Universal Health Care Law, katuwang ng mga magulang sa tuwing magkakasakit ang anak

Ganap ng isang batas ang Universal Health Care Law na naglalayong magbigay ng quality at affordable healthcare services sa lahat ng Pilipino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Universal Health Care Law o UHC ay ang batas na naglalayong magbigay ng quality at affordable health care services sa mga Pilipino.

Kahapon nga lang ay pormal ng nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na ito na malaki ang maitutulong sa health care at hospitalization benefits ng mga Pilipino.

Image from Freepix

Mga benepisyo mula sa Universal health care law

Sa ilalim ng batas na ito ay hindi na mag-aalala ang mga magulang na may trabaho man o wala sa kung sakaling magkakasakit ang kanilang anak.

Dahil sa pamamagitan ng batas na ito ay awtomatikong magiging miyembro ng National Health Insurance Program o NHIP ang lahat ng Pilipino na nasa loob o labas man ng bansa.

Sa pamamagitan ng “immediate eligibility” na ito ay magkakaroon na ng access ang mga Pilipino sa kabuuang serbisyo na pangkalusugan. Kasama na rito ang preventive, promotive, curative, rehabilitative at palliative care para sa medical, dental, mental at emergency health services.

Ang National Health Insurance Program ay programang bibigyang katuparan ng Philhealth na kung saan makaka-avail rin ang bawat Pilipino ng mga benefits mula dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang programang ito ay nahahati sa dalawang membership categories.

Una ay ang “direct contributors” o ang mga miyembrong may kakahayang mag-bayad ng monthly premium ng Philhealth.

Ang pangalawa ay ang “indirect contributors” o ang mga miyembro na ini-isponsor ng gobyerno gaya ng mga indigents, senior citizens at persons with disabilities o PWD.

Dahil nga ang lahat ng Pilipino ay automatic member na ng National Health Insurance Program ay hindi na kailangang magpakita pa ng Philhealth ID bago maka-avail ng primary health care services sa mga hospital at iba pang health establishments.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakakuha nga lang ng mas maraming benefits ang mga direct contributory members na mas madadagdagan pa kung tataas ang kanilang binabayad na premium buwan-buwan.

Pinalawak rin ng universal health care law ang Philhealth coverage na kung saan ngayon ay kabilang na sa mga benepisyo nito ang libreng consultation fees, laboratory testings at ibang diagnostic services.

Ayon nga sa principal author ng batas na ito na si Sen. JV Ejercito ay hindi na mangangamba ang mga Pilipino sa tuwing magkakasit o madapuan ng karamdaman ang sinumang mahal nila sa buhay. Dahil sa pamamagitan ng batas na ito ay magiging katuwang at karamay na ng bawat Pilipino ang gobyerno sa kanilang pagpapagamot at sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan.

Samantala, ayon naman sa co-author ng Universal Health Care law na si former Senate Committee on Health Chairperson Risa Hontiveros ay wala ng magulang ang dapat papiliin kung kaya niya bang iligtas ang kaniyang anak sa peligro ng karamdaman o sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa tulong ng batas na ito ay masisiguro na ng bawat magulang na mabibigyan ng maayos na serbisyo sa pagpapagamot ang kaniyang anak at sinumang mahal sa buhay.

Nilinaw din ni Sen. JV Ejercito na hindi lahat ng magagastos sa ospital ay magiging libre na sa ilalim ng batas na ito. Ngunit mas patataasin lang ang makukuhang benepisyo mula sa Philhealth at gobyerno.

Ayon naman kay Department of Health Secretary Francisco T. Duque III, malaki ang maitutulong ng Universal Health Care Law sa mga Pilipino dahil sa pamamagitan ng batas na ito ay mas palalakasin pa ang primary health care o ang serbisyo sa mga barangay health clinics.

Sa ilalim din ng batas na ito ay mas paiigtingin pa ang programa sa health promotion at disease prevention para maiwasan ang paglaganap ng mga sakit gaya nalang sa nangyaring tigdas outbreak.

Dagdag pa niya ay mai-improve rin ang doctor to patient ratio sa pamamagitan ng batas na ito. Dahil ang lahat ng graduate ng health related courses na tumatanggap ng government-funded scholarships ay nire-require ng UHC law na magtrabaho sa public sector ng hindi bababa sa tatlong taon upang matugunan ang kakulangan sa mga doktor, nurses at iba pang medical staff sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nilalayon din ng batas na ito na pagandahin ang mga equipments at i-upgrade ang mga bed capacities ng mga pampublikong ospital sa Pilipinas.

Magpapatayo rin ng mga ospital at dagdag pang health centers sa mga remote areas upang abutin ang mga Pilipino sa mga liblib na lugar at maibigay ang kanilang pangangailangang pangkalusugan.

Ang pondong gagamitin para sa programang ito ay magmumula sa charity fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), income mula sa Philippine Gaming Corporation (PAGCOR), member contributions, national budget mula sa Department of Health, government subsidies at sin tax collections.

 

Sources: CNN, ABS-CBN News, PNA, Philstar

Basahin: Extended maternity leave, puwede nang makuha ng mga working moms

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement