Pabalik-balik ba ang pananakit ng iyong ulo? Baka mali ang iyong iniinom na gamot. Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa iba’t ibang uri ng sakit sa ulo.
Isa sa mga sakit na pinakamahirap para sa ating mga magulang ay ang headache o sakit ng ulo. Kumpara kasi sa pananakit sa ibang parte ng katawan, kapag ang ulo ang sumakit, apektado ang iyong pag-iisip at mahirap kumilos sa buong araw.
May mga taong nakasanayan nang tiisin ang kanilang sakit sa ulo, subalit sa halip na indahin, dapat ay bigyan agad ng lunas ito para hindi tumagal.
Para malaman ang tamang lunas sa sakit ng ulo, importante ring alamin ang iba’t ibang uri ng sakit sa ulo at mga posibleng sanhi nito.
Talaan ng Nilalaman
Mga posibleng sanhi ng sakit sa ulo
Bagama’t ang sanhi ay partikular sa uri ng sakit sa ulo na ating nararamadaman, narito naman ang mga karaniwang sanhi ng sakit ng ulo sa karamihan:
1. Sakit
Kasama rito ang mga infection gaya ng sipon, trangkaso at lagnat. Karaniwang ding sumasakit ang ulo ng mga taong may sinusitis, impeksyon sa lalamunan at tenga.
Sa ilang kaso, ang sakit sa ulo ay maaaring sintomas ng mas seryosong sakit.
2. Stress
Kapag stressed ang isang tao, madalas mong marinig na sumasakit ang ulo niya. Hindi ito isang expression lang. Talagang nakakapagdulot ng sakit sa ulo ang emotional stress at iba pang mental health issues gaya ng depression at anxiety.
Gayundin, posible ring magdulot ng sakit ng ulo ang pag-inom ng alak, hindi pagkain sa tamang oras, kulang sa tulog at pag-inom ng masyadong maraming gamot.
“Kaka-computer mo yan!” Pwede ring makadagdag ang matagal na paggamit ng computer o gadgets at maling posture o pag-upo.
3. Kapaligiran
Kabilang na rito ang paglanghap ng usok ng sigarilyo at malalakas na amoy tulad ng mga pabango at household chemicals.
Maaari ring maka-trigger ng sakit ng ulo ang polusyon, ingay, ilaw, pagbabago ng panahon at maging ang ibang pagkain.
4. Genetics
Sa kasamaang palad, ang ibang uri ng sakit sa ulo gaya ng migraine ay namamana.
Ayon sa WebMD, kapag ang kaniyang nanay at tatay ay parehong may migraine, 70 porsyento ang posibilidad na magkaroon din nito ang isang bata. Kapag isa lang naman sa magulang ang may migraine, bumababa ito sa 25 hanggang 50 porsyento.
Bagama’t hindi pa natutukoy ng mga doktor ang eksaktong sanhi ng migraines, may isang teorya na nagsasabing ang electric charge sa mga nerve cells ang nagsasanhi nito.
Iba’t ibang uri ng sakit sa ulo
Para mas madaling intindihin, hatiin nating ang mga uri ng sakit sa ulo sa dalawang grupo. Ang mga common o mas pangkaraniwang sakit ng ulo at ang mga hindi pangkaraniwang sakit ng ulo.
Ayon sa WebMD, mayroong higit sa 150 uri ng sakit sa ulo. Pero narito ang mga mas karaniwan at mas madalas nating maranasan:
5. Tension Headaches
Ito ang pinakakaraniwang sakit ng ulo na nararanasan ng mga teenager at matatanda. Maaaring makaranas ang tao ng paninikip sa bahagi ng kaniyang ulo na maaring umabot sa kaniyang leeg.
Nagsisimula ito nang banayad lang pero maaaring lumala kapag hindi nalunasan. Kadalasan, wala rin itong kasamang ibang sintomas. Sinoman ay maaaring magkaroon ng tension headache. Kadalasang dulot ito ng stress.
6. Migraine Headaches
Inilalarawan naman ang migraine bilang pamimintig na sakit ng ulo. Maaari itong tumagal ng 4 na oras hanggang 3 araw at pwedeng mangyari ng isa hanggang 4 na beses sa isang buwan.
Kasabay ng sakit ng ulo, mayroon itong kasamang ibang sintomas gaya ng pagiging sensitibo sa liwanag, ingat at amoy. Maaari ring makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan.
Kapag may migraine ang isang bata, maaari silang mamutla, at makaramdam ng pagkahilo, paglabo ng paningin, pagsusuka at pananakit ng tiyan.
Kadalasang ang sakit ng ulo na ito ay nararamdaman sa isang bahagi lang ng ulo. At dahil sa tindi ng pananakit ng ulo dulot ng migraine, maaaring malimitahan nito ang iyong abilidad na gumawa ng mga pang araw-araw mong gawain.
Ang ilang migraine headaches ay may kaakibat na visual disturbances. Tinatayang nasa 1/3 ng mga tao na may migraine ang nakararanas ng ganitong sintomas bago umatake ang sakit sa ulo. Tinatawag na migraine aura ang visual distrubances na ito.
Bago umatake ang migraine maaaring makaranas ng migraine aura tulad ng mga sumusunod:
- flashing lights
- shimmering lights
- zigzag lines
- stars
- blind spots
Maaari ring magdulot ng pagkamanhid ng isang bahagi ng mukha o braso at hirap sa pagsasalita ang migraine aura. Kadalasang hereditary o namamana ang migraine, pero maaari ring dulot ito ng iba pang nervous system conditions.
Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng migraine ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Maging ang mga taong may post traumatic stress disorder (PTSD) ay may mataas na risk din ng pagkakaroon ng migraine.
Ilan sa mga karaniwang migraine trigger ay ang mga sumusunod:
- kakulangan sa tulog
- dehydration
- nalipasan ng gutom
- ilang pagkain
- hormone fluctuations
- exposure sa mga kemikal
- masyadong maingay
- masyadong maliwanag
- matatapang na amoy
BASAHIN:
10 palatandaan na malapit ka nang reglahin at ang maaari mong gawin
7. Cluster Headaches
8. Chronic Daily Headaches
9. Sinus Headaches
10. Posttraumatic Headaches
- Pananakit na tumitindi habang tumatagal
- Vertigo
- Parang magaan ang ulo
- Nahihirapang mag-focus
- Problema sa memorya
- Mabilis na mapagod
- Pagiging iritable
Narito naman ang ilan sa mga hindi masyadong karaniwang uri ng sakit ng ulo:
11. Exercise Headaches
12. Hemicrania Continua
- sakit na nag-iiba-iba ng tindi
- mapula o lumuluhang mata
- baradong ilong
- pagbagsak ng talukap ng mata
- lumiliit na iris
- mas sumasakit kapag gumagawa ng pisikal na gawain
- lalong sumasakit kapag umiinom ng alak
- pagduwal o pagsusuka
- pagiging sensitibo sa ilaw at ingay
13. Hormone Headaches
Kung ang pagsakit ng ulo ay nangyayari 2 araw bago ang iyong period o 3 araw matapos ang pagsisimula nito, tinatawag itong menstrual migraines.
14. New Daily Persistent Headaches (NDPH)
15. Ice Pick Headaches
16. Spinal Headaches
- pagkahilo
- pagsusuka
- pagsakit ng leeg
- pagbabago sa paningin
- pagkawala ng pandinig
- radiating pain sa mga braso
17. Thunderclap Headaches
Narito ang mga posibleng sanhi ng thunderclap headache:
- Punit, sugat, bara o pamamaga sa iyong blood vessel na tinatawag ding vasculitis
- Head injury
- Hemorrhagic stroke mula sa ruptured blood vessel sa iyong utak
- Ischemic stroke mula sa blocked blood vessel sa iyong utak
- Numinipis na blood vessels sa paligid ng utak
- Pagbabago ng blood pressure sa mga huling linggo ng pagbubuntis
- Injury sa utak
- Reversible cerebral vasoconstriction syndrome (RCVS)
- Pituitary apoplexy o pagdurugo o pagkawala ng dugo mula sa organ
Kapag nalaman ang sanhi at uri ng sakit sa ulo, mas mabibigyan na ito ng tamang lunas.
Gamot sa sakit ng ulo
Maaaring makatulong ang mga sumusunod na gamot sa iba’t ibang uri ng sakit sa ulo:
- Tension headache – maaari itong maibsan sa pag-inom ng mga OTC medication tulad ng aspirin, ibuprofen, naproxen, at acetaminophen and caffeine. Kapag hindi naman ito umubra, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang indomethacin, meloxicam, o ketorolac.
- Cluster headache – pwedeng irekomenda ng doktor ang oxygen therapy, sumatriptan, o local anesthetic para maibsan ang sintomas. Matapos ang diagnosis, maaari kang bigyan ng gamot sa sakit ng ulo tulad ng corticosteroids, melatonin, topiramate, o calcium channel blockers.
- Migraine – kapag hindi naibsan ng OTC medication ang migraine pain, maaari kang bigyan ng prescription upang mag-take ng triptans. Gamot ito na nakapagpapagaling sa inflammation at pagbabago ng daloy ng dugo sa iyong utak. Maaaring ito ay nasa form ng nasal sprays, pills o injections.
Ang ilan naman sa mga mabisang preventive migraine medications ay ang propranolol, metoprolol, topiramate, at amitriptyline.
- Hemicrania continua – indomethacin, gamot na nonsteroidal anti-inflammatory
- Ice pick headache – indomethacin, gabapentin, cyclooxygenase-2 inhibitors, melatonin, at external hand warming
- Thunderclap headache – calcium channel blockers, beta-blockers, topiramate, lithium, triptans.
- Sinus headaches – nasal steroid sprays, OTC decongestants tulad ng phenylephrine, at antihistamines tulad ng cetirizine.
- Hormone headache – naproxen, relaxation techniques, yoga, acupuncture, at pagkain ng modified diet.
- Exercise headache – aspirin or ibuprofen
- Post traumatic headaches – triptans, sumatriptan, beta-blockers, amitriptyline
- Spinal headache – pain relievers and hydration
Home remedies sa sakit ng ulo
Kung hindi naman matindi ang pananakit ng ulo, maaari mo ring subukan ang ilang paraan para mabawasan ang sakit o iwasan ito:
- Gumamit ng warm compress o ice pack sa iyong ulo o leeg. Subalit para maiwasan ang extreme temperatures (na maaaring makadagdag sa sakit ng ulo, huwag ilagay ang yelo diretso sa balat. Balutin ito ng tela.
- Iwasan ang ma-stress. Subukan ang mga mindfulness meditation, yoga, at pakikinig sa nakakarelax na music.
- Kumain sa oras. Iwasan ang magpagutom, na magiging sanhi para bumaba ang iyong blood sugar levels at sumakit ang iyong ulo.
- Mag-ehersisyo. Nakakatulong ang paggawa ng mga pisikal na gawain para maging maayos ang pagdaloy ng dugo at oxygen sa iyong ulo, at para mabawasan rin ang stress.
- Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga. Siguruhin ding tahimik at kaaya-aya ang iyong paligid para makapagpahinga nang maayos.
- Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.
- Ugaliing magpahinga kahit sandali kapag nagtatrabaho para makapag-stretch at maiwasan ang pagsakit ng mata mula sa matagal na pagtingin sa computer screen. Siguruhin ding tama ang iyong posisyon at pag-upo para hindi sumakit ang iyong leeg.
- Uminom nang maraming tubig para hindi madehydrate.
Tandaan, kung mayroon kang nararamdaman na kakaiba sa iyong katawan, lalo na kung makaranas ng biglaan at matinding pananakit ng ulo, huwag mag-atubiling kumonsulta sa iyong doktor.
Kailan dapat bumisita sa doktor
Paano dina-diagnose ang sakit sa ulo
- duration o gaano katagal ito
- intensity o tindi ng sakit ng ulo
- saang bahagi ng ulo naramdaman ang pananakit
- mga posibleng rason o triggers ng sakit sa ulo
Maaari kang i-refer ng iyong pangunahing doktor sa isang neurologist. Para sa ibang uri ng sakit sa ulo, pwede kang isailalim sa diagnostic tests para malaman ang underlying cause. Ilan sa mga tests na ito ay ang MRI o CT scan, lumbar puncture, o kaya naman ay blood test.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.