagsagan ng career niya sa pagiging artista.

“Mag-10 years na sa September yung Weddings by TV. It’s a sole proprietorship. I established it on my own while having doubts kung tutuloy ko pa yung showbiz career ko or what.”

“Nakakaloka na I was on the peak of my career when I launched the business. I had a minimum guarantee from another network I have 3 shows sobra kong pagod. Tapos I decided na out of nowhere sabi ko parang kailangan ko na ng isa pa na gagawin.”

tuesday vargas wedding coordinator

Larawan mula sa Instagram account ni Tuesday Vargas

Ganito daw kung paano nagsimula ang pagiging wedding coordinator ni Tuesday Vargas at ang kaniyang kompanya.

Tulad ng pagiging professional na artista at comedian, si Tuesday bigay todo rin daw sa pagiging wedding coordinator. Very hands-on daw siya sa mga events na hinahawakan niya kahit ito ay sa labas ng Maynila.

“Everything na ginagawa ko hindi lang sa showbiz lalo na yung negosyo talagang nakasawsaw ako dun, Sobrang hands-on ako.”

“First in, last out ako. Kapag out of town nandoon talaga ako, pinupuntahan ko talaga”, sabi pa ni Tuesday.

tuesday vargas wedding coordinator

Larawan mula sa Instagram account ni Tuesday Vargas

Dahil paniniwala niya umano, mahalaga na sa kahit anong bagay o larangan ay ibigay niya ang best niya. Lalo na sa pagbibigay ng best wedding para sa mga kliyente niya.

“I take days off from work even if it means lesser income. Just so na mas maganda ‘yong output. Kasi naniniwala ako na lahat dapat ng artista hindi lang showbiz basta anything na related sa art dapat may fall back ka talaga. Kasi hindi mo masabi.”

Kuwento pa ni Tuesday, dahil sa nararanasang pandemic ay labis na naapektuhan ang wedding at events industry. Mabuti na nga daw ngayon at unti-unti na silang nakakabangon. Kung nitong nakaraang dalawang taon ay nag-zero events sila, sa ngayon daw ay puno na ang schedule nila sa mga events hanggang sa susunod na taon.

tuesday vargas wedding coordinator

Larawan mula sa Instagram account ni Tuesday Vargas

Life at love story ni Tuesday

Pagdating sa kuwento ng mga weddings, ang kasal ni Tuesday sa dating mister na si Coy Placido ay isa sa mga kasal na nagpaiyak sa marami noon. Ang kanilang kasal ay ginanap sa Boracay noong June 2010 kung saan si Tuesday ay may nakakaiyak na message sa kaniyang mister.

“Sa buhay na to marami akong naging pangarap. Maging mahusay na doktor, maging beauty queen at maikasal sa isang magarang lugar sa isang matipunong lalaki. Masasabi ko sa araw na ito na natupad ko na ang isa sa mga pangarap na yan. Ito ay ang maging isang beauty queen.”

Ito ang bahagi ng wedding vow ni Tuesday sa mister noong si Coy Placido.

Ang relasyon ni Tuesday at Coy ay nauwi rin sa hiwalayan. At nito ngang 2020 ay ipinakilala ni Tuesday sa publiko ang bagong lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso. Ito ay ang theater actor at singer na si Joseph Puducay.

Sa isang Instagram post ni Tuesday ay sinabi niyang si Joseph ang nagsilbing liwanag sa dilim ng kaniyang nakaraan. Ito ang muling nagbigay pag-asa sa kaniya at naghilom sa broken hearted niyang puso.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v)

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

“I guess what I am really trying to say is that I am grateful to have someone that lifts me up through the myriad of woes I face each day. Sometimes you just need a person that is completely present in a relationship.”

“I am a strong person, with a will that does not easily break. But even birds that fly high need the wind to bring them to greener pastures they seek.”

“Thank @josephpuducay for putting up with me. A broken girl that will not ask to be healed, just to be held with love.”

Ito ang bahagi ng post ni Tuesday tungkol sa partner niyang si Joseph.

GMA

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Tuesday Vargas successful din bilang wedding coordinator: “Lahat ng artista, dapat may fall back talaga.”
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.