Bagong kasal viral dahil sa kanilang bonggang giveaway, 18k gold necklace at luxury watch lang naman

Mapapasana-all ka nalang talaga!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Viral ngayon ang naging kasal ng isang Filipino couple dahil sa kanilang bongga at unique na wedding giveaway. Ang mga bagong kasal masyadong naging generous sa kanilang mga bisita at namigay ng luxury watch, gold coins at 18k gold necklace. Mapapasana-all ka nalang talaga!

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Bongga at unique wedding giveaway ng isang newlywed couple.
  • Dahilan sa pagpili ng wedding giveaway.

Bongga at unique wedding giveaway ng isang Pinoy couple

Larawan mula sa Facebook account ni Mine Jacob

Maraming napasana-all at nag-viral ngayon sa social media ang naging kasal ng isang Pinoy couple. Dahil ang bagong kasal tinalo pa ang mga royalty sa kanilang ipinamigay ng giveaway sa mga umaattend ng kanilang wedding. Gold coins, 18k gold necklace at luxury watch na Michael Korrs lang naman ang pinamigay nila. Ang mga ito ibinahagi ng bride na si Mine Jacob sa kaniyang Facebook account.

Si Mine isang dating OFW at ngayon ay isa ng online seller na nagbebenta ng iba’t-ibang luxury item. Ikinasal siya sa kaniyang mister na ngayong si Edison Bondal na isang aircraft technician sa Emirates Airlines nitong August 15, 2023. Ang kasal nila ay ginanap sa Our Lady of Lourdes Parish sa Tagaytay.

Ayon kay Mine, ang mga mamahaling regalo ang naisip nilang ipamigay sa kanilang kasal dahil sa labis na pagpapasalamat sa special na event na ito sa buhay nilang mag-asawa. Bahagi rin ito ng pasasalamat nila sa lahat ng blessings na dumating sa buhay nila na malayo sa estado na pinagdaanan nila 3 years ago.

Dahilan sa pagpili ng wedding giveaway

Larawan mula sa Facebook account ni Mine Jacob

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“3years ago kinasal kami Civil sa Consulate in Dubai nung pandemic. As in walang wala kami nun tapos nagclose pa yung company na pinagtatrabahuhan ko at halos walang sinusweldo yung asawa ko. Walang reception as in kasal lang sa Consulate after pirmahan wala uwian na. Walang magandang damit, walang bisita, walang regalo, walang taga make up, walang photographer, walang celebration as in pirmahan lang.”

Ito ang pagbabalik-tanaw ni Mine sa simpleng kasal nila ng mister na si Edison noon.

Pero hindi daw sila tumigil para matupad ang dream church wedding nila na naisakaturapan na nga nila kasama ang mga taong may mahalagang bahagi sa kanilang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sa totoo po talagang grateful lang kami sa mga bisita namin. Dahil binigyan nila kami ng panahon na masamahan kami sa espesyal na araw sa buhay namin. Ang intention po namin is to share lang talaga yung Blessings na natatanggap namin sa Buhay and to give gifts to show appreciation. Lalo na sa mga nag leave pa sa trabaho para lang makasama kami. Sobrang feeling blessed lang po kami sa mga nangyayari sa buhay namin at gusto namin yun ishare.”

Ito ang sabi pa ni Mine.

Larawan mula sa Facebook account ni Mine Jacob

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement