UV sterilizer baby must-have nga ba? Ito rin ba ang mahigpit mong pinag-iisipan? Puwes narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit dapat ay simulan na ang paggamit nito.
UV sterilizer baby must-have nga ba?
Malamang ay narinig mo na ang tungkol sa UV sterilizer. Maraming mga mommies ang pinipili na gumamit nito ng dahil sa mas pinapagaan nito umano ang kanilang trabaho. Pero paano nga ba nakakatulong ito sa mga mommies? At anu-ano nga ba talaga ang benepisyong makukuha sa paggamit nito?
5 Benepisyo ng paggamit ng UV sterilizer
1. Pinapadali nito ang pag-sterilize ng mga bote at gamit ni baby.
Kung dati ay kailangan mong magpainit at magpakulo ng tubig para ma-sterilize ang mga bote ni baby, sa pamamagitan ng UV sterilizer ay hindi mo na kailangang gawin ito. Hindi mo na rin kailangan pang patuluin at punasan ang mga bote ni baby para matuyo. Dahil maliban sa sterilizing power ng UV sterilizer ay may dry function rin ito na nagpapatuyo ng mga bote at iba pang gamit ni baby. Ang kailangan mo lang gawin ay ipasok ang mga bote ni baby sa UV sterilizer at bahala na itong magpatay ng 99.9% bacteria at germs na nakakapit rito.
Posible ito sa pamamagitan ng ultraviolet rays at init na nagmumula sa mga bulbs ng sterilizer na siyang responsable sa pagpatay sa mga harmful bacteria sa mga bote at gamit ni baby. Tulad ng E. coli, staphylococcus aureus, salmonella typhimurium, at pseudomonas aeruginosa na maaring pagmulan ng sakit.
2. Hindi lang mga baby bottles ang maaring ma-sterilize rito, puwede rin ang ibang gamit sa bahay na madalas mong nahahawakan at ni baby.
Sa paggamit ng UV sterilizer ay hindi lang mga bote, nipples, pacifiers, breast pump, utensils at teething toys ni baby ang malilinis. Puwede ring mailagay rito at ma-sterilize ang iba pang gamit sa bahay tulad ng mga cellphone, remote controls, stuff toys at iba pang laging nahahawakan ni baby. Kahit ang mga make-up brushes at iba pang maliliit na gamit na hindi puwedeng mabasa ay maaring isalang dito upang siguradong maging germ-free at agad mo ng magamit.
Ang mga UV sterilizer ay nag-ooperate sa init o temperature na 40C o 103F degrees. Kaya naman sigurado ka na hindi ito mag-ooverheat at safe ito para sa mga BPA Free plastic material.
3. Portable ito at madaling bitbitin sa tuwing bumabyahe.
Iba-iba ang laki at design ng mga UV sterilizer, pero karamihan sa mga ito ay portable at may sleek design na madaling bitbitin kung aalis o babyahe. Ang kailangan mo lang ay reliable source of energy o power upang ito ay gumana at para masiguradong lahat ng gamit ni baby ay germ at pathogen-free.
4. Easy to use o madali itong gamitin.
Dahil sa ang mga UV sterilizer ay high-tech na ay mas madali itong gamitin. Mayroon itong automatic setting na kailangan mo lang pindutin at siya ng bahalang mag-siguro sa kalinisan ng mga gamit ni baby.
Smartphone controlled na rin ang iba sa mga ito na iyong magagamit sa pamamagitan lang ng Bluetooth.
Sa paggamit ay siguraduhin lang na nahugasan ang mga gamit ni baby na puwedeng mabasa ng tubig gaya ng kaniyang mga plastic bottles sa soapy water. Banlawan ito at saka ilagay ng maayos sa UV sterilizer na may kaunting distansya sa bawat isa. Ito ay upang masigurado na bawat piraso ng gamit ay maabot ng UV lights at malinis.
Kung ang mga gamit naman ay hindi kailangang mabasa ay huwag mag-alala, dahil ang UV sterilizer ay may sterilizing option lang na safe para sa mga ito.
Ang pag-isterilize ng gamit ni baby ay kailangang isalang sa UV sterilizer ng hindi bababa sa 10 minuto para siguradong mapatay ang mga germ at bacteria.
5. Maari itong pag-imbakan o paglagyan ng gamit ni baby matapos malinisan.
Hindi mo na rin kailangang alalahahin pa ang pagliligpit pagtapos gumamit ng UV sterilizer. Dahil puwede mo ring gamitin ito na parang cabinet na maaring pagtaguan ng mga gamit ni baby.
Matapos ang sterilization process ay hayaan o iwan lang ang mga items na ini-sterilize sa loob nito at kunin nalang kapag gagamitin mo na.
Pero kapalit ng benepisyong ito ay ang may kamahalang presyo ng UV sterilizer. Pati na ang yearly maintenance at pagpapalit ng light bulbs nito. Ito ang madalas na dahilan kung bakit naitatanong ng mga mommies kung ang UV sterilizer baby must-have nga ba talaga?
Baby UV sterilizer Philippines
Ilan nga sa mga UV sterilizer na available at maari mong mabili dito sa bansa ay ang sumusunod:
1. uPang UV sterilizer – P8,999
Available ito sa uPang.com.ph
2. Ecomom 22 Single UV Sterilizer with Anion – P 13,500
Available ito sa Mightybaby.ph
3. Haenim UV Sterilizer – P14,899
Available ito Haenim.ph
4. Babybee Dual Lamp UV Sterilizer – P6,399
Available ito sa Babybee.com.ph
5. UV Care Multipurpose Sterilizer Lite– P8,500
Available ito sa Uvcare.net
Basahin:
Paano linisin nang mabuti ang baby bottles? Alamin dito