Balik eskwela na naman ba ang inyong mga anak ngayong Agosto? Heto ang ilan sa mga materyales mula sa Twinkl na maaring makatulong sa inyong anak.
Nasa ikalawang taon na tayo ng non face to face classes sa bansa at kung naghahanap si mommy na pwedeng makatulong sa kanilang anak, sagot kayo ng Twinkl!
Maraming mga magulang ang tila nahihirapan sa pag asikaso ng trabaho nila sa bahay, dagdag pa ang mga online classes at modules ng kanilang mga anak.
Dahil sa pag suspende ng klase o face to face classes, marami ang nahihirapan lalo na sa pagtuturo ng kanilang mga anak.
Ang Twinkl ay isang Educational Resource Publisher sa England. Dahil dito, ang Twinkl ay nagpo-provide ng mga school resources tulad ng mga interactive activities at mga libreng worksheet para sa mga bata.
Narito ang halimbawa ng kanilang mga worksheets:
Sa Twinkl, maaring pumili ang mga magulang ng iba’t ibang worksheet ayon sa edad ng kanilang mga anak. Ang mga worksheets ay available mula pre school, elementary, high school, at mayroon din para sa special education needs.
Hangarin ng Twinkl na makatulong sa mga nagtuturo, kasama ang mga magulang na inaasikaso ang kanilang mga anak para sa mas engaging at masayang pag aaral.
Maaari ninyong suriin ang 10,000+ libreng materyales sa pamamagitan ng pag-click dito.
Para sa karagdagang kaalaman maaring bisitahin lamang ang website ng Twinkl, https://www.twinkl.com.ph.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!