Bilang ng nabubuntis mas dumadami pagtapos ng Valentine's day

Hindi nga talaga mapipigilan ang mga nagmamahalan tuwing Valentine's day patunay rito ay ang pagtaas ng bilang ng mga pagbubuntis ayon sa isang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga Valentine’s baby ang isa sa mga makahulugang resulta at patunay na love is in the air talaga tuwing Valentine’s day.

Sila ang bunga ng selebrasyon ng pagmamahalan at pag-iibigan ng mga magkaka-partner sa araw ng mga puso.

Kung para nga sa iba ay one-day affair lang ang Valentine’s day, hindi para sa mga Valentine’s baby at soon-to-be parents pagkatapos ng romantic na araw na ito.

Ito ay dahil isa ang Valentine’s day sa mga paboritong araw ng mga magkakapartner na magmake-love na maaring magbunga at magdulot ng pagdadalang-tao sa mga babae.

Image from Pexels

Ayon nga sa 2017 Millennial Sex Survey na ginawa ng SKYN condoms sa halos na 3,000 na lalaki at babae na may edad na 18-34 years old, lumabas na ang Valentine’s day ang okasyon at araw na kung kailan mas maraming beses diumano silang nakikipag-sex sa kanilang partner.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga married couples naman ay napag-alamang mas active rin sa pakikipagsex sa kanilang asawa sa Valentine’s day kumpara sa kanilang wedding night.

Samantala, ayon naman sa isa pang condom company na Durex ay tumataas ang kanilang sales ng 20-30% tuwing Valentine’s day kumpara sa ibang araw sa buong taon.

Dahil nga sa mga figures na ito ay idineklara ng American Social Health Association ang February 14 bilang National Condom Day sa United States upang paalalahanan ang mga Americans na maging ready sa safe sex tuwing Valentine’s day.

Habang sa Australia naman ay sabay na isinecelebrate ang kanilang National Sexual and Reproductive Health Day sa araw ng mga puso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkabuo ng mga Valentine’s baby

Image from Pexels

Dahil nga mas sexually active ang mga couples tuwing Valentine’s day ay naging pangalawa ang Valentine’s week sa naitalang may pinakamaraming conception o pagbubuntis. Ang nangunguna ay ang Christmas week na isang paliwanag kung bakit naman may pinakamaraming bilang ng baby ang ipinapanganak tuwing Setyembre.

Samantala, halos 5% nga daw ang itinataas sa bilang ng mga nabubuntis tuwing Valentine’s day kumpara sa ibang pang linggo sa buong taon maliban sa Christmas week. Ito ay ayon sa isang data analysis na ginawa ng National Health Service o NHS sa England noong 2015.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon nga sa NHS ay may naitalang 16,263 na bilang ng pagbubuntis sa mismong linggo ng selebrasyon ng Valentine’s day sa England. Mas tumaas ito sa bilang na 16,344 pagbubuntis isang linggo pagtapos ng Valentine’s week na bumaba dalawang linggo matapos ang araw ng mga puso.

Ang mga bilang na ito ay mas mataas kumpara sa average na 15,427 na pagbubuntis na naitala sa iba pang linggo sa buong taon maliban sa Christmas week.

Ang mga baby na nabuo sa Valentine’s day o mga Valentine’s baby kung tawagin ay inaasahang maipapanganak sa una o pangalawang linggo ng Nobyembre.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit kahit na marami ang recorded sexual activity tuwing Valentine’s day, ay nasa pang-siyam lang ang Nobyembre sa mga buwan na may pinakamaraming baby na pinapanganak, ayon iyan sa records ng Statistic Brain Research Institute.

Ito ay dahil karamihan sa mga pagbubuntis na naging bunga ng Valentine’s day ay unwanted o hindi planado na madalas na nauuwi sa abortion.

Kaya para makaiwas sa hindi planadong pagbubuntis ay ipinapayo ng mga eksperto na laging i-praktis ang safe sex o ang paggamit ng condom sa pakikipagtalik. Ito ay hindi lamang para makaiwas sa hindi inaasahang pagbubuntis ngunit pati narin sa pagkakahawa sa mga sexually transmitted disease na naitala ring tumataas ang bilang ng kaso pagkatapos ng Valentine’s day.

Maraming paraan upang mas romantic at unforgettable niyong mai-celebrate ang Valentine’s day o ang buong Valentine’s week kasama ang inyong partner. Kaya kung hindi pa ready na magkaroon ng Valentine’s baby ay laging maging maingat sa pakikipagtalik. Higit sa lahat ay maging ready at responsable sa mga consequences na maaring idulot ng nag-iinit at hindi magpapapigil mong pagmamahal sa iyong kapartner lalo na ngayong araw ng mga puso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sources: Telegraph, Motherly, The Atlantic, Romper, Splinter News, Bustle
Main photo by rawpixel on Unsplash