#PregnancyInspiration: 2 Ectopic Pregnancies and at last, we have a blessing

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Last July 2020, naoperahan ako dahil sa first ectopic pregnancy ko sa may right fallopian tube. That time, mga 12weeks na akong pregnant bago pa nalaman na ectopic pregnancy na pala ang pregnancy ko. Yung first experience na feel ko was cramps sa may pelvic ko then nag search ako sa google sabe normal lang naman daw yun pag nagbubuntis. Pero nung sobra na yung sakit na nararamdaman ko natakot na ko kasi iba na yung sakit nya parang hindi na talaga tolerable at maiiyak kana sa sobrang sakit.

Hindi ka naman basta pwede unimon ng gamot lang then after nun may spottings na lumalabas na medyo brownish. Kaya nag worry na ko at nag-pacheck ako sa ibang doctor since nasa US yung doctor ko then nag pa trans vaginal ultrasound ako. Nakita nga na nasa right fallopian tube nabuo ang baby ko hindi na pwede na patagalin pa kasi mag rupture na need na nya matanggal so wala akong magawa kung di umiyak at sobrang takot ko nun first time ko makaranas ng ganon kaya akala ko may ibang paraan pa para ma save yung baby pero wala na talaga.

Bihirang nabubuhay ang ina at ang baby pag sa fallopian tube sya nabuo. Kaya inoperahan na ko nun at hindi na nasave yung right fallopian tube. Medyo malaki na yung baby nung natanggal sya sakin pero pasalamat nlang daw kami at hindi nag rupture yung fallopian tube kasi mas lalong magiging delikado.

Imagine ilang years namin inantay na magkababy tapos biglang magiging ectopic pregnancy sya. Grabe yung pagsubok na naranasan namin ng panahong yun kasi pandemic pa yun dito sa Philippines. Nagkasakit kaming magasawa sa stress at parehas kaming nagka anxiety. Ang tagal tagal ko ng nagda-drive ng sasakyan pero simula nung nangyare yun naging nerbyosa na ko at di ko na kayang magdrive pa.

Then yung asawa ko nahihirapan na din mag stream kasi sabe nya pano daw sya magpapasaya ng tao kung sya mismo hindi masaya first time nya umiyak sa live ng dahil don sobrang excited at sobrang saya nya nung nalaman nyang magkaka baby na kami pero biglang ganun nangyare diba. Pero syempre lagi namin iniisip na kahit anung mangyare pagsubok lang ang lahat ng to at alam namin may magandang plan si God para samin mag-asawa iniisip namin baka mahirapan baby namin kasi pandemic nun kaya di muna binigay samin ni God. That time nag try nalang ako mag-focus sa ibang bagay bumalik ako sa pagiging streamer at nagtry din ako magbenta ng mga mask ng streamer since pandemic in demand ang mga mask, para malibang ako at mawala sa isip ko yung mga bagay bagay kasi halos gabi gabi nagiiyak ako hindi naman pwede na hindi ako mag momove on kaya naisip ko na ituon nlang yung sarili ko sa ibang bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malaki din naman naging kita ko sa mask kaya naging busy din ako at yung asawa ko naman nag-focus naman na sa pag stream at nag-try din sya ng mga ibang laro. Nag warzone sya noon para malibang libang din sya then after nun nakaipon na kami at nakabili na ng sarili namin sasakyan and after that lumipat na kami ng inuupahan bahay kasi nahihirapan kami sa parking nung una naming inuupahan. Ang hirap din pakisamahan nung kapitbahay namin doon kasi apartment type sya. Nagtatalo talaga sila sa parking kasi nasa may bandang dulo kami so pag tulog na sila di na kami makalabas kaya pumasok din sa isip namin na baka isa din yun sa dahilan kung bakit di binigay ni God samin si baby. Then nakalipat na kami sa bahay talaga na may sariling parking maayos na environment tahimik nung January 2021. Iniisp kasi namin na baka isa din yun sa dahilan na hindi maayos yung lugar na tinitirhan namin kaya kami nagkakasakit.

February 2021 nabuntis na kagad ako. Basta na delay ako noon at nag pregnancy test na kagad ako kasi natatakot akong maoperahan ulit and nagpa check up na kagad kami at nagpa ultrasound and sad to say ectopic pregnancy nanaman sya. Iyak naman ako ng iyak pero expected ko na ganun mangyayare kasi pag nagka ectopic pregnancy ka may posibility na maulit-ulit. Pero dahil sa maaga namin nalaman naagapan sya kagad nakuha sya sa gamot nakailang balik kami sa hospital para macheck kung bumaba yung hcg level ko at tuluyan mawala yung ectopic pregnancy ko. Kaya sobrang thankful ko sa hospital at nagawan nila ng paraan na di na ko maoperahan ulit at matanggalan ng fallopian tube. Yun kasi ang kinakatakot ko kasi hindi na ko pwedeng mabuntis pag ganun ang nangyare. After naman nun lugmok nanaman kami magasawa pero hindi sya katulad nun dati alam nanamin gagawin at may mga family kami at friends na andyan para damayan at tulungan kami. Pasalamat nlang din kami at hindi kami pinapabayaan lalo na kay boss Tryke na always handang makinig sa mga rants naming magasawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

After nun nilibang na ulit namin ang sarili namin at nagfocus kami sa ibang bagay iniisip namin na siguro hindi pa ito yung time may pinaplano pa si God na mas magandang bagay para samin and naging busy kami. Nag-enjoy at syempre nagipon hanggang sa nakapagpatayo na ng apartment na 6 doors sa Caloocan. Year 2022, nakabili na kami ng sariling lupa namin sa Laguna. So madaming process bago malipat sa pangalan namin ni Sungit yung papel. Nakakatuwa lang kasi kahit di pa kami kasal eh nakapangalan na samin dalwa yung lupa namin sa Laguna. September 2022, lumabas na yung title ng lupa namin na nakapangalan samin at kasabay nun nabuntis na ulit ako at agad agad namin pinacheckup at pina ultrasound and thank God nasa uterus na sya pero syempre need namin magingat kasi blessing na talaga to.

See kita nyo na may plano talaga si God para samin. Inaantay nya muna ma-settle kami bago nya ibigay samin si baby. As of today, 7 weeks and 6 days na si baby. Super excited kami pero di pa namin pinapaalam sa social media. Ito yung unang post ko about this, so, thank you sa lahat ng nagbasa.

Sa susunod ulit na kwento. ☝️

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement