Dalawa ang uri ng pangangaliwa, ayon sa isang eksperto

Iba ang paraan ng pangangaliwa ng mga lalaki at babae. | Photo by Tengku Razaleigh on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming iba’t ibang klase ng pangangaliwa, ngunit ayon sa isang sex therapist, dalawa lang talaga ang uri ng pangangaliwa.

Ayon kay Tammy Nelson, ang relationship expert sa Ashley Madison (isang website para sa mga gustong mangaliwa), ang pangangaliwa ay nahuhulog sa dalawang kategorya.

Ang dalawang uri ng pangangaliwa

1. Gustong umalis sa kanilang pangunahing relasyon

Ang mga tao sa unang kategorya ay ang tinatawag ni Nelson na “can-opener”.

“Nangangaliwa ka kasi gusto mo nang umalis sa relasyon ngunit di mo alam kung paano wakasan ito,” sabi ni Nelson sa Business Insider.

Ang pangangaliwa na ito ay mas madalas ginagawa ng mga kababaihan.

“Alam nila na pag mahuhuli sila, mabilis nang matatapos ang kanilang relasyon,” sabi ni James Preece, isang dating coach, sa The Independent.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Walang balak umalis sa kanilang pangunahing relasyon

Ang mga ibang nangangaliwa ay walang balak umalis sa kanilang pangunahing relasyon. Nangangaliwa sila kasi may nararamdaman silang pagkukulang sa kanilang buhay mag-asawa.

“Maaaring nasusustento ng kanilang pangunahing relasyon ang emosyonal na pangangailangan nila, ngunit pagdating sa pisikal na aspeto, kulang ang ‘binibigay ng asawa nila. Kaya hinahanap nila ito sa kanilang kerida.”

Ayon sa isang pagsusuri ng Victoria Milan, isa pang website para sa mga gustong mangaliwa, 69% sa mga miyembro nila ay walang balak umalis sa kanilang pangunahing relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pangangaliwa ay puwede ding resulta ng tukso ng isang third party. Mas karaniwan ang pangangaliwa na ito sa mga lalake, kasi mas marupok sila at mas iniisip ang sarili.

Mas karaniwan din ang pangangaliwa na ito pag may anak na ang mag-asawa. Pag mas inaasikaso ng babae ang kanilang anak, maaaring maramdaman ng lalake nila na di na siya kanais-nais sa mata ng asawa nila.

Paano iwasan ang pangangaliwa?

Para iwasan ang tukso at pangangaliwa, dapat nating gawing prayoridad ang ating mga asawa, kahit marami pa tayong ibang inaasikaso — tulad ng trabaho at anak. Laging magtakda ng oras para sa iyong asawa, at huwag kalimutan ang pag-uusap ng masinsinan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa ibang tips tungkol sa pag-iiwas ng pangangaliwa, basahin ang artikulo na ito: 5 ways to keep your husband faithful, according to experts

Sources: Business Insider, The Independent

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Cristina Morales