Twin-Twin Transfusion Syndrome: Ano ang kumplikasyon na ito?

Ang twin-twin transfusion syndrome ay isang kakaibang kondisyon na maaring maglagay kapahamakan sa buhay ng isa o higit pang sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang twin-twin transfusion syndrome o fetofetal transfusion ay isang napakaseryosong prenatal complication. Ito ay kung saan may dalawa o higit pang fetus ang nasa loob ng isang placenta dahilan upang hindi sila mabigyan ng sapat na supply ng dugo na kailangan nila sa kanilang development.

Dahil sa pagsasama sa iisang placenta, ang dalawang fetus ay maaring hindi mabigyan ng kaukulang supply ng dugo na kailangan nila. Ang isa ay maaring makakuha lamang ng kokonting supply ng dugo na maaring maging dahilan ng dehydration at development delays para sa fetus.

Ang isa naman ay maaring makakuha ng sobra o higit sa kinakailangan niyang dugo na maaring maging dahilan ng high blood pressure o heart failure. Madalas, ang pagkakaroon ng twin-twin transfusion syndrome ay nakamamatay sa kambal o mga fetus na nasa loob ng iisang placenta.

Isang kaso ng Twin-twin transfusion syndrome (TTTS)

Ganito ang nangyari sa kambal na anak ni Bernadette Murphy na taga-Liverpool, England.

Si Bernadette ay napag-alamang nagdadalang-tao sa triplets noong July 2013. Dalawa sa triplets na ito ay nagsama sa iisang placenta o dumaan sa kondisyon na twin-twin transfusion syndrome. Dahil sa pagiging maselan ng kondisyon na ito ay namatay sa loob ng sinapupunan ni Bernadette ang kambal sa kanilang ika-labing anim na linggo.

Samantalang, ang pangatlong fetus naman na nakahiwalay sa isa pang placenta ay nabuhay at maayos niyang naipanganak.

Bagamat maagang namatay ay kinailangang patuloy na dalhin ni Bernadette ang kambal sa kaniyang sinapupunan. Ito ay para mailigtas ang isa niya pang baby na pinangalanan niyang James na nakahiwalay naman ang placenta sa kinalalagyan ng namatay na kambal. Kaya naman siya ay hindi naapektuhan ng naturang kondisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuha ni Bernadette matapos isilang ang anak na si James.

Upang makaiwas sa impeksyon ay regular na umiinom ng antibiotics si Bernadette.

Ayon kay Bernadette, noong una ay napakasaya niya ng malaman na siya ay nagbubuntis sa triplets.  Kahit na ba ito ay isang kumplikadong pagdadalang-tao ayon sa kaniyang doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa unang tatlong buwan ng kaniyang pagdadalang-tao ay labas-pasok si Bernadette sa hospital dahil sa sobrang pagdurugo habang dinadala ang triplets. At sa kaniyang ika-labing dalawang linggo ng pagdadalang-tao ay napag-alaman niya na mabagal ang paglaki ng isang kambal kumpara sa isang kambal na kasama niya sa iisang placenta. Dahil dito ay linggo-linggong minomonitor ang sitwasyon ng kambal sa pamamagitan ng ultrasound.

Sa ika-labing limang linggo ng kaniyang pagbubuntis ay nagkaroon ng suspetsa ang doktor na ang kambal ay maaring nakakaranas ng twin-twin transfusion syndrome o TTTS. Kaya naman dumaan agad si Bernandette sa emergency test para malaman ang kalagayan ng kambal.

Isang kopya ng ultasound result ni Bernadette na kung saan may bilog ang nakahiwalay na baby niyang si James mula sa kambal na nakakaranas ng twin-twin transfusion syndrome.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ika-labing anim na linggo ng kaniyang pagbubuntis ay nakaranas na ng pamamanhid sa kaliwang parte ng kaniyang tiyan si Bernadette kasabay ang tila pagsipa at paggalaw sa loob ng kaniyang tiyan. At noong linggong ring iyon ay sinabi ng doktor ni Bernadette na wala na ang kambal sa loob ng kaniyang sinapupunan na pinangalanan niyang si Joseph at Niall.

Bagamat, maari paring makaranas ng kumplikasyon ang ikatlong niya pang baby na si James ay pinagpatuloy parin ni Bernadette ang kaniyang pagbubuntis dito. At pagkalipas nga ng 37 weeks ay malusog niyang isinilang si James na may bigat na 6.5lbs nung ipinanganak. Kasabay sa pagkapanganak ni James ay ang paglabas rin ng dalawa niya pang kapatid na sina Joseph at Niall na stillborn babies na.

Sa ngayon ay apat na taong gulang na si James at isang malusog na bata. Patuloy naman na inaalala ni James at ng kaniyang ina na si Bernadette ang kambal na sina Joseph at Niall sa pamamagitan ng pagsisindi ng kandila sa kanilang death anniversary na araw rin ng Twin-Twin Transfusion Day kada Disyembre.

Si Bernadette at James matapos ang apat na taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang naging kaso ng mga baby ni Bernadette ay isa lamang sa 300 twins na namamatay taon-taon sa UK. Samantalang, 6,000 babies naman ang naapektuhan ng kondisyon na ito sa US kada taon.

Ang twin-twin transfusion syndrome o TTTS ay isang kakaiba at bihirang sakit. Ayon sa mga tala, 25% ng mga kambal ang nagsasama sa iisang placenta at 10% lamang sa mga ito ang nagkakaroon ng TTTS o twin-twin transfusion syndrome.

Bagamat ito ay bihira, ipinapayo ng mga eksperto na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kababaihan na nagdadalang-tao tungkol dito. Dahil nangangailangan sila ng mas mahigpit at doble pag-aalaga sa kanilang pagbubuntis para masiguradong magiging ligtas ang dalawang buhay na nakataya dahil sa kondisyong ito.

Paano natutukoy ang Twin-twin transfusion syndrome (TTTS)

Mababa ang tiyansa na mabuhay ang mga fetus na nasa ganitong kondisyon. Ngunit, maaring maagapan ito at mabigyan ng pagkakataon ang parehong fetus na mabuhay kung ma-dedetect ito ng mas maaga.

Napakaimportante ng mga pre-natal check-ups upang malaman at masubaysabayan ang mga kambal na sanggol na maaring magkaranas ng sitwasyon na ito. Nadedetect ang TTTS sa pamamagitan ng ultrasound kung saan makikita ang dami ng amniotic fluid sa paligid ng mga kambal. Ang pagkakaroon rin ng magkaibang laki ng kambal ay isang indikasyon rin ng pagkakaroon ng kondisyon ito. Upang mas makasiguro isang prenatal test din na kung tawagin ay amniocentesis ang kailangang isagawa upang makumpirma kung ito nga ay isang kaso ng TTTS.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paggamot sa TTTS

Ang twin-twin transfusion syndrome ay maaring mabigyang lunas depende sa lala nito na kung saan ang tanging layunin ay mapanatiling ligtas at buhay ang dalawang fetus sa sinapupunan ng kaniyang ina.

Susubaybayan ang kalagayan ng sanggol sa pamamagitan ng mga ultrasounds, Magsasagawa rin ng mga Fetal MRIs at echocardiograms upang makita kung mayroong problema ang puso o utak ng mga kambal.

Maaring manatili sa complete bed rest ang isang ina na nakakaranas ng ganitong kumplikasyon sa pagbubuntis habang umiinom ng nutritional supplements para sa kaniyang mga sanggol.

Samantala sa mga severe cases ay maaring maospital ang isang ina na may ganitong kumplikasyon. At sumailalim sa isang laser procedure kung kinakailangan para maisayos ang sirkulasyon ng dugo sa loob ng placenta an kinalalagyan ng kambal. Ang procedure na ito ay isinasagawa kung sakaling ang isa o ang kambal ay nasa delikadong sitwasyon at maaring ikapahamak ng kanilang buhay.

Kung sakali naman malagpasan ng kambal ang kondisyong ito ay maari silang isilang sa pamamagitan ng caesarian section na nakadepende parin sa magiging payo ng iyong doktor.

Paano maiiwasan ang TTTS

Maraming kaso ng TTTS ang hindi maiiwasan ngunit ang pagkakaroon ng healthy diet habang nagbubuntis ay nakakatulong para maiwasan ito o maiwasan ang paglala nito. Ang pag-inom rin ng mga prenatal supplements ay mahigpit na ipinapayo ng doktor. Pati narin ang regular na pagpapacheck-up upang masubaybayan ang sanggol o mga sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina.

Maraming mga kaso ng TTTS ang naisilang ng buhay at maayos dahil sa maagang pagtukoy rito. Kaya naman napakaimportante na mamonitor ng doktor ang pagbubuntis ng isang babaeng nagdadalang-tao upang makaiwas sa twin-twin transfusion syndrome at iba pang kumplikasyon.

 

Sources: NBC News, HealthLine, Daily Mail

Basahin: Ano ang placental abruption at gaano ito kapanganib sa iyong pagbubuntis?