Alam naman nating lahat na mahalaga ang pagkakaroon ng malusog na katawan. Ito ay dahil mas madaling makaiwas sa mga sakit at mas nagiging malakas tayo kapag malusog ang ating katawan. Ngunit alam niyo ba na mahalaga rin ang pagkakaroon ng magandang vaginal health?
Ang kalusugan ng vagina ay madalas hindi nabibigyang-pansin, pero napaka-importante nito.
Ang pagkakaroon ng malusog na vagina ay makakatulong upang makaiwas sa mga sakit, mapapadali ang iyong pagbubuntis, at nakakatulong rin upang magkaroon ng magandang sex life.
Kaya’t mahalaga ang vaginal health at ang pag-aalaga dito.
10 tips para sa magandang vaginal health
Heto ang ilang mga tips na kailangang tandaan pagdating sa kalusugan ng iyong vagina:
1. Mag-exercise ng iyong vagina
Alam niyo ba na pati ang vagina ay kailangan ng pag-ehersisyo? Nakakatulong ang pagpapalakas ng mga pelvic floor muscles upang mapadali ang panganganak, bladder control, at nakakatulong din sa iyong sex life.
Mahalaga ito lalo na sa mga mayroon nang anak, dahil nanghihina ang pelvic floor muscles sa pagbubuntis. Kaya’t mabuting palaging gumawa ng pelvic floor exercises para lumakas ang muscles na ito.
2. Gumamit ng proteksyon kapag nakikipagtalik
Kung nagkaroon ka ng maraming sexual partners, mahalaga ang paggamit ng proteksyon kapag nakikipagtalik. Nakakatulong ito para makaiwas sa mga STD, at para na rin makaiwas sa mga unwanted pregnancy.
3. Magpa cervical test
Importante ang cervical test upang maagang madetect kung mayroon kang problema sa iyong cervix. Lahat ng babaeng edad 25 hanggang 49 ay dapat nagpapacervical test kada-3 taon upang makita kung may abnormal na growth sa cervix.
4. Ugaliing palitan ang iyong napkin, o tampon
Hindi dapat hinahayaan na mababad ang iyong vagina sa napkin o tampon na mayroong dugo. Ito ay dahil posibleng makakuha ng impeksyon dito, lalo na kung masyadong matagal itong napabayaan.
Kaya’t ugaliing palitan ang napkin at tampon kapag ikaw ay mayroong period.
5. Huwag balewalain ang mga kakaibang nararamdaman
Kapag may napansin kang kakaiba sa iyong period, o kaya may nararanasan kang hindi tipikal sa iyong vagina, ay magpunta ka sa doktor upang mapatingnan ito.
Minsan ang mga maliliit na sintomas ay dahil na pala sa mga mas malalang sakit, at mabuti na ang maagapan ito habang maaga pa.
6. Magpakonsulta sa doktor kapag masyadong masakit ang iyong period
Normal lang para sa mga babae ang makaranas ng period pain. Pero kung sobrang sakit na, at hindi mo na makayanan, hindi na ito dapat ipagwalang-bahala.
Mahalagang magpatingin sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng matinding period pain dahil posible itong sintomas ng iba-ibang mga sakit.
7. Huwag mahiya sa vaginal flatulence
Ang vaginal flatulence, o queefing kung tawagin, ay hangin na lumalabas sa iyong vagina. Parang utot ang tunog nito, ngunit wala naman iyong amoy at hindi ito dapat ikahiya.
Madalas ay nangyayari ito matapos mong makipagtalik, at normal lang ito dahil naiipon ang hangin sa loob ng vagina, at ganito ang nangyayari kapag lumalabas ang hangin.
8. Hindi mo kailangang i-shave ang iyong pubic hair
Hindi lang basta buhok ang iyong pubic hair. Nagsisilbi itong proteksyon sa mga virus at bacteria, at pinoprotektahan nito ang sensitibong balat ng iyong vagina.
Kaya’t hangga’t maari, umiwas sa pag-shave ng pubic hair dahil bukod sa nababawasan ang proteksyon ng iyong vagina ay posible rin itong magdulot ng mga sugat na maging sanhi pa ng impeksyon.
9. Umiwas sa mga vaginal douche
Alam mo ba na hindi maganda sa vagina ang paggamit ng mga nauusong vaginal douche? Ito ay dahil may sariling proseso ang mga vagina ng paglilinis, at self-cleaning ang mga vagina.
Ibig sabihin, ang kailangan mo lang linisin ay ang labas na bahagi, at hindi mo dapat ginagamitan ng kung anu-anong produkto ang loob ng iyong vagina.
10. Mahalin ang iyong vagina
Source: Yahoo News
Image from: Flickr.com
Basahin: Masama ba sa vagina ang hindi pagtatalik ng matagal?