Ugnayan ng ina at anak na lalaki, pinatunayan ng isang pag-aaral.
Ayon sa mga paniniwala, may likas na koneksyon ang mga ina sa kanilang anak. Napatunayan nga ito ng isang pag-aaral at sinabing totoo ang tinatawag na “mother intuition”. Dagdag pa ng pag-aaral, kumpara sa anak na babae ay mas mataas umano ang ugnayan ng ina at anak na lalaki. Ito ay napatunayan matapos matuklasan ng mga siyentipiko na may naiiwan na buhay na selula o cells ng anak na lalaki sa utak ng kaniyang ina.
May paliwanag ba ang siyensya ukol sa mother’s intuition?
Higit pa sa “Mother’s Intuition”: Totoo ang koneksyon sa pagitan ng ina at anak na lalaki
Ang isang buntis na ina ay may pisikal na ugnayan sa kanyang sanggol. Ang hindi pa ipinapanganak na sanggol ay mayroon ding sikolohikal na koneksyon sa kaniyang ina. Sa kaniyang ina, siya ay umaasa ng init, ginhawa, at proteksyon.
Ayon sa isang pag-aaral, kahit naipanganak na ang sanggol ay nagpapatuloy ang ugnayan ng ina sa kaniyang anak. Partikular na sa mga anak na lalaki na tumatawid umano ang DNA at selula o cells sa blood-brain barrier. Ang blood-brain barrier ay nagpoprotekta sa utak laban sa pagpasok ng mga nakakapinsalang substance. Base sa pag-aaral, ang DNA o selula ng anak na lalaki ay hindi nirereject ng utak ng ina. At sa halip ay hinahayaan itong manatili sa kaniya.
Mas may nakakaaliw na katotohanan pa! Lumalabas na hindi lamang nananatili sa isang bahagi ng utak ng ina ang DNA at selula ng kaniyang anak na lalaki. Natuklasan ng mga siyentipiko na ito ay kalat sa buong utak ng ina.
Kinumpirma ng pananaliksik mula sa University of Washington na sa kanilang mga participants, 63% ng utak ng mga ina ang may DNA ng kanilang anak na lalaki.
Ang mga selula at DNA ng kanilang mga anak na lalaki ay maaaring manatili sa ina sa buong buhay niya.
Iminumungkahi rin ng pag-aaral na ang koneksyon sa pagitan ng ina at anak na lalaki ay tumatagal hanggang sa pagtanda. | Image Source: Stock Photos
Koneksyon ng ina sa anak
Patuloy pa rin ang pagsasaliksik ng mga siyentipiko kung paano eksaktong naaapektuhan ng mga “selula ng anak na lalaki” ang utak at pag-iisip ng mga ina.
Ngunit higit sa agham o science, iniisip namin na ito marahil ang dahilan kung bakit alam mo ang ginagawa ng iyong anak kahit hindi siya nasa paligid. Maaaring ito rin ang dahilan kung bakit nararamdaman mo kapag nasasaktan siya o nababalisa at kailangan mo siyang damayan. Posibleng ito ang sagot sa “sixth sense” ng mga ina at ang dahilan sa likod ng “mother’s intuition”. Ito rin ang tinatawag na mahiwagang koneksyon sa pagitan ng ina at anak na lalaki.
At para sa mga ina ng mga anak na babae, hindi namin kayo kinalimutan. Bagama’t ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa koneksyon ng ina at anak na lalaki, mayroon ding mga pag-aaral na nagpapaliwanag ng malalim na koneksyon ng ina sa kanyang anak na babae… abangan ito!
Orihinal na inilathala sa The Asian Parent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
References: news.com.au, PLOS Journal
Magbasapa: Best prenatal supplement brands that you can buy online
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!