REAL STORIES: Lalaki nag-propose ng kasal sa kaniyang girlfriend for 11 years sa gitna ng madilim na palayan

Ang babae inakalang na-engkanto na sila bago tuluyang kiligin sa wedding proposal ng boyfriend niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Unique wedding proposal ba kamo? Panoorin dito ang video ng isang lalaking nag-propose ng kasal sa kaniyang girlfriend sa gitna ng madilim na palayan.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Unique wedding proposal sa gitna ng madilim na palayan.
  • Kuwento ng naging proposal.

Unique wedding proposal sa gitna ng madilim na palayan

Larawan mula sa Tiktok

Pagdating sa mga wedding proposal, uso ngayon ang iba’t-ibang gimik. Marami ang todo effort, habang ang ilan simple lang pero espesyal parin dahil sa ang pagpopropose ng kasal ay isang malaking hakbang para sa mga magkasintahan. Dyan nga na halo-halo ang emosyon na kaakibat ng mga surprise wedding proposal. Tulad nalang sa nangyari sa soon-to-be bride na si Shiela Mae Asugao. Bago kinilig sa proposal ng kaniyang long-time boyfriend na si Mon Joshua Pagsisihan, si Shiela binalot muna ng takot sa naging unique wedding proposal nito. Si Mon nagpropose ng kasal kay Shiela sa gitna lang ng madilim na palayan sa Bulacan.

Base sa kuwento ni Shiela sa isang panayam ay nasa Bulacan sila ng maganap ang wedding proposal sa kaniya ni Mon. Sila noon ay nagdidiwang ng kanilang 11th anniversary bilang magkasintahan at napagdesisyunan na magpunta sa isang resort sa Bulacan para doon mag-celebrate.

Larawan mula sa Tiktok

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento ng naging proposal

Ang naging proposal naganap ilang araw bago mag-pasko nitong 2023. Si Shiela at Mon nag-attend ng simbang gabi nang bigla nalang umano silang nasiraan sa gitna ng madilim na palayan. Si Shiela inakalang namamaligno na sila at binalot na ng takot. Lalo na ng bumaba ang boyfriend na si Mon at sinabing may nakakalang sa kanilang sasakyan at hindi sila makadaan.

“Nung pauwi na, doon ko naisip yung daanan sa resort one-way lang. Setup ko nalang yung dashcam then magpapanggap nalang ako na nasiraan.”

Ito ang pagkukuwento ni Mon tungkol sa naisip niyang wedding proposal kay Shiela.

Habang si Shiela naman noong gabi na yun ay labis na kinakabahan sa mga nangyayari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kabadong-kabado kasi mag-aalas dose na yun e. Tapos sa gitna kami ng palayan. Kung halimbawa man paano kami manghihngi ng tulong, paano kami magpaparescue.”

Ito ang pag-alala ni Shiela sa naging wedding proposal ng boyfriend niyang si Mon.

Larawan mula sa Tiktok

Pagbaba nga ni Shiela sa sasakyan ay pinuntahan niya si Mon na nakaluhod sa harap ng sasakyan na tila may sinisilip sa ilalim. Pero ang hindi niya inaasahan ay may hawak na pala itong singsing sa kaniyang kamay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hala totoo ba to? Dun pa ko sa kabado moment, Nung medyo nahimasmasan na ko, kinilig na ko.”

Ito ang pag-alala pa ni Shiela sa nakakakilig ngunit nakakaba ring wedding proposal ng kaniyang boyfriend na si Mon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement