Nandito na ang pinakaaabangan ng maraming estudyante, naglabas na ng resulta ang University of the Philippines kung sino-sino ang pumasa sa admission at magiging mga bagong Iskolar ng Bayan.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- UP nilabas na resulta para sa mga bagong Iskolar ng Bayan
- University of the Philippines admission details
UP nilabas na resulta para sa mga bagong Iskolar ng Bayan
Opisyal nang inilibas ngayong Mayo 31, Martes, ng Office of Admissions ng University of the Philippines ang resulta ng UP College Application (UPCA) ngayong taon para sa school year 2022-2023.
Ang paglabas ng kanilang result ay base sa alphabetical order ng bawat apelyido ng applicant. Narito ang sumusunod na schedules na makikita sa UP portal gamit ang username at password na ginamit noong application:
|
Time slot |
Surname |
8:00 A.M hanggang 10:59 A.M |
A hanggang F |
11:00 A.M hanggang 1:59 P.M |
G hanggang M |
2:00 P.M hanggang 4:59 P.M |
N hanggang S |
5:00 P.M hanggang 7:59 P.M |
T hanggang Z |
8:00 P.M onwards |
A hanggang Z (Bukas na para sa lahat) |
Humingi rin ng pakiusap ang unibersidad na bisitahin ang application portal base sa time slot na naka-assign sa kanilang apelyido upang maiwasan ang pagkakaroon ng online traffic.
Hiling din nilang huwag ibahagi ang username at password sa third party upang maprotektahan ang kanilang data privacy.
Larawan mula sa University of the Philippines Facebook account
University of the Philippines admission details
Maraming pagbabago ang naganap magmula ng sumailalim tayo sa pandemic dulot ng COVID-19. Kabilang na diyan ang application sa iba’t ibang unibersidad.
Sa University of the Philippines ginawa nila ang UPCA o University of the Philippines College Admission kung saan ginaganap ito fully online.
Kung dati kinakailangang maipasa ang entrance exam ng unibersidad upang makapasok, ngayon ay naging batayan nila ang finals grades ng estudyante sa Grade 8, 9, 10, at 11 o ang UP admission grade (UPG).
Bukod sa grades ng mga bata, kinokonsidera rin ng UP ang socioeconomic at geographic background ng mga nag-apply.
Larawan kuha mula sa UP Media and Public Relations Office
Ano-ano ang mga dapat tandaan at kailangan ihanda bago mag-apply?
Sa mga estudyanteng nagkaroon ng interes na pumasok sa UP, dapat ay:
- Senior high school student na ga-graduate mula sa DepEd-accredited high school o kaya ay accredited secondary school abroad.
- Mayroong final grades sa Grade 8, 9, 10, at 11.
- Wala pang kinukuhang college subjects
- Wala pang kinukuhang UP College Admission Test
- Hindi pa nag-aapply sa UP College Application
Kung nais mong malaman kung ano-ano ang kailangang ihanda bago mag-apply narito ang mga sumusunod:
|
Applicant |
Mga Kailangang Dokumento |
Para sa lahat ng applicants |
Fully accomplished Forms:
- Personal Data Sheet (filled out by applicant)
- Form 2A (filled out by the high school)
- Form 2B High School Record (filled out by the applicant)
Isang certified true copy ng Permanent Secondary School Record (F137/SF10) na may wet signature ng authorized school personnel na ipapasa sa UP Office of Admissions. |
Para High school graduate |
High school diploma |
Para sa Graduating sa taong 2022 mula sa local HS |
DepEd Certificate of Recognition o Permit to Operate |
Para sa Transferee (i.e. kumuha ng subjects sa ibang high school) |
Certified clear photocopy ng Permanent Secondary School Record (F137/SF10) mula sa ibang school na may kasamang mga grades |
Para sa foreign applicants |
Proof of payment of application processing fee |
BASAHIN:
STUDY: Babies with big heads tend to be smarter, more likely to go to university
Free college tuition to start in June according to CHED
CHED plans to have mandatory drug testing for college students
Larawan kuha mula sa UP Media and Public Relations Office
Paano naga-apply para makapasok sa UP?
Narito ang step by step process sa bagong application ng admission ng University of the Philippines:
Step 1. Mag-abang kung kailan magbubukas ang online application sa portal ng UP upadmissionsonline.up.edu.ph. Kung bukas na ay mag-fill-out ng application form.
- Kinakailangan ng valid na e-mail address kung mag-aapply para sa account at upang makatanggap ng notification tungkol sa status at resulta ng application.
- Gumamit ng secured na e-mail address na may two-step verification upang maprotektahan ang privacy.
- I-fillout ang Form 1 at Form 2B nang tama.
Step 2. Automatic na mapapadala ang request ang inyong high school principal o school para mafill-out Form 2A (High School Profile).
- Duly authorized official lamang ang maaaring magfill-out ng form na ito.
- Magno-notify ito kung tapos na ng school ang iyong Form 2A.
Step 3. Para sa mga non-Filipino applicants, kailangang bayaran ang application fee.
- Php 450.00 para sa resident na foreign applicants na nag-aaral sa bansa.
- $50 naman para sa non-resident foreign applicants.
Step 4. I-check kung naupload na ang Forms 1 at 2B sa Online Portal.
Ugaliing bisitahin upcollegeadmissions.up.edu.ph para sa regular na announcements, updates, resulta at karagdagang impormasyon tungkol dito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!