My husband and I are married for 6 years. We live at my parents house before from 2018 to November 2021. Natapos yung 4 Units Apartment namin and tinirahan namin yung isang unit ng Mister ko kasama ang aming panganay. Malapit lang din itong apartment namin sa bahay ng parents ko, mga 60 meters lang ang layo, kahit papano na i-guide pa rin nila kami.
We’re staying on our own for almost a year now, and talagang dun mo marerealize na kapag hindi ka kumilos sa loob ng bahay talagang magiging makalat at magulo. We started fighting over our chores na ang sabi nya “ikaw dapat gumagawa nyan kasi babae ka. Trabaho yan ng Nanay.”
Kaya talagang nag-aaway kami. Bata pa lang kasi kami nag pakasal. 18 years old kami parehas noon and ngayon lang talaga kami bumukod. Lagi iyon ang naririnig ko sa hubby ko kapag may pinapagawa ako sa kanya or nag papatulong ako mag walis o mag hugas ng pinggan. Dahil work from home kami parehas and hawak naman namin ang time namin sa work, kaya ina-assume ko na baka pwede naman nya ko tulungan dahil parehas lang naman kaming nandito at kami naman ang nakatirang dalawa dito sa bahay namin. We do our counseling with our Pastor and Pastora. We asked about what to do sa chores namin, and they gave us a list of chores designated to us. Ang sabi nila samin “You guys are husband and wife, you’re a team. It takes two to tango.” That’s how my husband starts to change his way and thinking. He washes the dishes every time he also helps me mop the floor sometimes. Madali na din mag-ask sa kanya ng help and talagang mas naging okay kami sa bahay. Naiintindihan nya na yung hirap ng gawaing bahay at nakikita ko sakanya na talagang kina-career nya pag hu-hugas ng pinggan hahaha. Hindi lahat talaga madali sa una, lalo na lahat ng mag asawa e iba-iba ng ugali. Dahil iba-iba tayo ng kinalakihan, kaya pag nag sama talagang minsan di nag kaka-intindihan. Pero nasa atin yan sa sarili natin if we want to change ourselves. Hindi natin mababago ang iba kahit asawa pa natin yan. Si God at ikaw lang sa sarili mo ang makakapag bago sayo. Ngayon, masasabi ko na okay at nag kaka-intindihan na kami ng mister ko pag dating sa mga tasks and chores namin. And, also mas na mo-motivate kami na mag-ayos sa bahay.