Tulungang mag-focus ang mga bata

Palagi bang malikot, di mapakali, at hindi makapag-concentrate ang inyong anak? Narito ang ilang madaling paraan para matulungang mag-focus ang mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Posible nga bang mapabuti ang concentration skills at mag-focus ng isang bata sa ginagawa niya? Paano ba mapapa-upo ng matagal ang isang bata para man lang matapos niya ang assignment o project o anumang bagay na dapat gawin?

Bago ang lahat, kailangang maintindihan muna ang natural na karakter ng isang bata. Lahat ng bata ay may walang kapantay na energy at natural na curiosity. Kapag hinsi sila interesado sa ginagawa nila, madali silang mainip, at mabilis na nalilipat ang atensiyon sa ibang bagay—kahit anong bagay, na nasa paligid nila. Hindi madali sa kanila ang tapusin ng tuluy-tuloy ang isang gawain, lalo kung walang gabay.

Paano natin gagabayan ang mga bata? Subukan ang mga sumusunod:

Paano tutulungang mag-focus ang mga bata?

1. Ihanda ang kapaligiran

Maraming bata ang mas nakaka-focus kapag ang kapaligiran nila ay tahimik at kalmado. Pero mayron ding mga bata na mas nakakatrabaho kapag may ingay sa di kalayuan.

Kailangang alamin kung anong uri ng paligid ang mas nakakatulong na makapag-concentrate ang bata. Bakit hindi ayusin ang ambience sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng musikang nakakapag-pakalma, at nakakapagpagana na rin sa bata na mag-aral? May iba naman na tinatanggal ang mga anumang distraction tulad ng cell phone, TV, mga laruan, at iba pa.

Ihanda na sa lamesa ang lahat ng kailangan—libro, school bag, mga pansulat, computer kung kailangan, papel, calculator, at kung ano pang gamit, para hindi tayo ng tayo at tuluy-tuloy lang ang pag-aaral.

2. Magtakda ng routine

Subok nang nakakatulong ang pagtatakda ng routine o gawain ng mga bata ayon sa sinusunod na oras o pagkakasunud-sunod. Kuwento ni Nenette Damaso, may nakatakdang oras para sa mga dapat gawin ng dalawang anak niya mula pa nuong bata sila, kaya’t nasanay na sila sa ganito schedule, pagdating pa lang ng bahay galing eskwela. “Lahat ay planado, at may oras, para masanay sila,” paliwanag ni Damaso. Natututo ang mga bata ng time management, at masasaisip nila na hindi pwede lumagpas sa takdang oras dahil may gagawin pang iba. Pwede pa rin namang maging flexible at hindi nakataga sa bato, pero mas maiging madalas na nasusunod ito. Napoprograma kasi sa utak ng bata kung anong oras kakain, mag-aaral, at maglalaro. Pati na rin kung anong oras kakain, maliligo at matutulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Ugaliin ang pagkain ng masustansiyang pagkain.

Mas makakabuti sa pag-iisip at pag-aaral ang may laman ang tiyan. Walang nakakaisip nang maayos kapag gutom. Dagdag pa dito, may koneksiyon ang pagkain ng masustansiyang pagkain sa concentration at focus ng isang bata. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng junk food o mga pagkaing puno ng asukal o fats ay nakakapagpabagal sa paggalaw at paggana ng utak ng isang bata. Sa Archives of Pediatrics & Adolescent Medicine (isang medical journal na inilathala ng American Medical Association) kapag kumakain ng junk food at fast food ang isang tao, mas marami ang calories kaysa nutrients ang napupunta sa katawan. Pero ang mga pagkaing mayaman sa protina tulad ng almonds, itlog at lean meat ay nakakatulong sa pagtaas ng concentration levels at focus ng isang bata. Ang pagkain ng toast at baked beans kapag almusal ay nakakatulong naman sa paggana ng utak, pati na rin ang mga berdeng gulay at mga prutas, na may taglay na antioxidants para sa brain power.

Kaya’t iwasan ang pagpapainom ng caffeinated drinks tulaf ng energy drinks at carbonated drinks. Puro sugar ito at nakaka-hyperactive.

4. Maglaro ng mga games para sa concentration at memory.

Napakaraming games ngayon tulad na hindi lang nakatutuwa, kundi nakakatulong pa na matutong mag-focus ang mga bata. Nariyan ang memory games, jigsaw puzzles, crosswords puzzles (ayon sa edad nila), at number card games. May mga laro rin na gumagamit ng larawan, kung saan ay hahanapin ng bata kung ano ang mali sa litrato, o kaya ay kung ano ang nawawala o nadadagdag.

Ilayo ang mga gadgets, tablets at computer, dahil ang mga laro na magagamit dito ay nakakabawas o di nakakatulong sa attention span.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Hayaan silang umidlip o mag-break kahit sandali.

Importante ang sapat na pahinga sa pamamagitan ng pag-idlip. Kailangan din kasi ng utak natin ng “break” para marefresh at mas makapag-concentrate. Hayaan ang bata na mag-power nap nang 20 minuto man lang pagkagaling sa eskwela o sa tanghali.

Lahat din ng pagpunta sa bakyo at pagkain ay dapat nagawa na bago umupo para mag-aral. Mas nakakasira ng konsentrasyon kapag tayo nang tayo para umihi o kumain.

6. Hatiin sa maliliit na bahagi ang mga gawain.

Kapag maliliit ang gawain o maikli ang oras na kailangan para matapos ito, mas nakaka-concentrate ang bata, at mas madali niyang matatapos. May “sense of accomplishment” siya, at mas gaganahan na gumawa at makatapos. Isang pagsasanay ito para humaba ang attention span.

Ganito din para sa mga ibang gawain, tulad ng gawaing bahay. May ilang beses na pinapaalalahanan ko ang dalawang anak kong lalaki na ayusin ang kuwarto nila, at lahat ng kalat dito. Inabot na ng ilang buwan, wala pa ring nangyayari. Naisip kong gawing maliliit na gawain ito—isang weekend para sa mga damit, susunod ay para sa mga gamit pang-eskwela, sunod ay mga laruan, sunod ay ang ilalim ng kama, at iba pa. Naisip ko din kasi na napakalaking trabaho nga naman ang ayusin ng isang bagsakan ang buong kuwarto. Kaya’t mas nakausad sila nung hinati namin sa ilang bahagi o lugar ng kuwarto ang paglilinis at pag-aayos. Mas naka-focus sila sa isang bahagi o area, mas may natapos silang linisin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7. Hayaan silang magambala paminsan-minsan.

Natural sa mga bata ang malikot at hindi mapakali. Energetic, sabi nga. Kailangan nilang makapaglabas ng energy minsan, para lang mailabas ito sa sistema. Kung alam nang maikili ang attention span ng bata, bigyan ng limit ang oras na nakaupo siya at nagtatrabaho. Mas makakatulong ito sa kaniya na makatapos ng gawain. Subukan ding iba ang gagawin sa “break” niya: kung nagsusulat siya at nakaupo na ng matagal, hayaan siyang mag-bike muna ng ilang minuto, o mag-scooter.

Halimbawa, kapag nag-aaral kayo ng multiplication table, gawin muna ang pagkabisa ng isang numero (8, halimbawa), tapos ay hayaan siyang magpahinga at magkaron ng physical activity—salungat sa mental activity na ginagawa niya.

8. Alamin ang paraan ng pagkatuto ng bata, at ang intelektuwal na kapasidad niya.

May mga batang mas ganadong mag-aral sa umaga, mayron ding mas ganado sa gabi. Kailan sila mas makaka-focus? Pagmasdan at itanong din sa kanila, kungs sa tingin ay kaya nang masabi ng bata ito. Kapag mataas pa ang energy ng bata, dito ipagawa ang mas mahihirap na gawain. Kapag mababa na ang energy, dito ipagawa ng mga mas magaan o madaling gawain.

Bawat bata ay may kani-kaniyang paraan ng pagkatuto. May mga batang mabilis makaintindi at maproseso ang mga impormasyon, mayron namang kinakailangan ng mas mahabang oras. Alamin ang “learning style” ng bata, para matulungan silang mag-aral at matuto. May mga batang madaling matuto kapag gumagamit ng visual images, mayron ding madaling makaintindi kapag ginagamit ang katawan o pisikal na paraan (tulad ng pagbibilang gamit ang mga kamay o konkretong bagay).

9. Mag-ehersisyo.

Ayon sa mga pag-aaral, makakatulong ang mga pisikal na gawain para sa mga batang hirap mag-focus. Kadalasan kasing hindi nakaka-focus ang bata dahil nga sa taas ng energy nila. Kung may paraan sila para mailabas ang baong nilang energy, mas matutulungan silang mag-concentrate. Bigyan sila ng mga pisikal na gawain tulad ng sports, o simpleng pagtakbo o paglalakad sa paligid ng subdivision.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

10. Turuan siya ng relaxation o deep breathing techniques.

May mga relaxation techniques na makakatulong kapag tumataas na ang energy ng bata at di mapakali, ayon sa librong 10 Days to a Less Distracted Child ni Jeffrey Bernstein, PhD. Turuan siyang huminga ng malalim, nang 2 hanggang 3 beses, sa bilang na lima. Nakakatulong din ang pagtigas ng buong katawan, o ang braso at binti na parang robot, at biglang magiging relaxed o malambot, nang 2 hanggang 3 beses. Ang pagkakaron din ng kahit na 5 minutong tahimik na pagkakataon para mag-isip o i-blangko ang pag-iisip ay makakatulong. O di kaya ay pagpikit at pag-iisip ng positibo o masayang imahe ay makakatulong sa pag-iisip at pagkatuto.

11. Siguraduhing may sapat na oras ng tulog ang bata.

Kailangan ng bata ng 8 hanggang 10 na oras ng tulog. Kahit nga matatanda ay hindi makapag-trabaho at makapg-isip ng maayos kapag di sapat ang tulog, hindi ba? Nagiging iritable, mainipin at hindi maka-focus ang batang hindi nakapagpahinga nang maayos. Magtakda ng oras ng pagtulog gabi gabi, at siguraduhing nasusunod ito. Huwag bigyan ng kahit anong gadget, computer o tablet ang bata bago matulog. Bigyan siya ng comfort items tulad ng unan, stuffed toys, malambot na kumot, at iba pa, para makatulong na ma-relax siya.

Tulad ng kahit anong kakayahan, ang concentration at focus ay natututunan. Kailangan lang sanayin ang pag-iisip ng bata.

SOURCES:

The Myth of the ADHD Child: 101 Ways to Improve Your Child’s Behavior and Attention Span without Drugs, Labels, or Coercion ni Thomas Armstrong, PhD

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

10 Days to a Less Distracted Child ni Jeffrey Bernstein, PhD

 

READ: Want to raise an exceptional child? Focus on the 6 Cs!