Noong December 2023 pa lamang ay inaprubahan na ng National Human Settlements Board ang 4% increase para sa mga ang buwanang upa sa bahay ay P10,000 pababa. Epektibo na ang residential rental rates increase na ito mula pa noong Enero hanggang sa December 2024.
Pagtaas ng upa sa bahay aabot ng hanggang 4%
Inaprubahan noong December 2023 ang NHSB Resolution No. 2023-3. Ayon sa Deparment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) hindi dapat na tataas pa sa 4% ang rental rates increase. Ito ay upang maiwasan ang hindi makatwirang pagtataas ng upa sa bahay ng mga pamilyang mababa lamang ang income.
Batay umano ang resolusyon na ito sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority. Na kailangang magtakda ng uniform maximum percentage. Ayon kay DHSUD Undersecretary Henry Yap, ang patakarang ito ay iniakma ayon sa latest empirical study. Kabilang dito ang Annual Family Income and Expenditure Survey. Pati na rin ang Census of Population and Housing.
Kapag nilabag ang probisyon ng batas na ito at lumampas ang mga landowner sa itinakdang 4% increase, maaaring pagmultahin ito ng P25,000 hanggang P50,000. O kaya naman ay makulong ng hindi bababa sa isang buwan at isang araw. At hindi hihigit sa anim na buwan. Pwede rin naman na parehong maipataw ang parusang multa at pagkakakulong.
Residential rental rates hike malaking dagok sa mga Pilipino
Subalit, sa kabila ng price ceiling na ito ng pagtaas ng presyo ng upa sa bahay, maraming Pilipino pa rin ang nangangamba na lalong kakapusin ang kanilang kinikita para sa pang araw-araw na gastusin. Kahit 4% lamang ito para sa iba, malaking bagay naman ito para sa mga pamilyang mababa ang income. Lalo na at patindi nang patindi ang inflation sa ating bansa. Kaliwa’t kanan ang pagtaas ng bilihin. Kaya ang pagtaas ng upa sa bahay ay malaking dagok na rin para sa maraming Pilipino.
Basahin:
Bank-foreclosed properties: Your guide to smart housing investments
Your family’s dream home on a budget: A guide in buying a house in the Philippines
4 tips on how to avail of foreclosed properties through Pag-IBIG