STUDY: Ugali ng bata, nakakaapekto sa kanilang romantikong relasyon paglaki

undefined

Base sa isang pag-aaral, nakita na ang ugali ng mga bata ay may koneksyon sa magiging takbo ng kanilang relasyon pagtanda. | Lead image from iStock

Kadalasang tanong na ng mga matatanda ay kung paano magkaroon ng maayos at magandang romantikong relasyon ngayon. Mayroon tayong sinusunod na salik kung paano maging tagumpay sa buhay pag-ibig. Katulad na lamang ng pagiging mabait, matapat at pagkakaroon ng parehong interes sa kapareha—isa ito sa mga hinahanap natin. Ngunit maaari bang mahulaan agad base sa ugali ng mga bata ngayon ang kanilang magiging kapalaran sa pag-ibig?

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Partikular na ugali ng mga bata
  • Pag-aaral tungkol sa ugali ng bata at pagkakaugnay nito sa takbo ng kanilang romantikong relasyon paglaki
ugali ng mga bata

Ugali ng bata, nakakaapekto sa kanilang romantikong relasyon paglaki | Image from Unsplash

STUDY: Ugali ng bata, nakakaapekto sa kanilang romantikong relasyon paglaki

Sa bagong pag-aaral na nakalimbag sa Journal of Child Psychology and Psychiatry, dito nila nalaman ang resulta ng iba’t ibang pag-uugali ng mga bata at kung ano ang magiging takbo ng kanilang romantikong relasyon. Sa tulong ng kanilang guro, ibinahagi nila ang bawat ugali ng mga bata. Narito ang resulta:

  • Mga batang mahina ang loob at hindi alerto- mataas ang tiyansa na mahihirapan magkaroon ng parter sa edad na 18 years old hanggang 35 years old.
  • Mga batang laging nakikipag-away o hindi sumusunod- mataas ang tiyansa na makipaghiwalay o mahirapan din sa paghahanap ng partner.
  • At mga batang mabait at matulungin- mataas ang tiyansa na maagang magkaroon ng matatag at siguradong relasyon.

BASAHIN:

STUDY: Paglalaro ng manika, may positibong epekto sa mga bata!

5 bagay na sinasabi ng magulang na nakakasira ng mental health ng bata

STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak

Ugali ng mga bata

Mayroong magandang resulta ang pagkakaroon ng maayos na pagsasama. Nagbibigay ito ng emotional support, co-parenting opportunity pati na rin ng socioeconomic security. Nakakatulong din ito sa pagiging matured at napapababa ang neuroticism. Habang napapataas naman ang tiyansa ng pakikipaghalubilo sa iba. Ayon sa pag-aaral, mas magandang sanayin ay iyong anak hanggang bata pa lamang.

Importanteng implikasyon ito sa mga batang dumaan sa emosyonal na problema o nakaranas ng iba’t ibang pagsubok sa buhay. Pasok dito ang pagkawala ng trabaho at pagkakaroon ng mababang sahod.

May epekto rin sa indibidwal ang paninigarilyo at pag-inom madalas ng alak.

ugali ng mga bata

Ugali ng bata, nakakaapekto sa kanilang romantikong relasyon paglaki | Image from Shutterstock

Ano ang nais ipahayag ng pag-aaral?

Ayon sa mga lumang pag-aaral, ang mga taong may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) o conduct disorder ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng “partnership difficulty”. Kabilang dito ang karahasan at mababang kasiyahan sa relasyon. Interesado kami sa bawat pag-uugali ng mga bata kasama na ang “prosocial traits” nila. Ito’y dahil maaaring ma-predict ang magiging takbo ng kanilang relasyon base sa kanilang behavior sa kabataan.

Ang pag-aaral na ito’y nakabase sa analysis ng 3,000 na bata mula Canada. Kung saan sila’y nasabing mayroong ugali na pagiging agresibo, labis na masigla (hyperactivity), anxiety at iba pa. Sa tulong ng mga guro nila, nakilala namin ang mga batang ito na nasa edad sampu hanggang labindalawang taong gulang at sinuri rin ang kalagayan ngayong matanda na sila.

Graph with multiple lines showing different partnership trajectories.

Trajectories of partnership from age 18 to 35 years. (Francis Vergunst), Author provided

Dito namin nalaman na ang mga taong walang partner sa edad na 18 hanggang 35 years old ay dati nang balisa. Habang ang mga taong nakipaghiwalay sa edad na 28 years old ay dati nang agresibo. Hindi naman nalalayo ang resulta sa mga taong dati nang hindi alerto—sila ay napagalamang nakipaghiwalay o nananatiling walang kapareha.

Isa pang nadiskubre ng pag-aaral na ang mga taong kasali rito at napagalamang nakipaghiwalay ay agad na umalis ng kanilang eskwelahan na walang diploma at may mababang kita.

Bakit importante ang ugali sa isang pagsasama?

Ang ugali ng indibidwal sa kaniyang pagkabata ay importante para sa kaniyang romantikong relasyon. Ang pag-uugali ay masasabing hindi agad-agad nawawala kaya naman ito ay may direktang impluwensya na dala ng ugali noong bata ka pa. Kabilang dito ang aggression o anxiety.

Ayon sa pag-aaral, ang mga taong hirap makasundo, hindi tapat at hindi stable ang emotional status ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng komplikadong relasyon.

 

Francis Vergunst, Postdoctoral Fellow in Developmental Public Health, Université de Montréal

This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Marciano

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!