Unang kaso ng mpox sa Baguio: Alamin ang dapat gawin

Naitala na ang unang kaso ng mpox sa Baguio. Kaya naman mahalagang malaman kung ano ba ang sakit na ito at ano ang dapat gawin para hindi mahawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naitala na sa lungsod ng Baguio ang kauna-unahang kaso ng mpox, ayon sa Baguio City Health Services Office (HSO). Ang pasyente ay isang 28-taong-gulang na lalaki na nagpositibo sa mas banayad na uri ng Clade II mpox virus.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Unang kaso ng mpox sa Baguio naitala!
  • Ano ang sintomas at paano maiiwasan ang sakit na ito

Unang kaso ng mpox sa Baguio naitala!

Image from Shutterstock

Ayon sa ulat, ang pasyente ay matagumpay na nakumpleto ang kanyang isolation at idineklarang gumaling noong Enero 17, 2025. Bagamat hindi ito kasing-delikado ng ibang sakit tulad ng COVID-19, pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mag-ingat at sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat nito.

Ang mpox ay isang zoonotic disease, ibig sabihin, maaari itong maipasa mula sa hayop patungo sa tao. Bagamat hindi ito madaling kumalat sa hangin, maaari itong maipasa sa pamamagitan ng malapitang pisikal na kontak tulad ng paghalik, pagyakap, pakikipagtalik, o kahit sa respiratory secretions. Maaari rin itong makuha mula sa kontaminadong mga bagay tulad ng kumot o damit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Shutterstock

Mga sintomas at paano maiiwasan ang mpox

Kabilang sa mga sintomas ng mpox ang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, pamamaga ng lymph nodes, panghihina, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, at pagkakaroon ng rashes o sugat sa balat. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang banayad ngunit maaaring maging seryoso sa ilang kaso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Shutterstock

Upang maiwasan ang mpox, mahalagang mag-practice ng proper hygiene. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, iwasan ang direktang kontak sa mga taong may sintomas ng sakit, at tiyaking maayos ang bentilasyon sa inyong mga tahanan. Dagdag pa rito, ipinapayo rin ni Mayor Benjamin Magalong ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa physical distancing, lalo na sa mga pampublikong lugar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, nananatiling mababa ang bilang ng mga kaso ng mpox sa bansa, ngunit mahalaga ang pagiging mapagbantay upang mapanatiling ligtas ang ating pamilya. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kumonsulta sa inyong lokal na health office.

Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa mpox , maaaring basahin ang artikulong ito: Ano ang mpox at mga sintomas nito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan