Upper brain living ang solusyon para manatiling kalmado at hindi mainitin ang ulo ng isang buntis.
Iyan ay ayon kay Prof. Dawn Kingston mula sa University of Calgary, Alberta, Canada.
Si Prof. Kingston ay isa ring advocate na nagsusulong ng pangangalaga ng mental at emotional well-being ng mga buntis.
Kahalagahan ng upper brain living para sa mga buntis
Ang upper brain ang responsable pagdating sa ating best-thinking, creating and decision-making skills.
Habang ang middle brain naman ay para sa ating emotional reactions.
At ang lower brain naman ay ang para sa stress o survival brain.
Ang pamumuhay gamit ang ating upper brain ay makakatulong para tayo ay maging kalmado at clear-headed. Sa pamamagitan rin nito ay mas nakakagawa tayo ng creative solutions sa kinakaharap na problema.
Ang resulta ng upper brain living ay ang pagiging kalmado sa pagharap sa conflicts at stress sa ating buhay.
Kung pipiliin namang mamuhay gamit ang lower brain ay mas nagiging stress ang isang tao. Nakakaranas rin siya ng tension sa kaniyang muscles, mas irritable at madaling uminit ang ulo kahit sa maliliit na bagay.
Kaya naman ayon kay Prof. Dawn Kingston, mahalagang mamuhay ang mga buntis gamit ang kanilang upper brain. Para hindi sila mahirapang mag-handle ng mga difficult life situations na haharapin nila. At para hindi sila ma-stress na nakakasama sa kanilang dinadala.
Pero paano nga ba isinasagawa ang upper brain living? Narito ang mga paraan.
4 Upper brain living tips para sa mga buntis
Dagdag ni Prof. Kingston, ang upper brain living ay ang susi at sikreto sa calmer living. At may apat na paraan para magawa ito.
1. Gamitin ang iyong upper brain.
Ang unang dapat gawin para maisagawa ang upper brain living ay ang pamumuhay na gamit ito.
Ibig sabihin ay kailangan mong magkaroon ng control sa iyong sarili lalo na sa panahon ng problema o conflict na nararanasan.
Bago ka mag-react gamit ang iyong lower brain ay siguraduhin munang nag-isip ka o inintindi mo muna ang sitwasyon gamit ang iyong upper brain.
Sa pamamagitan nito ay mas nakakaisip ka ng magandang paraan para masolusyonan ang kinakaharap na problema. At mas mahahandle mo ang iba pang conflicts ng mas maayos at kalmado.
2. Pag-isipan muna ang mga hakbang o bagay na gagawin.
Ang upper brain living ay ang pamumuhay na kung saan pinagiisipan mo muna ang bawat bagay na iyong gagawin o sasabihin.
Tulad nalang sa bago ka magsalita lalo na kapag ikaw ay galit. Dapat ay bigyan mo ng oras na pag-isipan kung ano ang magiging resulta o epekto ng bawat salitang iyong sasabihin.
Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang paglala ng problema at mas masusulosyonan ito ng maayos.
3. Huminga ng malalim.
Kung nakakaramdam ka tila ginagamit mo na ang iyong lower brain o feeling mo ikaw ay stress na ay huminga ka lang malalim.
Ang deep breathing o inhale-exhale ay makakatulong para bumalik kang muli sa upper brain living.
4. Siguradong nakakakuha ka ng sapat na pahinga.
Ang upper brain living rin ay nangangahulugan ng pagkuha ng sapat na pahinga o tulog na iyong kinakailangan.
Dahil ang kakulangan sa tulog ay isang balakid para magamit mo ng maayos ang iyong upper brain. Lalo pa’t ang kakulangan sa tulog ay nagdudulot ng stress at anxiety na nakakasama sa mga buntis at kaniyang baby.
Paano i-apply ang upper brain living sa iyong buhay
Ang paggamit ng upper brain ay maiapply sa pangaraw-araw na pamumuhay. Gaya nalang sa tuwing nakakakita ka ng isang kakilala o kaibigan matapos ang ilang linggo o buwan.
Ilan nga sa laging napapansin sa mga ganitong pagkakataon ay ang ating katawan. Kung tayo ba ay pumayat o tumaba na nakadepende sa obserbasyon nila.
Madalas sasabihin sayo ay, “Mas tumaba ka kaysa sa huling beses tayong nagkita.”
Para sa mga babae ang mga salitang ito ay nakakapanic at minsan ay nakakainis.
Pero imbis na magkaroon ng negative na reaction, ay huminga ka muna ng malalim. Inhale at exhale.
Tingnan ang positive side na sinabi ng iyong kakilala at pag-isipan muna ang iyong sasabihin, gaya ng:
“Oo nga tumaba ako at masaya ang doktor ko dahil healthy kami ng baby ko pareho.”
Imbis na magkaroon kayo ng conflict ng kaibigan o kakilalang matagal mo ng hindi nakita ay magkakaroon pa ng magandang opportunity sa inyo na mas makapag-usap at mapreserved ang inyong relationship.
Ang upper brain living ay hindi madali. Kailagan mo itong praktisin at gawin ng paulit-ulit para iyong makasanayan.
Pero isa sa mabisang paraan para mamuhay gamit ang iyong upper brain ay punuin ng magaganda at masasayang ideya ang iyong isipan.
Laging tingnan ang brighter side ng mga bagay-bagay at manatiling kalmado at energized. Ito ay para maiwasan ang pagdami ng stress chemicals sa iyong isipan na makakasama sayo at sa sanggol na dinadala mo.
Sources:
Healthy Sleep Med, Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!